OCTA: 17 LGU sa NCR, ‘low-risk’ na sa COVID-19

Robie de Guzman   •   November 1, 2021   •   230

MANILA, Philippines – Nasa low-risk classification na para sa COVID-19 ang buong National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research team.

Sa isang public briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. David Guido na patuloy nang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa 17 local government units at mababa na rin ang reproduction rate o antas ng hawaan ng virus sa NCR sa 0.5 hanggang 0.6.

Kapag nagtuluy-tuloy aniya ito, wala na silang nakikitang dahilan para hindi ibaba sa COVID-19 Alert Level 2 ang NCR sa kalagitnaan ng Nobyembre.

“Mas bumababa na ang resurges dahil mas madami na ang protektado sa Metro Manila, so ayun nga we support ang pag-relax sa Alert Level 2 para makabawi ang ating mga negosyo pero we should do so in a safe manner,” ani David.

Ligtas na rin aniyang tuluyang buksan ang mga negosyo, gayundin ang panukalang ibalik na ang 100% capacity sa mga pampublikong sasakyan ngunit dapat ay limitado lamang ito sa mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.

“Base sa aming pagbasa ng datos ay it’s actually safe to reopen our businesses at this time,” ani David.

“I-restrict sana iyan sa fully vaccinated na passengers pero sa ngayon naman sa Metro Manila ay malapit na tayo nasa 96%na tayong may first dose, it means iyong adult (population) natin malapit na tayo sa 100% fully vaccinated sa Metro Manila,” dagdag pa niya.

Sa datos na hawak ng grupo, nasa 30% na lang ang bed utilization rate sa mga ospital na dati ay puno ng COVID-19 patients, habang nasa 39% naman ang ICU utilization rate.

May mga ospital pang nasa 60% ang utilization rate dahil preferred hospitals ang mga ito para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay David, sapat na rin ang COVID-19 testing ngayon sa rehiyon dahil naabot na ang 5% benchmark ng World Health Organization.

Sa buong bansa, nasa 8% aniya ang positivity rate dahil may ilang probinsiya pang nangangailangang itaas ang kanilang testing capacity.

Batay sa monitoring ng OCTA Research team, kaunting probinsya na lang ang may mataas na kaso gaya ng Occidental Mindoro at Zamboanga City.

Naniniwala si David na kailangang magtuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa buong bansa upang lalong bumuti ang sitwasyon bago matapos ang 2021.

“Iyong projection natin sa ngayon kung magpatuloy ang trend natin na pababa ang bilang ng kaso ay maaring bumaba tayo to 2,000 cases per day sa buong bansa by end of November. Inaasahan natin na sana magkatotoo iyan,” ani David.

“At kung mangyari iyan patuloy na magiging magnda ang holiday sa December,” dagdag pa niya.

Ngunit pakiusap ng mga eksperto sa publiko na huwag maging kumpiyansa at manatiling sumunod sa health protocols, iwasan ang pamamasyal, at mass gathering o kumpulan lalo na sa mga pampublikong lugar upang maputol na ang hawaan ng COVID-19 sa bansa.

TAGS   , , ,

Pagbibigay ng COVID-19 vaccine boosters sa mga botika, simula na sa Enero 20

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – Sisimulan na sa araw ng Huwebes, Enero 20 ang pilot implementation ng programang “Resbakuna sa Botika,” na naglalayong gawin na ring COVID-19 vaccine booster sites ang ilang pharmacy at clinic sa bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 response Vince Dizon, gagawin ang pilot run ng program sa limang pharmacy at dalawang private clinic sa Metro Manila.

“Bukas po, Huwebes, January 20 at sa Biyernes, January 21 magsisimula na po yung ating ‘Resbakuna sa Botika’ at sa mga iba’t-ibang mga clinics. Simula muna dito sa NCR pero mabilis nating ie-expand yan sa iba’t-ibang mga lugar lalung-lalo na sa malalaking siyudad sa bansa, Luzon, Visayas at Mindanao,” ani Dizon.

Kabilang sa mga botika at klinika na lalahok sa pilot implementation ang Mercury Drug, Watsons, the Generics Pharmacy, Generika, South Star Drug , Qualimed at Healthway.

Ngunit paalala ni Dizon, ekslusibo lang muna ang mga pasilidad na ito para sa pagbibigay ng booster shot sa mga nakakumpleto na ng primary series ng COVID-19 vaccine.

Ang mga pharmacist sa itinalagang mga botika rin ang siyang magbabakuna.

“’Yung mga pharmacists po natin ay ‘yan po ay mga qualified naman. Sila po ay dumaan na sa mga training kaya po sila ay importanteng dagdag sa ating vaccination program lalong lalo na sa kapanahunan ngayon na marami sa ating mga vaccinators sa LGU ang nagkakasakit,” ani Dizon.

Nagpahayag naman ng suporta sa program ang grupong Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) dahil makakadadagdag ito sa pwersa ng vaccinators.

Ayon sa PHAP, sanay ang pharmacists sa pagpapatupad ng health protocols at handa naman ang kanilang mga botika upang matiyak na maiiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga magpapabakuna.

Sinabi naman ni Dizon na sa ngayon ay pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga insentibo na maaaring ibigay sa mga pharmacist na tutulong sa pagbabakuna.

“Ngayon po yan ay pinag-uusapan po natin ngayon pero nag-volunteer rin po kasi ang mga botika rin sa kanilang serbisyo at nagpapasalamat tayo sa kanila pero paguusapan po natin with DOH kung ano ang insentibo natin sa kanila,” ang wika ng opisyal.

Una nang sinabi ng pamahalaan na 100 booster shots ang nakalaan sa bawat kalahok na pharmacy kada araw at may kabuuan namang 3,500 doses sa loob ng isang linggong pilot run.

Paalala ng mga otoridad sa publiko na kailangan pa ring magparehistro bago makapagpaturok ng booster dose sa mga botika dahil ang mga lokal na pamahalan ang mangangasiwa sa registration at documentation habang ang mga pasilidad naman ang mangangasiwa sa aktuwal na pagtuturok ng booster dose. (mula sa ulat ni Correspondent Aileen Cerrudo)

PHL logs 22,958 new COVID-19 infections

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – The Philippines on Wednesday recorded 22,958 additional COVID-19 infections, the Department of Health (DOH) said.

In its latest data, the DOH said 21,691 of the new cases occurred within the recent 14 days, from January 6 to January 19.

The top regions that reported high cases in the last two weeks are the National Capital Region, CALABARZON, and Central Luzon.

The latest tally pushed the country’s number of active infections to 270,728. Of these cases, 8,335 are asymptomatic, 257,632 are mild, 2,970 are moderate, 1,487 are severe, and 304 are in critical condition.

The positivity rate was at 43.5 percent, based on samples of 62,531 individuals on January 17.

Six laboratories failed to submit their data on time. These facilities contribute on average 1.5 percent of samples tested and 1.9 percent of positive cases.

Recoveries increased by 36,611, resulting in 2,969,853 total recuperations.

COVID-related deaths rose to 53,044 with 82 new fatalities.

The utilization rate of intensive care unit beds nationwide was at 49 percent, and 53 percent in Metro Manila; isolation beds in the capital region at 48 percent, and 51 percent across the country.

In Metro Manila, 29 percent of ventilators are in use, and 23 percent nationwide.

PH gov’t eyeing another round of nat’l vaccination drive

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – The Philippine government is looking to hold another mass vaccination drive against COVID-19 as the country continues to grapple with rising COVID-19 cases.

Presidential Adviser for COVID-19 response Vince Dizon said the government has started preparations while waiting for the current surge to subside.

“Hinihintay lang po natin na medyo humupa-hupa nang kaunti itong Omicron surge natin dahil alam naman po natin hirap na hirap po ang ating mga health workers, ang ating mga LGU ngayon,” he said in a public briefing.

“So papahupain lang po natin nang kaunti at magkakaroon din po tayo sa mga susunod na linggo ng bagong ‘Bayanihan Bakunahan’ o National Vaccination Days natin sa buong bansa,” he added.

The government held the first two rounds of the national vaccination drive, dubbed as “Bayanihan, Bakunahan” from November 29 to December 3, and December 15 to 22. At least 10.2 million vaccine doses were administered in the first leg, and 6.4 million in the second round.

The national government earlier said it will employ strategies to ramp up and expand vaccination efforts in the country, including the opening of more vaccination sites in smaller facilities like clinics and pharmacies.

The Philippine government is eyeing to fully vaccinate up to 77 million Filipinos in the first quarter of this year and 90 million Filipinos by the second quarter.

To date, more than 55 million individuals were already fully vaccinated since the Philippines rolled out its immunization campaign in March 2020.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.