NTC, makikipag-ugnayan sa PNP at NBI para matunton ang nasa likod ng text scams

Robie de Guzman   •   November 23, 2021   •   506

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang National Telecommunications (NTC) sa pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga nasa likod ng text scams.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamo ng ilang mobile subscribers ukol sa natatanggap nilang mga text messages mula sa mga ‘di kilalang phone numbers na nag-aalok ng trabaho, o kaya ay pautang.

Ayon sa NTC, maraming paraan para makuha ang phone number ng isang indibiduwal na pinapadalhan ng spam texts.

Kabilang na dito ang listahan ng mga number na nagpapaload sa mga tindahan at sa contact tracing system ng mga establisimyento.

Pero giit ni NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyong ito sa ibang tao at paggamit rito para sa text scams.

“We can coordinate perhaps with NBI at police para surveillance, ano, ma-determine sino yung mga yan—grupo ba sila or individual, et cetera, et cetera,” ani Cabarios.

Payo ng NTC sa publiko, huwag magbigay ng personal na impormasyon kung makakatanggap ng mga ganitong mensahe.

Maaari namang i-block ng NTC ang phone number ng mga gumagawa ng ganitong aktibidad kung hihilingin ng mga magrereklamo.

Kung makakatanggap ng text scams, maaari itong ireport sa NTC Central Office Consumer Welfare and Protection Division sa mga numerong (+63) (02) 8920-4464; (+63) (02) 8926-7722; at (+63) (02) 8921-3251.

Maaari ding magpadala ng mensahe sa e-mail address ng NTC na consumer@ntc.gov.ph. (Mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

PNP, ginunita ang kabayanihan ng SAF44 sa ika-7 taon ng Mamasapano clash

Robie de Guzman   •   January 25, 2022

MANILA, Philippines – Ginunita ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng kanilang buhay sa Mamasapano clash noong 2015.

Sa ika-pitong anibersaryo ng insidente ngayong Enero 25, muling sinariwa ng PNP ang sakripisyo ng SAF 44 para sa kapakanan ng mas nakararami.

“Exactly seven years ago, these modern-day heroes, donned with their fighting gears, reinforced with their commitment to bring lasting peace to the nation and most of all embraced with their faith to God, they partook in a one-way road towards ensuring peace and order in the country which is exactly the same road to led to the gate of heavens,” ang wika ni Polic Brigadier General Felipe Natividad, ang director ng PNP-SAF.

Ayon kay Natividad, buong tapang na hinarap ng mga nasawing SAF troopers ang bakbakan kaya dapat lang na mapahalagahan ang kapayapaang tinatamasa ngayon.

“’Ihandog ang iisang buhay,’ from the last phrase of the PNP Hymn, PNP Lingkod ng Bayan. This is the very phrase that our Gallant SAF 44 to whom we offer our tribute today, held in their hearts and placed the greatest possible meaning to it. With courage & commitment, they accomplished their mission even though it costed their very lives,” ang pahayag ng opisyal.

Para naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mahal ang naging kabayaran para magkaroon ng kapayapaan at mamuhay ng walang takot ang pangamba ang mga kababayan natin lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Masusuklian lamang aniya ang sakripisyong ito kung hindi gagawa ng anumang labag sa batas ang mga Pilipino, lalo na ang mga pulis.

“They paid the highest cost for the prizes that we enjoy today the gift of living in peace and liberty, part far from harm and free from fear. We repay them and honor their ultimate sacrifice by following their example enforcing the law those who do wrong and ensuring that we ourselves do no wrong,” ani Guevarra.

Sinabi rin ng DOJ chief na naisampa na ang mga kasong direct assault with murder laban sa 88 akusado sa pagpatay sa 44 SAF troopers.

“These cases have been filed not only for exact punishment for the wrongs committed against the 44 whose heroism we remember today, more than exact punishment these cases manifest our trust in the supremacy of our laws,” ani Guevarra.

Magugunitang noong Enero 25, 2015, sinalakay ng SAF ang ilang barangay sa Mamasapano, Maguindanao kung saan nagtatago ang mga wanted na terorista. Isa sa mga subject ng operasyon na si Zulkifli Binhir alyas Marwan ang napatay pero hindi na nakalabas ng buhay ang SAF troopers nang tambangan sila ng umano’y mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at private armed groups sa lugar.

Si Marwan ay sinasabing Indonesian terrorist at bomb maker na wanted rin sa ibang bansa.

Maliban sa SAF44, 17 miyembro ng MILF rin ang nasawi, tatlo ang sibilyan at hindi natukoy na bilang ng Muslim rebels.

Sinasabing ang kawalan ng koordinasyon kaugnay ng operasyon, alinsunod sa kasunduan ng MILF at ng pamahalaan, ang naging dahilan umano ng pagkakaroon ng engkwentro.

Kinuwestyon noon ang sinseridad ng MILF sa pakikipagkasundo sa pamahalaan dahil sa presensiya ng mga terorista sa mga lugar na sakop ng grupo.

 

Umano’y phishing scam sa LandBank accounts ng ilang guro, pinaiimbestigahan ng DOJ

Robie de Guzman   •   January 25, 2022

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang napaulat na phishing scheme sa account ng ilang guro sa Land Bank of the Philippines (LandBank).

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kasalukuyan nang nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang NBI sa kaso ng online fraud sa bansa.

“The NBI is already looking into phishing of bank accounts on a broader scale, but I am minded to issue a separate directive to the NBI in the case of the teacher victims,” ani Guevarra.

Una nang sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition na may mga natanggap silang ulat na ilang miyembro nila ang nawalan ng pera sa account dahil sa umano’y hindi otorisadong bank transaction.

Ayon sa pinuno ng grupo na si Benjo Basas, 16 na ang natatanggap nilang ulat na nawalan ng pera sa kanilang payroll account matapos umano itong ilipat mula sa kanilang LandBank account papunta sa ibang bangko.

“So far, 16 na po ito, ang common denominator lahat sila ay nawalan ng pera na batay doon sa paggamt ng kanilang online banking apps o system nung LandBank,” ani Basas.

“Ang simula ay ganun lamang po ang pinakamataas lamang po P121,000 from P26,000 ngayon meron ding mas mababa pa, mayroong mga nag-report sa atin na P10,000. Inaayos na po natin ito, nagkaroon na po tayo ng pakikipag-ugnayan sa Department of Education,” dagdag pa niya.

Isa sa mga nawalan ng pera sa LandBank account ay si Crisanto Cruz, isang guro sa Cavite. Aniya, noong Disyembre 30 siya nakatanggap ng notification ukol sa OTP o one-time password sa kanyang cellphone.

“Napansin ko may message, nung tiningnan ko message sa LandBank yung tinatawag nating OTP, one time password, itong OTP pinapadala lang kung mayroon kang online bank system (transaction),” ani Cruz.

“Kinabahan ako kase nakapatay ang computer ko. Ang ginawa ko, meron akong pwedeng mag-check ng balance sa’king cellphone, yun wala na, ubos na yung laman,” dagdag pa niya.

Aniya, P84,000 ang nawala mula sa kanyang account matapos magkaroon ng dalawang hindi otorisadong transaksyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng LandBank na walang nangyaring hacking sa sistema nito at ang napaulat na unauthorized transactions sa ilang account holders nito ay bunsod umano ng phishing scam.

Tiniyak ng bangko na nakikipag-ugnayan na ito sa mga apektadong kliyente.

“The Lank Bank of the Philippines clarifies that it’s systems were not hacked and remain secure, following reports that alleged unauthorized transactions were experienced by two teachers who maintain payroll accounts with LandBank,” ang pahayag nito.

“According to the initial investigation by Landbank, the devices of the teachers were hacked via phishing which compromised their personal information,” dagdag pa nito.

Muli rin itong nagpaalala sa publiko na maging alerto laban sa phishing scam at iba pang uri ng panloloko gamit ang internet. Iwasan ring buksan ang anumang kaduda-dudang link at e-mail na matatanggap, at huwag i-share ang kanilang account at personal information online.

Payo rin ng bangko na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na branch o kaya ay tumawag sa Landbank customer care hotlines na (02) 8-405-7000 at 1-800-10-405-7000 sakaling makaranas ng hindi otorisadong transaksyon sa kanilang bank account.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Education na binubusisi na rin nito ang isyu at nakikipag-ugnayan na sa mga kinauukulan.

AFP, PNP: Mandatory military training makatutulong sa depensa ng bansa

Robie de Guzman   •   January 22, 2022

MANILA, Philippines – Pabor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng military training para sa mga Pilipinong may edad 18 taong gulang.

Ayon sa PNP, suportado nila ang panukala dahil malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang krimen at maging disiplinado ang mga kabataan. Makakatulong rin ang mga kabataan sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

“It is ideal for our country to have its citizens ready to be mobilizes for contingencies and emergencies, they can act as military reserve corps na puwede nating i-tap para mapaigting ang ating depensa against lawlessness,” ang pahayag ni PNP spokeperson Police Colonel Rhoderick Augustus Alba.

“Matuturuan din po sila ng practical life-saving skills para maipagtanggol ang mga sarili especially sa mga panahon ng tragedy,” dagdag pa niya.

Sang-ayon rin ang AFP sa pagsasailalim sa mga 18-anyos na Pilipino sa mandatory military training upang makatulong sila sa pagpapatatag sa bansa.

“We welcome the proposal as this is attuned to the times while government is faced with adversities and challenges, aligned with our aspirations for the citizenry to contribute to nation building,” ang wika ni Col. Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng AFP.

“Rendering mandatory military service will only help us to establish base for a strong armed forces, and therefore a strong nation,” dagdag pa niya.

Sa pananaw naman ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, maganda ang hangarin ng mandatory military training gaya ng pagkakaroon ng disiplina at pagmamahal sa bansa ng mga kabataan.

“We in the DND support the mandatory military service of 18-year-old Filipinos. There are several advantages: First, the military will have a ready and steady trained pool of reservists to defend the country and do HADR work; second, the training and discipline that they will acquire will make them better citizens; third, service to the country will be inculcated in them,” ani Lorenzana.

Gayunman, marami aniya siyang nakikitang balakid sa pagpapatupad ng programa gaya ng kakulangan sa pondo at resources, pati na ang kakulangan sa malalaking kampo sa bansa para sa milyong kabataang sasali sa training bawat taon.

Hindi rin aniya naghahanda ang bansa para sa isang giyera kayat hindi kailangan ng maraming military personnel.

“There are huge hurdles in  implementing this: First, are the funds and resources. Training camps would need to be established all over the land, and manpower and funds must be allocated to accommodate the millions who will reach the age of 18 every year,” ang wika ni Lorenzana.

 “Second, are the anticipated objections of those who are not inclined to serve in the military. Third, we are not on war footing and there will be little need of a general mobilization,” dagdag pa niya.

Mas mainam aniya kung ibabalik ang Mandatory Reserved Officer Training Corps (ROTC) para sa mga pampubliko at pribadong eswelahan dahil sapat na ang training na ito para makatulong ang mga kabataan sa panahon ng kalamidad.

“The implementation of mandatory ROTC in private and public schools is the better alternative. We are already starting to implement this in the State Universities and Colleges (SUCs). This program, which targets the K11-K12 levels, will produce a  huge number of youths who will form part of our reservists,” ani Lorenzana.

Taong 2002 nang i-abolish ang mandatory ROTC kasunod ng pagkamatay ng UST student na si Mark Chua nang ilantad ang umano’y ilang anomalya sa training corps.

Sa ngayon voluntary na lamang ito kasama ng dalawa pang component ng National Service Training Program (NSTP) na Civic Welfare Training Service at Literacy Training Service.

Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang virtual caravan na isusulong nya ang pagkakaroon ng mandatory military training sa lahat ng 18 taong gulang na pilipino babae man o lalaki. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

 

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.