‘No QR code, no entry’ policy paiiralin sa Bataan simula Oct. 1

Robie de Guzman   •   September 18, 2020   •   899

MANILA, Philippines – Simula sa Oktubre 1 ay ipatutupad na sa probinsiya ng Bataan ang ‘no QR code, no entry’ policy bilang bahagi ng pinaigting na contact tracing efforts sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bataan Governor Albert Garcia, ang QR code ang magsisilbing pass ng mga nais pumasok sa lalawigan at ipi-prisinta ito sa checkpoints o entry points sa lugar.

Sinabi ni Garcia na layunin ng sistemang ito na mapabilis ang prosesong pinagdaraanan ng mga mga pauwing overseas Filipino workers (OFW), locally-stranded individuals (LSI) at authorized persons outside of residence (APOR).

Para makakuha ng QR code, kailangang i-download ang get-pass application mula sa Google play at app store.

Mag-sign up sa app sa pamamagitan ng pagsagot sa declaration form, pindutin ang calendar at pumunta sa travel authorization section upang sagutan ang mga tanong ukol sa travel appointment.

May ilalabas itong QR code na naglalaman ng petsa ng pagbiyahe at appointment number na maaaring i-save o iprint.

Sa araw ng biyahe, dalhin ang printed na QR code kasama ang valid identification card at certificate of employment na ipapakita sa entry points papasok sa Bataan.

Ayon kay Garcia, nagsasagawa na sila ng dry run para maihanda ang mga magbabantay sa checkpoints at iba ang ahensiyang otorisadong mag-monitor ng QR code system gamit ang get-pass mobile application.

Nanawagan rin ang gubernador sa publiko na makipagtulungan at sundin ang sistema upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Leslie Huidem)

DFA reports one new COVID-19 case among overseas Filipinos

Marje Pelayo   •   October 26, 2020

MANILA, Philippines –  The Department of Foreign Affairs (DFA) on Sunday (October 25) reported one new case of coronavirus disease (COVID-19) among overseas Filipinos from the Asia and the Pacific.

Also, no new fatality and no new recovery were reported. 

To date, the total number of confirmed COVID-19 cases among Filipinos abroad is at 11,199.

Meanwhile, the tally of fatalities is still at 815 while recoveries remain at 7,248.

The Middle East and Africa continue to be the combined regions with the most number of confirmed COVID-19 cases and have recorded the most number of deaths at 7,376 and 532, respectively. 

The DFA vows full commitment in monitoring the situation of overseas Filipinos who are affected by the pandemic and remains steadfast in promoting and protecting their welfare.

Relaxed travel restrictions still pose health risks—UP OCTA Research

Aileen Cerrudo   •   October 23, 2020

Experts from the University of the Philippines (UP) OCTA Research team said relaxed travel restrictions may still pose health risks.

Dr. Guido David, team member of the UP OCTA Research, said it is too early for the country to accept inbound travels and that further review is needed to avoid coronavirus disease (COVID-19) transmission.

“There’s a surge happening right now in Europe so if we were not careful, maraming cases [there are a lot of cases] outside the Philippine, in Europe and certain parts of the world, kasama pa rin diyan iyong sa (these includes) the United States and India. So we have to be careful about letting people,” he said.

David also said despite the drop of COVID-19 cases in Metro Manila, there is still a possibility for cases to increase if no safety measures is implemented.

“We’re also a bit worried because the rate of decrease in NCR is not that low anymore. It’s very slow. So it could be, the trend might be reversing anytime,” he added.

Services of Red Cross should also resume first, according to David, because its testing capacity covers 1/4 of the total testing capacity of the country. He also reiterated the need for the public to cooperate in order to fight against the virus.

“The public should be aware that the virus is still here. That the pandemic is not yet over. So if they’re loosening restrictions, responsibility is in the public in deciding whether or not they want to go out,” he said. -AAC (with reports from Vincent Arboleda).

Kaso ng COVID-19 transmission sa Cebu City, bumababa na – Cimatu

Robie de Guzman   •   October 23, 2020

Patuloy nang bumababa ng antas ng COVID-19 transmission sa Cebu City kasabay ng pagdami naman ng mga gumagaling mula sa sakit, ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu.

Batay sa hawak nilang impormasyon ngayong buwan ng Oktubre, sinabi ni Cimatu na nasa 1 hanggang 0.5 percent ang positivity rate sa lungsod.

Ibig sabihin aniya ay isa na lang ang nagpopositibo sa sakit sa bawat 100 na isinasailalim sa COVID-19 testing.

Ngayong Oktubre, umabot sa 9,307 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 at walang napaulat na nasawi.

“If you look at the data, more than 600 death ang all of Cebu City since June and bigla na lang naging zero, what is this? This the indication really of the success of the effort of this team,” ang pahayag ni Cimatu.

Si Cimatu ay nagsisilbing chief implementor ng COVID-19 response ng pamahalaan sa Cebu City. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Irish Madelo)

TAGS   ,

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.