Negros Occidental to supply pork meat in ASF-infected provinces

Marje Pelayo   •   September 24, 2019   •   578

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – The Provincial Veterinary Office of Negros Occidental assures the public that the province remains free from African Swine Fever (ASF).

According to Provincial Veterinarian Dr. Renante Decena, they are strict when it comes to implementing biosecurity procedures and animal practices within the province.

Likewise, paraveterinary workers are constantly assisting the veterinarians in conducting regular rounds to pig facilities across Negros Occidental .

Currently, the province has about 4,000 pigs in surplus above its monthly consumption and it is planning to send these to ASF-infected provinces like Aklan and Cebu.

“We persuaded them [Aklan and Cebu] to amend their EO [because they have seen the] biosecurity [of the] province,” Decena said.

Earlier, the provinces of Aklan and Cebu issued executive orders banning the entry of pigs and other pork products from Luzon.

Decena said they may now supply pork meat to these areas after they were given go signal.

“We were given the chance to enter the market,” he concluded. – MNP (with reports from Lalaine Moreno)

New ASF outbreaks reported in 6 Luzon provinces, DA says

Robie de Guzman   •   September 24, 2020

MANILA, Philippines – New outbreaks of the African Swine Fever (ASF) have been monitored in six provinces in Luzon, the Department of Agriculture (DA) said Thursday.

During a Laging Handa briefing, Agriculture Secretary William Dar said the incidents of ASF outbreaks were reported in the provinces of Albay, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon and Quirino.

The new outbreaks bring the total number of affected regions to nine, he added.

Dar assured that the culling operations for ASF-affected hogs have been implemented to ensure that no contaminated pork products will be sold in local markets.

“Mayroon po tayong ugnayan sa mga LGU sila na yung nakabantay doo sa mga areas na may declared ASF cases,may quarantine na yan hindi na makakalabas at kung ano yung kinakailangan na idepopulate,” he said.

“Lahat ng pupunta sa merkado, dapat dadaan sa slaughter houses at doon sa slaughter houses ay naka-bantay ang ating kawani ng National Meat Inspection Service at sila ang magbibigay ng certification na ito ay walang sakit at safe kainin ang karne,” he added.

The Agriculture chief also said that the government is providing hog raisers P5,000 indemnification per pig surrendered for culling.

Experts have said that the ASF virus is not harmful to humans. – RRD (with details from Correspondent Joan Nano)

Kaso ng ASF sa bansa, bumaba mula nang ipatupad ang community quarantine — BAI

Robie de Guzman   •   July 3, 2020

MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Animal Industry (BAI) ngayong Biyernes, Hulyo 3 na malaki ang ibinaba sa kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa matapos ipatupad ang community quarantine bunsod ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa isang panayam sa UNTV program na Get It Straight with Daniel Razon, sinabi ni BAI Officer-in-Charge Dr. Ronnie Domingo na umaabot na lamang sa 20 kaso ng ASF kada isang milyong baboy ang naitatala ng ahensiya.

Mas mababa ito kumpara sa 63 cases na napaulat bago ipatupad ang community quarantine sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay Domingo, nakatulong ang paghihigpit sa pagbiyahe ng mga produktong baboy para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mabantayan ang mga babuyan at agad maaksyunan ang mga kaso ng ASF infection.

“Doon sa mga katabing baryo kung saan mayroong tinamaan, karaniwan po ‘pag may na-report po sa atin na bagong naapektuhan ng mga baboy, sa katabing bayan po ‘yon o kaya sa katabing barangay at ‘yan po y’ong ating binabantayan ngayon. Nag-organisa po tayo para mahigpitan po natin y’ong mga paggalaw ng mga baboy sa isang lugar,” ani Domingo.

Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan maging sa pribadong sektor upang mapigilan ang pagkalat pa ng ASF lalo’t maaaring mabuhay ang virus kahit sa frozen meat sa loob ng tatlong taon, batay sa mga pag-aaral.

Pinaiigting rin aniya ng BAI, katuwang ang Bureau of Customs at Department of Agriculture, ang kampanya laban sa smuggling ng karne na maaaring maging daan upang makapasok sa bansa ang ASF at iba pang mga sakit sa hayop.

“’Pag dumating ho y’ong mga meat products na yan sa pier, nagkakaroon lang ho ng initial examination kasi wala ho tayong cold storage facility sa mga pier,” ani Domingo.

“Bubuksan ho ‘yan, iche-check namin together with the Department of Agriculture officials, tapos ipa-podlock ho natin ‘yan. Babantayan natin kasama ng mga taga-DA at NMIS papunta po doon sa cold storage nila at pagdating po doon, iinspect natin 100 percent habang binababa po ‘yan,” dagdag pa niya.

Ang masasabat na mga pagkaing kontaminado ng ASF ay agad aniyang dinadala sa isang pasilidad kung saan maaari itong sunugin gamit ang kemikal upang mapuksa ang virus.

Bukod sa ASF, sinabi rin ni Domingo na binabantayan nila sa ngayon ang G4 strain ng swine disease na kamakaila’y napaulat na nadiskubre sa ilang baboy sa China.

Payo naman ni Domingo sa publiko na mas mainam pa ring suriin at lutuing mabuti ang mga binibiling karne ng baboy at iba pang meat products upang masigurong ligtas itong kainin. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Mga residente sa La Carlota City sa Negros, pinaghahanda na sa gitna ng pag-aalboroto ng Mt. Kanlaon

Robie de Guzman   •   June 24, 2020

Inihahanda na ng pamahalaan ng La Carlota City sa Negros Occidental ang disaster management plan na ipatutupad sakaling lumala ang ipinakikitang abnormalidad ng Mount Kanlaon.

Ayon kay La Carlota City Mayor Rex Jalando-on, nakapaloob sa kanilang plano ang pagtukoy sa mga barangay na lubos na maapektuhan at kailangang ilikas sakaling sumabog ang bulkan o kaya ay mas tumindi pa ang nararanasang pagyanig sa paligid ng bulkan.

Nakapaloob rin sa disaster management plan ang gagamiting logistics, transportation at available resources, pati na ang positioning ng food packs at mga lugar na maaaring gamiting temporary shelter ng mga ililikas na residente.

Tiniyak rin ni Jalando-on na mayroong P10 milyong quick response fund na maaaring gamitin ang lokal na pamahalaan.

Nagsasagawa na rin sila ng kampanya upang paalalahanan ang mga residente na maghanda at maging alerto sa gitna ng nararanasang pagyanig sa kanilang lungsod.

May gagawin ring drill upang malaman ng mga residente ang mga dapat gawin kapag nakaranas ng malakas na lindol o kaya ay sumabog ang bulkan.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Martes ng umaga, nasa 104 volcanic-tectonic earthquakes ang naitala sa Mount Kanlaon.

Bahagya ring humina ang inilalabas na puting usok ng bulkan na umabot sa taas na 300 metro.

Iniulat rin ng PHIVOLCS ang patuloy na deflation sa ibabang bahagi ng bulkan at inflation o paglobo naman sa gitnang dalisdis na nangangahulugan umano ng hydrothermal o magmatic activity sa ilalim ng lupa.

Muli ring nagpa-alala ang ahensiya na nasa alert level 1 ang Mount Kanlaon na ang ibig sabihin ay nagpapakita ito ng abnormal na aktibidad at nasa “period of unrest.”

Naka-deklarang permanent danger zone ang four-kilometer radius ng bulkan at ipinagbabawal ang pagpasok rito ng mga tao.

Sakop naman ng eight-kilometer radius ng bulkan ang mga Barangay ng Ara-ala at Yubo kaya’t mahigpit itong binabantayan ng lokal na pamahalaan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lalaine Moreno)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.