Negosyante at internet personality Francis Leo Marcos, hinuli ng NBI

Robie de Guzman   •   May 19, 2020   •   2268

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Francis Leo Marcos dahil sa umano’y paglabag sa optometry law.

Ayon sa NBI, hinuli si Marcos ngayong Martes kaugnay ng kinakaharap nitong kasong paglabag sa Republic Act 8050 o ang Revised Optometry Law sa Baguio City.

Dinakip ng NBI Cybercrime Division si Marcos sa bahay nito sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Baguio.

Taong 2010 pa umano naisampa ang reklamo at noong February 2018 lumabas ang warrant.

Wala pang inilalabas na detalye ang NBI ukol sa kaso ngunit ayon kay Marcos, nag-ugat umano ang reklamo sa pamamahagi niya ng libreng eyeglasses at pagsasagawa ng libreng checkup sa mata nang walang permiso mula sa Philippine Optometrist Association.

Bukod sa nasabing reklamo, sinabi ni NBI deputy director Atty. Ferdinand Lavin na nahaharap din si Marcos sa kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act na isinampa noon pang 2006.

Nahaharap din ito sa kasong exploitation at paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violation against Women and Children Law na isinampa naman sa Gapan, Nueva Ecija.

Dagdag pa ni Lavin na iniimbestigahan na rin nila ang totoong pangalan ni Marcos.

“Also we are in the process of investigating his true identity because we have been receiving reports that he had been named before as Norman Mangusin,” ani Lavin.

Pinabulaanan naman ni Marcos ang mga alegasyon laban sa kanya,.

“Talaga pong tayo’y napag-iinitan lang pero wala naman pong problema patutunayan natin sa korte yan lahat ng alegasyon na yan,” ani Marcos.

Bukod sa pagiging negosyante, isa ring internet personality si Marcos dahil sa kanyang videos sa YouTube channel na may mahigit isang milyong subscriber. – RRD (mula sa ulat ni Correspendent Dante Amento)

NBI nabs 5 individuals in investment scam

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines — The National Bureau of Investigation (NBI) has arrested five individuals reportedly involved in investment scams.

The five individuals were arrested during an entrapment operation in Quezon City.

Authorities identified them as Bernie Limpiada and Marvin Ojeda, firm manager Rogelio Fambuena Jr., Glory Ann Pillora, and Sison Inocencio who were alleged owners of Agri-Wealth Farm Ventures, Inc. (Agri-Wealth).

NBI Spokesperson Ferdinand Lavin said the investment scam would offer a 160% return of investment within the period of 100 days with a daily profit ranging from 1.6% to 2.5% of the invested amount.

“This is a scam and we are warning the public. Do not engage, (do) not believe in this kind of scam. The name of the corporation is Agri-Wealth Farm Ventures, Inc,” he said.

NBI Anti-fraud Division Chief Palmer Mallari said an informant, the Securities and Exchange Commissions (SEC), and the Anti-Red Tape Authority reported that the Agri-Wealth Farm Ventures, Inc. is not registered.

It also does not have a secondary permit as a lending company, broker or dealer, and securities for taking investment funds from the public.

“When investors are being invited to attend the investors’ conferences, the investors are made to believe that this is a real, legitimate corporation. Why? There are tarpaulins, there are brochures being distributed, there are offices being presented and officers of the corporation,” he said.

Further investigation stated that the company only began its operations last month and that the victims of the investment scam reached around 50 or close to 100 individuals.

The five individuals have been charged with violations of Sections 8 and 26 of Republic Act No. 8799, the Securities Regulation Code. AAC (with reports from Dante Amento)

Renewal ng NBI clearance, maaari nang gawin online

Robie de Guzman   •   June 17, 2021

MANILA, Philippines – Mas pinadali na ang proseso ng renewal ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance dahil maaari na ito ngayong gawing online at ipa-deliver sa bahay.

Ngayong Huwebes, June 17, inilunsad ng NBI ang online renewal ng clearance sa layuning maiwasan ang kumpulan ng mga tao sa tanggapan ng ahensiya sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Atty. Jose Justo Yap, NBI deputy director, maaari nang gawin online ang pagpapa-renew ng clearance sa pamamagitan ng pagbisita sa website na na www.clearance.NBI.gov.ph at punan ang mga detalyeng hinihingi sa form.

Kapag walang naging problema at kumpleto naman ang requirements ay maaari nang makuha ang clearance sa loob ng 48 oras.

“At this time of pandemic, we guarantee the safety of our clearance applicant by securing their NBI clearance or renewing their NBI clearance at the comfort of their homes,” ani Yap.

Samantala, tiniyak naman ni NBI spokesperson Atty. Ferdinand Lavin na hindi makokompromiso ang personal na impormasyon sa renewal ng NBI clearance kahit pa online at non-appearance na ang aplikasyon nito.

“In terms of leak o ano man yan, our firewall is very much secured and we rest assured the public that the data provided to the NBI are secured and safe,” ani Lavin.

Sakali namang magkaroon ng hit sa online renewal, kailangan pa ring pumunta ang aplikante sa pinakamalapit na tanggapan ng NBI.

“Pwedeng mag-hit po kayo sa online renewal, and kung mangyari po na mag hit kayo you have to report to the nearest NBI office for the quality control interview, that is kung bago yung kaso ninyo pero kung old case yan na clear ka na dyan wala namang problema yun,” ani Yap.

Paglilinaw naman ng ahensya, tanging sa renewal process pa lamang available ang online transaction at hindi pa kasama rito ang mga first time na kukuha ng NBI clearance.

Kinakailangan pa rin ng mga bagong aplikante na pumunta ng personal sa opisina ng NBI para magpasa ng requirements at biometrics, kasama na dito kung may hit ang iyong pangalan.

Sa ngayon, sa Metro Manila pa lamang available ng online renewal ng NBI clerance, pero plano itong palawigin sa 129 na NBI center sa buong bansa.

Sa tala ng NBI, nasa 1,500 nagrerenew ng NBI clearance kada araw at inaasahang dadami pa ito sa pagsisimula ng online renewal process. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

NBI arrests Japanese fugitive in Parañaque City for alleged online fraud, extortion

Aileen Cerrudo   •   May 26, 2021

MANILA, Philippines—The National Bureau of Investigation (NBI) and the Bureau of Immigration (BI) have arrested a Japanese fugitive wanted for his alleged involvement in online fraud and extortion.

According to the NBI, suspect Watanabe Yuki is the so-called “Big Boss” of the largest telecommunication fraud syndicate, whose international operations cover several countries including Japan and Philippines. The agency also said they have already verified the information.

The BI is currently in custody of Yuki. BI spokesperson Dana Sandoval said Yuki’s case is still pending at the Supreme Court (SC).

“With regards to implementation of the deportation, we’d have to wait for the resolution of the local case before we can implement,” Sandoval said.  AAC (with reports from Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.