NDRRMC, nagsagawa ng nationwide simultaneous drill bilang paghahanda sa lindol

admin   •   July 3, 2014   •   4655

Inaapula ng mga bumbero ang sunog sa isang gusali bilang bahagi ng nationwide simultaneous drill na isinagawa ng NDRRMC sa Roxas Boulevard kahapon, Hulyo 2, 2014 (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naglabasan ang mga tao sa isang gusali sa Roxas Boulevard pasado alas-9:30 kahapon ng umaga, Miyerkules, matapos makarinig ng sirena.

Sa kuha ng UNTV drone, tila may sunog sa corporate building ng PAGCOR na katapat lang ng US embassy. Ilang minuto pa ay nagdatingan na rin ang iba pang bumbero upang apulain ang sunog.

Dumating din ang mga rescue unit mula sa iba’t-ibang lugar ng Metro Manila upang bigyang first aid ang mga sugatang empleyado.

Ilan lamang ang mga senaryong ito sa mga posibleng mangyari kung sakaling gagalaw ang west valley fault.

Bahagi ito ng earthquake drill na isinagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa iba’t-ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, posible gumalaw ang west valley fault na may 7.2 magnitude na lindol na katumbas  ng intensity 8 na lindol sa Metro Manila. Huling gumalaw ang west valley fault 356 years na ang nakalilipas.

“Parang sinasabi lang, in our lifetime baka gumalaw ito. So ang issue is dapat maghanda tayo at hindi tayo maunahan na mangyari man ang lindol na ito”, pahayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum.

Ayon sa PHIVOLCS, kung hindi mapaghahandaan ay malalagay sa panganib ang may 31 libong buhay sa Metro Manila lalo na kung mangyayari ito sa gabi.

Samantala, nag-akyatan naman ang mga tao sa isa pang building sa Roxas Boulevard matapos na tumunog at marinig ang bell. Hudyat ito ng paparating na tsunami mula sa Manila Bay. Bahagi rin ito ng drill kung gagalaw naman ang Manila Trench.

Sa pag-aaral ng PHIVOLCS, kung gagalaw ang Manila Trench, maaari itong maglabas ng 8.2 magnitude na lindol at magdulot ng hanggang 3 metrong tsunami at apawan ang Roxas Boulevard at posibleng abutin ang mga buiding sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Ang haba ng Manila Trench ay mula sa Mindoro hanggang sa Taiwan.

Sa pamamagitan ng drill na ito ay masusukat ng pamahalaan kung gaano kahanda  ang isang lugar sakaling  magkaroon ng sakuna.

Kaya’t pakiusap naman ng NDRRMC, sana’y huwag gawing biro ng mga tao ang drill sa lugar na pagdaraosan nito.

“Sa totoong insidente, segundo po ang pinaguusapan natin diyan,  ang binibilang natin. Kung tayo po ay parang namamasyal sa buwan nung sinasabing ang senaryo ay guguho na yung building ay pagdating ng araw po wala po tayong ibang masisi kundi yung sarili natin”, saad ni NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama.

Suhestyon naman ng PHIVOLCS na magsagawa rin ng paghahanda sa bawat tahanan.

“Gumawa ng evacuation plan sa bahay at saan sila mag-evacuate sa komunidad at isubmit sa teacher para ma-check kung tama kasi ngayon handa tayo sa eskwelahan pero hindi sa bahay”, ani Solidum. (Rey Pelayo, UNTV News)

Pangambang sumabog ang Mt. Taal matapos ang malakas na lindol sa Batangas, pinawi ng Phivolcs

Robie de Guzman   •   December 25, 2020

MANILA, Philippines – Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba hinggil sa muling pagsabog ng bulkang Taal kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Calatagan, Batangas pasado alas-7 Biyernes ng umaga.

Ayon kay PHIVOLCS director, Undersecretary Renato Solidum, maliit ang posibilidad na magkaroon ng epekto sa bulkan ang malakas na lindol bagaman patuloy pa nila itong inoobserbahan.

Binigyang-diin rin ni Solidum na sumabog na ang bulkan ngayong taon at malalim ang naramdamang lindol kaninang umaga.

Siguro pagdating doon sa fault baka wala, kasi hindi naman ito ganoon kalaki at malalim siya masyado. Pero pagdating sa Taal Volcano, kasi katatapos lang ng kanyang eruption, oobserbahan natin kung may epekto talaga ito,” ang pahayag ni Solidum.

“Titingnan natin kung magre-react ang Taal Volcano, pero dapat nating maaalala, matandaan, na nasa alert level 1 pa lang naman siya,” dagdag pa niya.

Magugunitang noong buwan ng Enero 2020 ay itinaas sa alert level 4 ang Taal matapos itong magbuga ng abo.

Sa ngayon ay nasa alert level 1 ang bulkan na ang ibig sabihin ay bahagyang pagtaas ng volcanic activity gaya ng gas o steam emission at mga pagyanig. Ipinagbabawal din ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan.

Paliwanag ng ahensiya, gumalaw ang Manila trench kaya’t naramdaman ang pagyanig sa Metro Manila.

Tiniyak din ng PHIVOLCS na walang direktang epekto ang lindol sa Batangas sa West Valley Fault.

Bukod sa Metro Manila, Batangas at Laguna, naramdaman rin ang lindol sa ilang bahagi ng Rizal at Northern Luzon.

Magnitude 5.2 quake rattles parts of Davao Occidental

Robie de Guzman   •   December 25, 2020

MANILA, Philippines – A magnitude 5.2 earthquake rocked Davao Occidental on Friday, the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) reported.

In its bulletin, PHIVOLCS said the temblor occurred at 10 a.m., 89 kilometers southeast of Sarangani town in Davao Occidental.

It was tectonic in origin and had a depth of 65 kilometers.

Instrumental Intensity II was felt at Alabel, Sarangani and Instrumental Intensity I was felt at Kiamba, Sarangani; Koronadal City; General Santos City.

PHIVOLCS said it is not expecting damage nor aftershocks due to the quake.

The state seismologists earlier reported a magnitude 6.3 quake that struck off Calatagan, Batangas at 7:43 a.m. Friday.

MRT-3, LRT-2 resume ops after Batangas quake

Robie de Guzman   •   December 25, 2020

MANILA, Philippines – The operations of the Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) has resumed after it was momentarily halted due to the magnitude 6.3-earthquake that struck off Calatagan, Batangas at around 7:34 a.m. Friday and felt in Metro Manila.

In an advisory, the MRT-3 management said the railway operations resumed at 8:32 a.m. but at a slower speed of 50 kilometers per hour (kph) from 60kph at the mainline after checking of tracks.

“Checking of buildings and facilities is ongoing,” the MRT-3 said.

The railway management was forced to suspend train operations for minutes earlier and advised train drivers to stop at the nearest station for precautionary measures.  

Meanwhile, the management of the Light Rail Transit line 2 (LRT-2) said operations resumed around 11 a.m. after it was temporarily suspended due to the quake.

The temblor was also felt in nearby provinces, including Bulacan, Bataan, and Laguna.

The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) said the quake was tectonic in origin and had a depth of focus of 109 kilometers.

The following intensities were recorded several areas: 

  • Intensity IV – Lemery, and Malvar, Batangas; San Pedro, Laguna; City of Manila; Marikina City; Quezon City; Cainta and Antipolo City, Rizal; Pasig City
  • Intensity III – Caloocan City; Tanay, Rizal; San Jose Del Monte City, and Plaridel, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Cabangan and Iba, Zambales; Samal,
  • Bataan; Valenzuela City; Malabon City
  • Intensity II – San Isidro, Nueva Ecija; Alaminos City, Pangasinan
  • Instrumental Intensities were also recorded:
  • Intensity IV – Bacoor City; Tagaytay City; Carmona, Cavite; Plaridel, Calumpit, San Ildefonso, San Rafael, and Malolos, Bulacan; Guagua, Pampanga; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Las Pinas City
  • Intensity III – Talisay, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Dagupan City; Quezon City; Pasig City; Muntinlupa City; Marikina City; Cabanatuan City
  • Intensity II – Roxas, Oriental Mindoro; Lucban, Quezon; Baler, Aurora; Palayan City
  • Intensity I – San Jose, Nueva Ecija; Gumaca, Lopez and Lucena City, Quezon

Phivolcs said there is no reported significant damage from the quake but it is expecting aftershocks.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.