NDRRMC chief, several staff test positive for COVID-19

Aileen Cerrudo   •   August 27, 2021   •   281

MANILA, Philippines—National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chief Undersecretary Ricardo Jalad and 115 members of the  Office of Civil Defense (OCD) staff have tested positive for COVID-19.

The OCD in Camp Aguinaldo will be temporarily closed from Friday (August 27) to August 30 for disinfection measures while the infected staff undergo quarantine.

Jalad, in his statement, assured that OCD services will continue via 24/7 online channels while the NDRRMC Operations Center will continue their  DRRMC monitoring and coordination services.

“Despite this circumstance, Team OCD remains strong and fully committed to our responsibilities to our people,” he said.  “We assure our people that we are not hindered in any way to serve. We will overcome COVID-19.”

NDRRMC spokesperson Mark Timbal reported that 80% of the total OCD employees who tested positive for COVID-19 are asymptomatic, while 20% of them are experiencing mild symptoms. Out of the 116 OCD staff, including Jalad, 95% of them are fully-vaccinated, Tibal added.

More than 95% of OCD employees po and officers are fully vaccinated na. As early as June po kasi fully vaccinated na ang mga empleyado natin kaya ito po ang nakikita nating dahilan kung bakit majority of all those who tested positive are asymptomatic, (More than 95% of OCD employees and officers are fully vaccinated. Our employees have been fully vaccinated as early as June that is why majority of those who tested positive are asymptomatic),” he said.

The OCD is already preparing swab tests for the families and dependents of the employees who tested positive for the virus.

If not this weekend baka Monday ay maipa-testing na rin po natin sila para malaman natin kung sila po ba ay nahawa o hindi (If not this weekend, we might test [the families and dependents], by Monday to know if they also got infected or not),” Timbal said.

He also reported that they still cannot say if the OCD employees were infected with the Delta variant.

Meanwhile, the Department of Health (DOH) said it will conduct genome sequencing to determine whether the employees are positive for the Delta variant.

Tingnan muna namin ang spread ng 116 positive kung iba’t ibang opisina o iba-ibang building (We will determine if the spread of the 116 positive cases are from different offices or buildings), but definitely this is clustering of cases we will get samples form them,” DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire said. AAC (with reports from Lea Ylagan)

3,500 COVID-19 vaccine booster shots, ilalaan sa pilot run sa ilang botika – Malakanyang

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Aabot sa 3,500 shots ng COVID-19 vaccine booster ang ilalaan ng pamahalaan sa isasagawang pilot run ng booster sites sa ilang botika at klinika sa bansa.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa Enero 20, araw ng Huwebes, magsisimula ang pilot rin sa pitong botika at klinika na kinabibilingan ng Mercury Drug, Watsons, the Generics Pharmacy, Generika, South Star Drug , QualiMed at Healthway.

Ayon kay Nograles, 100 booster shots ang nakalaan sa bawat pharmacy kada araw at may kabuuan namang 3,500 doses sa loob ng isang linggong pilot run.

Nilinaw naman ng opisyal na kailangan pa ring magparehistro sa lokal na pamahalaan bago makapagpaturok ng booster dose sa mga nasabing pasilidad.

Ayon kay Nograles, ang mga lokal na pamahalan ang mangangasiwa sa registration at documentation habang ang mga pasilidad naman ang mangangasiwa sa aktuwal na pagtuturok ng booster dose.

“Kailangan po nating magpa-rehistro so that we can make sure na ang pupunta lamang sa mga botika are those that need booster shots,” paliwanag ng opisyal.

Pagkatapos ng isang linggong pilot implementation, palalawigin ang programa sa iba pang botika sa bansa.

Muli namang paalala ng mga otoridad na ang maaari lamang turukan ng booster shot ay ‘yung mga nakatanggap na ang kumpletong dose ng bakuna at tatlong buwan na ang nakalipas mula nang maturukan ng bakuna.

Ang hakbang ay kaugnay ng layunin ng pamahalaan na maabot ang 90 milyong target na bilang ng fully vaccinated na mga Pilipino sa pagtatapos ng ikalawang bahagi ng taong 2022.

Sa ngayon ay nasa 55 milyon na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa Pilipinas. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

 

Kaso ng Omicron variant naitala sa 15 lugar sa Metro Manila – DOH

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Labinlimang lugar sa Metro Manila na ang nakapagtala ng local case ng Omicron COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, ikinokonsidera nang predominant variant ang Omicron sa Metro Manila batay sa resulta ng pinakahuling whole genome sequencing run.

“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region, It’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local Omicron cases,” ang wika ni De Guzman.

Hindi na tinukoy ng DOH ang mga nasabing lugar pero ayon kay De Guzman, mabilis ang pagkalat ng nasabing variant na maaaring bunsod na rin ng paglabas ng mga tao at hindi lubos na pagsunod ng iilan sa public health protocols.

“These case increases that we’ve seen especially in the National Capital Region is driven by Omicron but is also facilitated by our increased mobility, our reduced compliance to minimum public health standards, as well as delays in our detection and isolation,” ani De Guzman.

Bukod sa Metro Manila ay napansin rin ng kagawaran ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lahat ng rehiyon sa bansa.

“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR Plus but we’re already seeing continuous and swift increases,” ani De Guzman.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa critical risk classification ang Pilipinas sa kabila ng pagbagal ng growth rate ng COVID-19.

Ngayong Martes, 28,471 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa. Ito ang unang pagkakataon ngayong linggo na mas mababa sa 30,000 ang napaulat na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas. (mula sa ulat ni Correspondent Nel Maribojoc)

PUV drivers, pasahero na lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy, posibleng maharap sa parusa – DOTr

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Posibleng patawan ng parusa ang mga lalabag sa ipinatutupad na “no vaccination, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUV) na magpapasakay ng hindi bakunadong pasahero ay titikitan at pagmumultahin na ng mga otoridad simula ngayong Martes.

Batay sa alintuntunin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pagmumultahin ng P5,000 ang mga unang beses na lalabag sa polisiya, P10,000 at impounding ng sasakyan sa ikalawang paglabag, at P15,000 at suspensyon o kanselasyon ng prangkisa sa ikatlo o higit pang paglabag.

Bagaman hindi sakop ng DOTR ang pagpapataw ng parusa sa mga pasaherong hindi otorisadong bumiyahe, maaari pa ring pagmultahin ang mga ito batay sa nakasaad sa mga ordinansa na ipinasa ng local government unit (LGU) sa Metro Manila.

Maaari ding makasuhan ang mga pasaherong hindi susunod sa polisiya sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang batas sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases And Health Events of Public Health Concern.

Kung mahuhulihan ng pekeng vaccination card ang pasahero ay may parusa itong pagkakakulong at nasa P1 milyong multa.

Ayon sa DOTr, naging mapayapa sa kabuuan ang unang araw ng pagpapatupad ng polisiya.

May naitala namang mahigit sa 1,700 na pasahero ng tren ang sumubok na sumakay kahit walang maipakitang vaccionation card noong Lunes.

Hindi saklaw ng “no vaccination, no ride” policy ang mga indibidwal na hindi maaaring bakunahan dahil sa medikal na kondisyon pati na ang mga lumabas lang para sa essential goods at services.

Ang mga pasaherong kasama sa exemptions ay pinapayuhang magdala ng dokumento gaya ng medical certificate o clearance mula sa barangay. (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.