NCRPO, sinimulan na ang pagsasanay sa paggamit ng body camera

Marje Pelayo   •   February 26, 2021   •   387

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang pagsasanay ng may 100,000 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paggamit ng body camera na magagamit sa kanilang operasyon.

Nakatakdang simula ang paggamit ng mga body camera sa huling linggo ng Marso o unang linggo ng Abril.

Ayon kay Police MGen. Angelito Casimiro, bawat istasyon ng pulis ay mabibigyan ng 16 na body camera kung saan ang isang operating team ay maaring makagamit ng hanggang walong body camera sa isang operasyon.

Sa walong body camera na gagamitin, apat ang may sim card at apat naman ang naka-live stream.

Nasa pagpapasya naman ng ground commander kung sino-sino sa mga tauhan niya ang pagsusuuitin ng mga ito.

Ayon sa opisyal, malaking tulong sa PNP ang mga body camera upang maalis ang pagdududa ng publiko sa isinasagawa nilang operasyon.

“Iyon po ang magiging kasangga natin kasi there are instances po, in my experiences sa field, na legitimate naman po ang operation namin at mayroon kaming video at picture po. Noong umalis na po kami sinira na po ng mga tao yung mga gamit sa bahay, pinagtatapon ang mga gamit, sinira mga pintuan and saka po nagtatawag ng media,” paliwanag ni Casimiro, ang director ng Philippine National Police Directorate for Logistics.

Ang mga footage ay magsisilbing ebidensya kung sakaling kailangang depensahan ng pulis ang kaniyang sarili kaugnay ng isinagawang operasyon.

“So ito po yung malaking depensa para sa regularity nung police operation namin sa field,” ayon sa opisyal.

Ang mga body camera ay may dalawa hanggang tatlong oras na full charging at magagamit ng walo hanggang sampung oras na operasyon. 

Ang mga ito ay waterproof at hindi maaring manipulahin ang recording ng sinumang may suot nito.

Maari lamang patayin ang camera kung ang pulis ay off duty na.

Nasa kabuuang 2,696 units ng body camera ang binili ng PNP na nagkakahalaga ng P288 milyon.

Sa kabuuang bilang, 648 units ang inilaan para sa NCRPO. MNP (sa ulat ni Lea Ylagan)

NCRPO, gagamit na ng body camera simula Abril

Marje Pelayo   •   March 17, 2021

MANILA, Philippines — Upang mawala ang pagdududa ng publiko sa mga isinasagawang operasyon ng Philippine National Police, sisimulan na ng pulisya ang paggamit ng body camera.

Sa pamamagitan ng naturang device, maipakikita kung ano ang totoong nangyari sa isang operasyon lalo na kung namatay ang suspek o ito ay nanlaban sa mga otoridad.

Ito ay kasunod ng ilang kotrobersiyal na operasyon na kinasasangkutan ng mga kawani ng PNP.

Ilan dito ang umanoy ‘misencounter’ sa pagitan ng Quezon City Police at ng mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue at ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa mga militante sa CALABARZON na nauwi sa pagkamatay ng ilan sa kanila.

“So iyon po ang magiging kasangga natin kasi there are instances po in my experiences sa field na legitimate naman po ang operation namin at meron kaming video at picture po,” pahayag ni Police MGen. Angelito Casimiro, ang Director ng PNP Directorate for Logistics.

Magagamit ang footages sa body camera upang madepensahan ng mga pulis ang kanilang sarili sakaling kailangan sa imbestigasyon.

“So ito po ang malaking depensa para sa regularity nung police operation namin sa field,” ani Casimiro.

Sa Abril unang gagamit ng body camera ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kabuuang 648 na units ng body camera ang nakalaan sa kanila.

Bawat istasyon ng pulis ay mabibigyan ng walong unit ng body camera.

Ang bawat body camera ng PNP ay mayroong kakayahang makapag-live streaming sa PNP Command Center o sa local monitoring units.

Maaari itong makapag-record ng video nang hanggang walong oras nang tuloy-tuloy.

Sa ngayon, natapos na ang training ng NCRPO patungkol sa panggamit ng device.

Kinumpirma naman ni Casimiro na balak ng PNP na bumili ng 10 deployable CCTV na gumagamit ng artificial intelligence (AI).

Makatutulong naman ang AI CCTV upang ma-track ang mga criminal at teroristang grupo.

Isa sa maaring paggamitan nito ay ang pagpapanatili ng seguridad sa mga malakihang event sa bansa.

“Pwede mong i-program doon iyong 200 faces ng mga wanted person, local terrorist at foreign terrorist at pag dumaan ang tao doon, sasabihin niya sa control na doon lang sa vicinity nya na this person at 90%, 92% o 94% similar doon sa tao na hinahanap nyo,” paliwanag ni Casimiro.

“Sa atin sa law enforcement iyong rate ng efficacy natin ay dapat 90% paakyat, para related talaga kasi yung biometrics po ng tao ang tinitingnan ng system,” dagdag nito.

Malaki ang natipid ng PNP sa nakalaang P334-M pesos na pondo nito sa pagbili ng body camera na nakuha lamang ng ahensya sa halagang P288-M para sa kabuuang bilang na 2,686 units ng body cam.

Ayon kay Casimiro, ang natirang P45.1-M pesos ang siya namang ibibili ng PNP ng AI CCTV. MNP (sa ulat ni Lea Ylagan)

NCRPO seizes shabu worth P81.6-M in Taguig City

Maris Federez   •   May 24, 2020

MANILA, Philippines — The National Capital Region Police Office (NCRPO) has recorded one of the biggest amounts of methamphetamine hydrochloride, commonly known as “shabu”, confiscated by local police during an anti-illegal drug operation on Friday night, May 22, along C6 Road in Lower Bicutan, Taguig City.

The combined anti-illegal drug efforts of the Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit- NCRPO, Regional Drug Enforcement Agency, District Intelligence Division- Southern Police District and Taguig City Police Station together with Philippine National Police- Drug Enforcement Group Special Operations Unit 4, all under the leadership of PMGen. Debold Sinas resulted in an armed encounter against the two (2) armed suspects.

The NCRPO chief identified the suspects as Ryan Labandaria and Ervyn Querubin.

The arrest was made through a buy-bust operation wherein a police operative acted as a poseur buyer.

The suspects, however, noticed that they were dealing with the police and a scuffle ensued. The suspects then fled the scene on board a black Nissan Navarra with the police on their tail.

The police said the suspects were subsequently apprehended and the operatives yielded twelve (12) large packs of dangerous drugs wrapped in Chinese Tea Bag packaging with an estimated weight of more or less 12 Kilograms of suspected shabu, and with an estimated DDB Value of Php 81.6-million.

Aside from the drugs, the police were also able to confiscate the following:

  • one .45 caliber pistol with one magazine loaded with six (6) live ammunitions;
  • one KG9 sub machine gun with one live ammunition for chamber load inserted with banana type magazine loaded with nine (9) live ammunitions; and,
  • one extra banana type magazine loaded with nine (9) live ammunitions

Police said an ambulance was called to bring the wounded suspects to hospital for medical treatment.

All evidence had also been brought to the RSOG-NCRPO for safekeeping, while the illegal drugs will be submitted to the Crime lab for examination.

Sinas, meanwhile, commended the operating teams for what the chief called a remarkable accomplishment of Team NCRPO’s war against illegal drugs.

“This accomplishment is reflective of Team NCRPO’s dedication and unwavering support of the marching order of the President and the Chief, PNP to cleanse the Metro from proliferation of illegal drugs,” Sinas said.

“With the largest amount of shabu busted by Team NCRPO so far this year, we have also minimized its possibility of destroying the lives and future of our fellowmen,” he added. — /mbmf

NCRPO: Manila ‘drug queen’ faces 3 warrants of arrest

Aileen Cerrudo   •   September 27, 2019

Alleged Manila ‘drug queen’ Guia Gomez Castro is facing three warrants of arrest according to the National Capital Region Police Office (NCRPO).

NCRPO Director PMaj.Gen. Guillermo Eleazar said they will arrest Castro if she returns to the Philippines.

One of the warrants Castro is facing, according to the NCRPO, is for violating Section 15 of the Republic Act 6425 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The other two warrants are for violating Batas Pambansa (BP) 22 or the Bouncing Check Law.

The Philippine National Police (PNP) is currently confirming if there is an extradition treaty in the country where Castro is currently staying.

“Alamin natin kung nasaan talaga siya kung ma-find out natin at mayroon tayong extradition treaty (We will determine her whereabouts. Once we find out the location and there is an extradition treaty) we will request her to be returned her back here,” Eleazar said.

He also warned other individuals involved in Castro’s alleged illegal drug trade.—AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.