NCRPO forms quad-intel force to intensify fight against illegal drugs

Aileen Cerrudo   •   September 27, 2019   •   547

Chief NCRPO, PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR spearheaded the meeting with NCRPO “QUAD-INTEL FORCE” AGAINST ILLEGAL DRUGS followed by a press/media briefing this 27th day of September 2019 at NCRPO Conference Room, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. (Courtesy: NCRPO PIO)

The National Capital Region Police Office (NCRPO) has formed a quad-intel force to intensify the campaign against illegal drugs.

The NCR quad-intel force is composed of the NCRPO, the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), and the Armed Forces of the Philippines (AFP) – Joint Task Force (JTF).

“We are all here to show a united agency in the campaign against illegal drugs by forming the first-ever formal alliance of the PDEA-NCR, NCRPO, NBI-NCR and the JTF-NCR to run after the scalawags in our rank,” the group said.

NCRPO Director Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar said the ‘ninja cops’ controversy have prompted them to form the squad.

“This is a part of lessons that we have learned na mas maganda talaga na coordinated tayo sa simula pa lamang, (it is better to be coordinated from the start),” he said.

Eleazar is also calling out to the public to immediately report to authorities if they have information about police officers involved in illegal drugs.—AAC (with reports from Lea Ylagan)

PNP, may 2 buwang palugit sa pagpaparehistro ng expired na lisensya ng baril

Robie de Guzman   •   June 1, 2020

MANILA, Philippines – Posibleng magbigay ng dalawang buwang palugit ang Philippine National Police (PNP) para sa pagpaparehistro ng mga lisensya ng baril na nag-expire mula March 17 hanggang May 31 dahil sa community quarantine kaugnay ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, wala ring ipapataw na penalty sa mga nag-expire na firearm licenses sa mga nabanggit na buwan.

“A month or two, we will recalibrate how fast also we can process kasi baka matambakan kami, sabihin namin mag renew kayo dapat within one month e hindi naman namin kaya ang workload so we have to revisit how many licenses have actually expired and what will be our rate in processing per day,” ani Gamboa.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, sa June 4 na sisimulan ang processing ng aplikasyon at registration para sa lisensya ng baril kasabay ng muling pagbubukas ng frontline administrative functions at regulatory services ng PNP.

Maaaring iproseso ang aplikasyon para rito sa Firearms and Explosives Office (FEO), Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), One-Stop-Shop Office (OSS) and Regional Civil Security Units (RCSU) ng PNP.

Ngunit paalala ni Gamboa, by appointment ang gagawin upang malimitahan ang bilang ng aplikasyon kada araw.

“We will devise scheduling so that we can control the population in any of the different offices of the PNP… Kasi hindi naman kami exempted. We have to observe yung social distancing at mass gathering under GCQ (general community quarantine),” ani Gamboa.

Sa gate pa lang ng Camp Crame, kailangang mag-fill out ang aplikante ng contact tracing form na papipirmahan sa nakausap na tauhan ng PNP.

Iiwanan ito sa gate bago lumabas ng kampo.

Paliwanag ni Gamboa, layunin nito ang mapabilis ang contact tracing sakaling may magpositibo sa COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

NCRPO at LRT2, nagsagawa ng simulation exercise para sa posibleng pagbabalik-operasyon sa Lunes

Robie de Guzman   •   May 27, 2020

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng simulation exercise ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang management ng Light Rail Transit line 2 (LRT-2) bilang paghahanda sa posibleng pagbabalik-operasyon ng mga tren kapag isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).

Sa simulation na isinagawa noong Martes (Mayo 26) 400 police recruits ang nagkunwaring pasahero ng tren upang maipakita ang ipatutupad na social distancing measures mula sa pila hanggang sa pagsakay sa mga bagon.

Sa loob at labas ng istasyon ng tren, may makikitang mga dilaw na marka sa sahig na indikasyon para sa mga mga pasahero kung saan sila dapat tumayo kapag nakapila.

Sa loob ng tren ay may makikita ring mga marka para malaman ng mga pasahero kung saan lang sila maaaring umupo o tumayo.

Ayon kay Jimmy Chua, ang manager ng LRT-2 Security and Safety Division, 160 pasahero lamang ang maaaring isakay sa bawat biyahe ng tren alinsunod sa mga panuntunang inilabas ng pamahalaan.

Sa unang istasyon ng tren, 90 pasahero lang ang papayagang sumakay upang mabigyan pa ng pagkakataong makasakay ang iba pang pasaherong naghihintay sa kasunod na mga istasyon.

Batid ng LRT-2 management na malaki ang malulugi sa kanila pagdating sa koleksyon ng pasahe pero pagtitiyak ni Chua, hindi sila magtataas ng singil.

“Financially, malaki ang magiging loss namin, it’s a government-owned (facility) naman, government-operated, so naka-depende kami sa government para sa subsidy para sa tuluy-tuloy na pagserbisyuhan ang pasahero,” ani Chua.

Upang matiyak namang maipatutupad ng maayos ang physical distancing, nasa 12 hanggang 15 security guards ang idadagdag ng LRT-2 para magbantay sa loob at labas ng tren.

Sinabi rin ni NCRPO director Police Major General Debold Sinas na maglalagay sila ng shift ng apat hanggang 32 pulis bawat istasyon ng tren, depende sa dami ng mga pasahero.

“Habang hindi pa nasanay ang mga kababayan natin kung papaano sumakay, we have estimated already lahat lahat na ay around 500 for the different station lang depende sa request kasama ng istasyon ng PNR ay naghingi din ng minimum ng 2 to 4,” ani Sinas.

Maliban sa physical distancing, magpapatupad rin ang LRT-2 ng ‘no mask, no entry’ policy.

Hindi rin papapasukin ang mga pasaherong may temperaturang mas mataas pa sa 37.8 at nagpapakita ng sintomas ng coronavirus disease gaya ng ubo, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan.

Ang mga hakbang na ito ay kasunod na rin ng mga ulat na posibleng isailalim na sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine sa Hunyo 1.

Sa ilalim ng GCQ, maaari nang payagan ang limitadong pagbabalik-operasyon ng ilang pampublikong transportasyon kabilang na ang tren pero kailangang nakasunod ang mga ito sa nakatalagang health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nakatakdang magpulong ngayong Miyerkules ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para isapinal ang kanilang mga rekomendasyon na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Operasyon ng PNP COVID-19 testing facility, simula na ngayong linggo

Robie de Guzman   •   May 25, 2020

MANILA, Philippines – Magsisimula na ngayong linggo ang operasyon ng sariling testing facility para sa novel coronavirus disease (COVID-19) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, binigyan na ito ng license to operate ng Department of Health (DOH) noon pang May 22.

Una nang sinabi ng PNP na ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) facility nito ay sinertipikahan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DOH bilang isang independent testing center.

Pansamantala itong ipu-puwesto sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame habang hindi pa tapos ang 84-square meter na pasilidad sa likod ng PNP Health Service.

Ayon kay Banac, prayoridad sa testing ang pulis na dumu-duty sa quarantine checkpoints at nagpapatupad ng seguridad sa Metro Manila.

Sa huling tala ng PNP Health Service, umabot na sa 263 ang bilang ng mga pulis na nag-positibo sa coronavirus disease.

Nasa 777 probable at 575 suspect cases naman ang binabantayan sa ngayon. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.