NCR posibleng manatili sa alert level 4 — DOH

Robie de Guzman   •   September 27, 2021   •   75

MANILA, Philippines — Posibleng mapalawig pa ang ipinatutupad na Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng marami pa ring kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nananatiling nasa moderate risk ang utilization rate ng hospital beds at high-risk naman sa intensive care unit (ICU) beds bagama’t bumaba na ang growth rate at reproduction rate ng COVID-19 sa NCR.

“Kung ito pong mga numero na ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa alert level 4,” ani Dr. Alethea de Guzman, ang direktor ng DOH Epidemiology Bureau.

Gayunman, nirerepaso na aniya ng DOH ang metrics na ito at iba pang indicators tulad ng vaccination coverage na pagbabatayan ng desisyon sa susunod paiiraling alert level sa NCR.

“We need to look at not one or two metrics but several for us to have a better picture and understanding of the COVID-19 situation – cases and fatality data, healthcare capacity, PDITR (prevent-detect-isolate-treat-reintegrate) indicators, and vaccination coverage,” ani De Guzman.

Una nang nagpahayag ng pag-asa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na maililipat ang NCR sa ilalim ng Alert Level 3 pagsapit ng Oktubre dahil sa bumababang reproduction rate ng COVID-19.

Inilagay sa Alert Level 4 ang NCR nang ipatupad ng pamahalaan ang pilot run ng bagong quarantine system noong Setyembre 16. Tatagal ang pilot implementation hanggang sa Setyembre 30.

COVID-19 vaccination sa mga bata, palalawigin sa 13 ospital sa Metro Manila – DILG

Robie de Guzman   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines – Mula sa walong ospital ay palalawigin pa sa 13 ospital sa Metro Manila ang isinasagawang pediatric vaccination kontra COVID-19, partikular sa mga batang may edad 12 hanggang 17 at may co-morbidity.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, tinukoy na ng ilang local government unit (LGU) ang mga ospital na isasama na rin sa listahan ng mga pinagdarausan ng pagbabakuna.

Magsisimula aniya ang expansion sa ika-22 ng Oktubre.

“Ngayon naman po ay pupunta naman po tayo sa mga LGU-based hospitals ‘no and magdaragdag po ng thirteen additional local hospitals doon sa mga ospital na nagsimula na sa national ‘no,” ani Malaya.

“So, ito po ay magsisimula ngayong Friday hanggang October 31. So, ang bawat LGU po ay nag-identify ng isang local hospital para maisama sa pilot ng pediatric vaccination,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga ospital na idaragdag sa vaccination site ay ang Caloocan Medical Center, Ospital ng Parañaque, at ang Pasay General Hospital.

Ang walong ospital na kasalukuyang pinagdarausan ng pagbabakuna ay ang Philippine Children’s Medical Center,
National Children’s Hospital, Philippine Heart Center,
Pasig City General Hospital,
 Fe Del Mundo Medical Center,
 Philippine General Hospital,
 Makati Medical Center at ang St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Paalala ng mga otoridad sa mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak na may co-morbidity na makipag-ugnayan sa nakakasakop na LGU at magpakita ng mga kaukulang dokumento, pati na ang parent consent.

Mula a-16 ng Oktubre ay nasa 1,509 bata na ang nakatanggap ng COVID-19 shots batay sa ulat ng Department of Health.

DOH: 1,509 minors with health risks vaccinated vs COVID-19 in first week

Robie de Guzman   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines ­– A total of 1,509 children aged 12 to 17 with co-morbidities were vaccinated in the first week of the pilot implementation of the COVID-19 pediatric vaccination in Metro Manila, the Department of Health (DOH) said Monday.

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said, the pilot vaccination was successful based on a three-day assessment they conducted.

Vergeire noted that four minors who received the shots reportedly experienced side effects but added that these are still being verified and assessed.

“Isang bata na nagkaroon ng pagtaas ng presyon but after 2 hours they were able to manage it, naging normal na. May nagkaroon ng allergic reaction but it was managed,” she said.

“May dalawang stress-related doon sa immunization, may anxiety sa pagbabakuna. Let me caution all of you, it’s not official yet,” she added.

Vergeire assured they are closely monitoring the condition of minors inoculated with COVID-19 vaccine.

The COVID-19 vaccination for the pediatric population was launched on Oct. 15 in eight hospitals in Metro Manila, namely:

  • Philippine Children’s Medical Center
  • National Children’s Hospital
  • Philippine Heart Center
  • Pasig City General Hospital
  • Fe Del Mundo Medical Center
  • Philippine General Hospital
  • Makati Medical Center
  • Luke’s Medical Center (Taguig)

The following medical conditions would make children aged 12 to 17 years old eligible for vaccination against COVID-19:

  • Medical complexity
  • Genetic conditions
  • Neurologic conditions
  • Cardiovascular disease
  • Metabolic/endocrine
  • Obesity
  • HIV infection
  • Tuberculosis
  • Chronic respiratory disease
  • Renal disorder
  • Hepatobillary

Vergeire earlier said that children participating in the pilot COVID-19 vaccination program should be well-informed and must get clearance from their doctors.

 

PNP assessing need to deploy more cops in NCR public areas – Eleazar

Robie de Guzman   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar on Monday said he has directed all unit commanders in the National Capital Region (NCR) to continue to assess the need for the deployment of additional police officers in public areas.

Eleazar issued the directive following the downgrading of COVID-19 alert in the NCR to level 3.

The PNP chief noted that in the first weekend of the Alert Level 3 implementation, a number of people flocked to public areas including churches across the metro, the Dolomite Beach at the Baywalk, the Marikina River Park, the Quirino Grandstand, and the Mall of Asia grounds.

A number of people also went outside for their outdoor exercises, he added.

“I have tasked all concerned police offices to determine if there is a need to deploy more cops to enforce the minimum health standards. Kailangang matiyak pa rin natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan dahil baka ito na naman ang pagmulan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR,” Eleazar said in a statement.

“Kung gusto nating tuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng natamaan ng COVID-19, kailangang mapairal pa rin ang disiplina at pagsunod sa mga panuntunan sa ilalim ng Alert Level 3. Hindi dahil may pagluluwag na nagaganap, magsisilabasan na tayo sa ating mga tahanan at babalewalain na ang health and safety protocols,” he added.

Meanwhile, Eleazar said they would wait for the decision of the government’s task force for COVID-19 response regarding the mobility of minors amid the easing of some protocols and opening of more business establishments.

“Kami sa PNP ay tagapagpatupad lamang ng mga batas at regulasyon. Hihintayin namin kung ano ang magiging resolusyon nila sa bagay na ito at amin itong ipapatupad nang maayos,” he said.

The capital region will be under Alert Level 3 until Oct. 31.

Under Alert Level 3, the public’s movement, including intrazonal and interzonal travel, will be allowed except for reasonable restrictions based on age and co-morbidities as determined by the local government units.

Individual outdoor exercises will also be allowed for all ages regardless of vaccination status or co-morbidities.

More establishments will also be allowed to re-open at a maximum of 30 percent capacity.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.