NBI completes forensic examination on Christine Dacera’s body – DOJ

Robie de Guzman   •   January 18, 2021   •   1888

MANILA, Philippines – The National Bureau of Investigation (NBI) has completed its forensic examination on the remains of flight attendant Christine Dacera, the Department of Justice (DOJ) said on Monday.

Justice Secretary Menardo Guevarra said he will leave it to the NBI to release the results of its examination.

Guevarra added that the agency is currently coordinating with the Makati Medical Center for the tests it conducted on Dacera when she was taken there after she was found unconscious in the bathtub of a Makati hotel on January 1 after a night of partying with some friends.

The NBI earlier revealed it had extracted at least 100 milliliters of bodily fluid from Dacera’s body during its re-autopsy. It said it will help check for the presence of illegal drugs or alcohol.

Guevarra said the NBI Digital Forensic Team will next probe the data from the mobile phone of persons tagged in the death of Dacera.

Eleven individuals, who were with Dacera before she died, are facing a complaint for rape with homicide over the incident. – RRD (with details from Correspondent Dante Amento)

DOJ, handang ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa 300 drug war cases

Maris Federez   •   October 21, 2021

 

MANILA, Philppines — Handa ang Department of Justice na ilabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa 300 case files ng anti-illegal drug war ng pamahalaan.

Ayon kay DOJ Usec. Adrian Sugay, hinihintay na lamang nila ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagsasapubliko ng kanilang report na kasalukuyan nang nasa tanggapan ng pangulo.

“Sa ngayon pinauubaya na namin sa kanya kamukha rin ng nangyari rito. Ang information table naman na ito ay merong direktiba ang Office of the President na i-release na ito,” ani Sugay.

“So kumbaga kung magkaroon rin kami ng direktiba doon sa unang report ire-release din namin,” dagdag niya.

Ayon pa sa opisyal, sunod na pagtutuunan nilang rebisahin ang mga war on drug case files sa urban areas sa bansa dahil may anim na libo pang natitira na kailangang tingnan.

Binigyang diin din ni Sugay na maaaring gamitin ng International Criminal Court (ICC) ang drug war matrix na inilabas ng DOJ bilang bahagi ng kanilang ebidensya.

“Ngayon, gusto nilang makuha ‘tong table na to, tong matrix na ‘to, kung gusto nila gamitin, nasa kanila iyon. Nasa ICC na yun,” aniya.

“Sabi ko nga already part of open source information kasi isinapubliko na ito. So it’s available to anybody who may be minded to look into this and to use this kung ano mang purposes ang gusto nila,” dagdag nito.

Samantala, iginiit ng Malakanyang na ang ginawang pagsasapubliko ng DOJ ng impormasyon kaugnay ng pagrepaso nito sa mga kaso ng war on drugs ay katunayang ginagampanan ng estado ang obligasyon nitong imbestigahan ang mga police operations na kinakitaan ng paglabag sa batas.

Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay ito na hindi kinukunsinte ang mga tauhan ng pulisya na hindi gumaganap ng tama sa kanilang mga tungkulin.

Subalit ayon sa palasyo, hindi maisasapubliko ang resulta ng ginawang imbestigasyon ng DOJ sa tatlong daang kaso ng drug war killings dahil sa live criminal investigations na ito.

“On the contrary po no, ang decision ng DOJ proves na we are not soft kasi nga po kakasuhan yang 52. Yan po ang ibig sabihin nung sinabi ni Sec. (Menardo) Guevarra na nirefer nila for NBI for case building. Siyempre po kung kakasuhan, dapat matibay ang ebidensya,” ani Roque. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Dante Amento)

PNP welcomes DOJ move to release parts of review on anti-drug campaign

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

 

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) welcomed the decision of the Department of Justice (DOJ) to make public the summaries of the 52 cases it reviewed in connection with deaths related to the government’s campaign against illegal drugs.

In a statement, PNP chief Police General Guillermo Eleazar said the DOJ’s move is “consistent with the PNP stand for transparency and accountability in the police organization.”

“We welcome the decision of Department of Justice to release these documents to the public,” he said.

“Simula pa lang ay lubos na ang ating kooperasyon sa DOJ sa pamumuno ni Secretary Menardo Guevarra sa pamamagitan ng ating SILG Eduardo Año, at ipinaubaya na natin sa kanila ang desisyon tungkol sa mga kasong ito in the interest of truth, transparency and justice,” he added.

According to the DOJ, the summaries that will be released will include docket numbers, names of deceased suspects, places and dates of the incidents, and the review panel’s summary of observations on the cases.

The National Bureau of Investigation is set to conduct case buildup for the possible filing of criminal charges against erring police officers.

Eleazar urged the victims’ families to cooperate in holding policemen who committed abuses accountable for their action.

“Ito rin ang pagkakataon para sa mga pamilya ng nasawi sa police anti-illegal drugs operations para sila’y makapagsumite ng complaint-affidavit o kaya’y magharap ng testigo upang maisampa ang kaukulang kasong kriminal sa korte,” he said.

“Tinitiyak ko ang buong pakikipagtulungan ng PNP sa NBI. Walang mangyayaring takipan at ating pananagutin ang may dapat panagutan,” he added.

He also reminded PNP personnel to strictly follow the Police Operational Procedures to avoid problems in performing their mandate.

“Let this serve as a lesson to all our personnel that as police officers, we are law enforcers who are duty-bound to uphold the law. Tagapagpatupad tayo ng batas, hindi tayo ang batas,” Eleazar said.

“Always remember that the true courage of a police officer is measured by how he keeps his integrity and moral values intact amid the temptation and the pressure to commit abuses and disregard the rule of law,” he added.

Eleazar also stressed the sacrifices of policemen on the ground and the accomplishments of the campaign against illegal drugs.

These include the confiscation of multi-billion peso worth of illegal drugs, the neutralization of key players in the illegal drugs trade in the country and the dismantling of shabu laboratories in the country.

 

Parusa sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs, masiyadong mababa — DOJ report

Maris Federez   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng kanilang ginawang review sa 52 kaso mula sa Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa war on drugs ng pamahalaan.

Batay sa impormasyon na inilabas ng DOJ sa limampu’t limang case files mula sa PNP- Internal Affairs Service (IAS), mayroong mga paglabag o lapses na nangyari sa operasyon kontra iligal na droga, ngunit mababa lamang ang ipinataw na parusa sa karamihan sa mga sangkot na pulis.

Tatlumpu’t lima sa mga kaso ang pinatawan ng suspension ang mga sangkot na pulis, habang 12 kaso ang nagkaroon ng parusang demotion o pagbaba ng ranggo, at anim na kaso ang may parusang dismissal from service o pagkakatanggal sa serbisyo.

Samantala, sa kaso ng pagkamatay ni Ryan Robosa alyas Spike noong December 2016 sa Fort Bonifacio, Taguig City, pinagsabihan lamang o reprimand ang ibinigay na aksyon sa mga respondent.

Ito ay sa kabila ng kinakitaan ng matinding iregularidad sa pagganap ng kanilang trabaho ang mga sangkot na pulis.

Ayon sa DOJ, hindi nabanggit sa death certificate ang sanhi ng pagkamatay, walang pre-operation report, walang koordinasyon at walang ballistic o paraffin at autopsy records ang pagkamatay ni Robosa.

Ilang kasong administratibo din laban sa mga respondent ang pinawalang bisa ng PNP-IAS.

Nasa 20 kaso ang natuklasan ng DOJ na nagkaroon ng multiple gunshot wounds ang mga suspect, at mahigit 20 kaso rin ang walang detalye.

Ayon pa sa DOJ, may ilan ding suspek ang binaril nang malapitan at may mga sinasabing nanlaban subalit negatibo sa gunpowder nitrates sa resulta ng paraffin test.

Samantala, ayon kay National Union of Peoples Lawyers (NUPL) chairman Atty. Neri Colmnenares, ang inilabas na ulat ng DOJ hinggil sa war on drugs ay ‘tip of the iceberg’ o maliit na bahagi lamang.

Marami pa aniyang  insidente na kailangan ng mas malalim na imbestigasyon para makapagsampa ng kaso sa korte.

Subalit, binigyang diin din ng dating mambabatas na ang impormasyon na inilabas ng DOJ ay kumpimasyon lamang ng pag-abuso ng PNP sa pagsasagawa ng operasyon kaugnay ng laban sa iligal na droga at nagpapakita na hindi tagumpay ang drug war gaya ng pinapalitaw ng Duterte administration.

Sinabi naman ng grupong Karapatan hindi lang dapat hanggang pagsasampa ng kaso ang gawing hakbang laban sa nagkasalang police officers.

Kailangan anila ng malinaw na sagot ng pamilya ng mga biktima hinggil sa pattern ng nangayaring pagpatay, sino ang mga perpetrator.

Samantala, welcome naman sa Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng DOJ na ilabas ang impormasyon hinggil sa mga kaso ng war on drus na kanilang ni-review.

Umaasa ang CHR na makatutulong ito para sa mga pamilya ng biktima na malaman kung ano na ang status ng imbesgtigasyon at makahikayat ng mga saksi na lumitaw para sa ikalulutas ng mga kaso. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.