Navotas City, magpapatupad ng Q-band tracker system para sa mga naka-home quarantine

Robie de Guzman   •   March 25, 2021   •   299

MANILA, Philippines – Inaasahang ipatutupad sa Navotas City sa susunod na linggo ang paggamit ng quarantine band (Q-band) system bilang tugon sa napupuno nang quarantine facilities sa lungsod bunsod ng dumaraming COVID-19 infections.

Ang Q-band system ay para sa mga residenteng nag-positibo sa COVID-19 ngunit walang ipinakikitang sintomas at maaari namang mag-quarantine sa kanilang bahay.

Ang Q-band na may QR code ay ipasusuot sa COVID-19 patients na naka-home quarantine upang matiyak na hindi sila lumalabas.

Ayon kay Von Villanueva, ang pinuno ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Navotas, nakalagay sa Q-band ang pangalan at lokasyon ng pasyente.

“Naka-design po yung program na ang isang pasyente na may suot nito ay mayroon specific location at mayroon lamang siyang pwedeng galawan which is yung kanyang loob ng bahay,” ani Villanueva.

Hindi dapat lumagpas sa 25-meter radius ang gagalawan ng pasyente sa kanyang bahay o quarantine area.

“Twice or three times a day, kailangang ipa-scan para masiguro namin na kayo’y hindi umaalis ng bahay. Hindi po ito specific ang oras para masiguro namin na hindi kayo (umaalis) ng bahay,” ang wika ni Villanueva.

“Once na mag-scan kayo papasok yun dito sa aming system na ini-scan nyo ang inyong Q-Band,” dagdag pa niya.

Bawal tanggalin o sirain ang Q-band at tanging mga tauhan lamang ng City Health Office ang maaaring mag-alis nito sa pasyente.

Ang mga hindi susunod sa sistema ay maaaring pagmultahin ng hanggang P5,000.

Sa ngayon ay nasa testing stage pa ang Q-band system ngunit inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang ordinansa para sa pagpapatupad nito sa susunod na linggo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Janice Ingente)

DTI: Halos 200-libong manggagawa, balik-trabaho sa ilalim ng GCQ

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — Maaari nang makabalik sa trabaho ang nasa 200-libong empleyado matapos na ibalik sa general community quarantine “with heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, magiging daan ang paglipat sa GCQ ng NCR, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna – tinatawag na NCR Plus – upang mapababa ang bilang ng mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

“As we further open the economy, we are expecting to bring back 200,000 to 300,000 jobs to lessen the number workers displaced since the start of the ECQ,” ani Lopez.

Noong nasa ilalim ng ECQ ang NCR Plus, umabot sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Pilipino nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Nabawasan ito at naging isang milyon noong ipinatupad ang modified ECQ.

Ayon kay Lopez, sa ngayon ay aabot pa sa 700-libong manggagawa ang hindi pa rin nakakabalik sa trabaho dahil sa limitadong operasyon ng ilang establisimyento gaya ng mga restaurant, at barbershop. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

DOH says no to proposed vaccine pass for access to indoor establishments

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) on Friday said it is not recommending the proposal to use a “vaccine pass” that would allow persons already inoculated against COVID-19 to have access to business establishments.

“Hindi po kami sang-ayon sa ganyang pagpapalakad o kaya ay magkaron tayo ng mga ganyang proseso,” Health Undersecretary Maria Rosario Vergere said in a virtual press briefing.

Vergeire said the DOH is not in favor of the proposal as there is no sufficient evidence yet to say that a person who has already received two doses of the COVID-19 vaccine can no longer be infected or spread the virus.

She added that initial studies have shown that the currently available vaccines against coronavirus cannot adequately block the virus.

“Wala pa ho tayong sufficient evidence to say na ang isang taong with complete doses of vaccines already would have that kind of immunity, na hindi na siya magkakaroon ng sakit o makakapanghawa dahil nga po dito sa mga paunang mga ebidensiya na ibinigay sa atin, hindi po nakakapag-block ng transmission adequately ang mga bakuna na mayroon tayo ngayon,” she said.

“As we have said, ang pinaka-assurance o benepisyong nakukuha natin ngayon sa vaccines is reducing severe infections and hospitalization. As to preventing mild to moderate infections, hindi pa rin po tayo nagbibigay ng ganyang assurance sa ating mga kababayan,” she added.

Vergeire also reminded the public, especially those who have completed the two doses of the COVID-19 vaccine, to still observe health protocols against COVID-19.

“Even if you are fully vaccinated, meaning you have completed two doses, kailangan pa rin natin magpatupad ng minimum health protocols,” she said.

“Itong sinasabing vaccine pass ay hindi pa rin mairerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan,” she added.

IATF allows TESDA to hold in-person assessments for household service workers in MECQ areas

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — The government’s task force for COVID-19 response has allowed the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) to conduct face-to-face assessments for household service workers in areas under modified enhanced community quarantine (MECQ), Malacañang said Friday.

However, the conduct of the activity is subject to conditions, according to Presidential Spokesperson Harry Roque.

Roque said in-person assessments shall be held only in TESDA Training Institutions and will remain prohibited in private assessment centers.

The activity will also be limited to household service workers who are ready for deployment and have already secured contracts and visas.

“Applicants must further abide by TESDA guidelines relative to the conduct of in-person assessments,” Roque said.

The Palace official likewise announced that the IATF has also allowed the resumption of Career Executive Service Written Examinations and Assessment Centers by the Career Executive Service Board, subject to health and safety protocols and the strict observance of the minimum public health standards.

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) approved this policy in a meeting on Thursday, May 13.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.