Navotas City LGU nagdagdag ng pulis sa mga lansangan; aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 557 na

Marje Pelayo   •   March 11, 2021   •   319

MANILA, Philippines — Nagpakalat ng mga pulis sa buong syudad ng Navotas upang mahigpit na maipatupad ang minimum health protocols lalo na sa mga pampublikong lugar.

Ito ay dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng pagkahawa sa sakit na coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, umabot na sa mahigit 500 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan, dahilan upang umabot na sa lundo ang kapasidad ng mga ospital.

“Full capacity na ang Navotas City hospital sa kanilang COVID ward at ang ating isolation facilities full capacity na rin,” pahayag ng alkalde.

“kaya doon tayo nagdadala sa mga national isolation facilities,” dagdag nito.

Noong February 7 ay nasa 33 lamang ang kanilang aktibong kaso pero ngayon ay umakyat na ito sa 557.

Sinabi pa nito na nagsimulang tumaas ang bilang ng mga kaso ng sakit mula February 20 kung saan pami-pamilya na ang nagkakahawahan.

“Isang tao ang nahawaan ay yung buong pamilya nya. Times 7, times 8 iyon kaagad ang bilang so kaya ang bilis tumaas ng kaso. Ganun din pag lumabas ang mga taong ito sa labas ng bahay at hindi nag ingat makakahawa naman sila,” pahayag ni Tiangco.

Nagdagdag na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 100 pulis sa lungsod para makatulong sa pagpapatupad ng health protocols.

Sa harap ng Agora Market ay may ilang nasita na mga magulang na may dalang mga bata.

“Kapag sa mga adult meron tayong curfew na hanggang alas 10 at sa minor 24 hrs ang curfew,” paliwanag ni Navotas Operation Officer Police Captain Anthony Mondejar.

Ipinatutupad ng mga pulis ang health protocol gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa palengke maging sa pampublikong sasakyan gaya ng jeep.

“Usually pinagsasabihan namin, at the same time meron tayong ticket na iniissue base doon sa city ordinance ng local government,” dagdag ng opisyal.

Umaasa naman si Mayor Tiangco na mapabababa nilang muli ang bilang ng COVID-19 cases sa pakikipagtulungan ng mga residente. –MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

DTI: Halos 200-libong manggagawa, balik-trabaho sa ilalim ng GCQ

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — Maaari nang makabalik sa trabaho ang nasa 200-libong empleyado matapos na ibalik sa general community quarantine “with heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, magiging daan ang paglipat sa GCQ ng NCR, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna – tinatawag na NCR Plus – upang mapababa ang bilang ng mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

“As we further open the economy, we are expecting to bring back 200,000 to 300,000 jobs to lessen the number workers displaced since the start of the ECQ,” ani Lopez.

Noong nasa ilalim ng ECQ ang NCR Plus, umabot sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Pilipino nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Nabawasan ito at naging isang milyon noong ipinatupad ang modified ECQ.

Ayon kay Lopez, sa ngayon ay aabot pa sa 700-libong manggagawa ang hindi pa rin nakakabalik sa trabaho dahil sa limitadong operasyon ng ilang establisimyento gaya ng mga restaurant, at barbershop. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

DOH says no to proposed vaccine pass for access to indoor establishments

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) on Friday said it is not recommending the proposal to use a “vaccine pass” that would allow persons already inoculated against COVID-19 to have access to business establishments.

“Hindi po kami sang-ayon sa ganyang pagpapalakad o kaya ay magkaron tayo ng mga ganyang proseso,” Health Undersecretary Maria Rosario Vergere said in a virtual press briefing.

Vergeire said the DOH is not in favor of the proposal as there is no sufficient evidence yet to say that a person who has already received two doses of the COVID-19 vaccine can no longer be infected or spread the virus.

She added that initial studies have shown that the currently available vaccines against coronavirus cannot adequately block the virus.

“Wala pa ho tayong sufficient evidence to say na ang isang taong with complete doses of vaccines already would have that kind of immunity, na hindi na siya magkakaroon ng sakit o makakapanghawa dahil nga po dito sa mga paunang mga ebidensiya na ibinigay sa atin, hindi po nakakapag-block ng transmission adequately ang mga bakuna na mayroon tayo ngayon,” she said.

“As we have said, ang pinaka-assurance o benepisyong nakukuha natin ngayon sa vaccines is reducing severe infections and hospitalization. As to preventing mild to moderate infections, hindi pa rin po tayo nagbibigay ng ganyang assurance sa ating mga kababayan,” she added.

Vergeire also reminded the public, especially those who have completed the two doses of the COVID-19 vaccine, to still observe health protocols against COVID-19.

“Even if you are fully vaccinated, meaning you have completed two doses, kailangan pa rin natin magpatupad ng minimum health protocols,” she said.

“Itong sinasabing vaccine pass ay hindi pa rin mairerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan,” she added.

IATF allows TESDA to hold in-person assessments for household service workers in MECQ areas

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — The government’s task force for COVID-19 response has allowed the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) to conduct face-to-face assessments for household service workers in areas under modified enhanced community quarantine (MECQ), Malacañang said Friday.

However, the conduct of the activity is subject to conditions, according to Presidential Spokesperson Harry Roque.

Roque said in-person assessments shall be held only in TESDA Training Institutions and will remain prohibited in private assessment centers.

The activity will also be limited to household service workers who are ready for deployment and have already secured contracts and visas.

“Applicants must further abide by TESDA guidelines relative to the conduct of in-person assessments,” Roque said.

The Palace official likewise announced that the IATF has also allowed the resumption of Career Executive Service Written Examinations and Assessment Centers by the Career Executive Service Board, subject to health and safety protocols and the strict observance of the minimum public health standards.

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) approved this policy in a meeting on Thursday, May 13.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.