MWSS cancels extension of Manila Water, Maynilad water concession deal

Aileen Cerrudo   •   December 11, 2019   •   560

The Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) has revoked the extension of the government’s water concession agreement with the Manila Water and Maynilad.

MWSS Deputy Administrator for Engineering, Leonor Cleofas confirmed that they revoked the board resolution extending the water concession agreement of Maynilad and Manila Water until 2037.

The MWSS said this was prompted by the directive of President Rodrigo Duterte due to the “onerous” provisions in the said water concession agreement.

“It was on the agenda that the board tackles the resolution on the approval of the extension of the concession agreement. That was brought about by the directive of the President tackled in the Cabinet meeting… they are now revoking the board resolution adopted in 2008,” Cleofas said.

Cleofas made the confirmation on Wednesday’s (Dec. 11) joint hearing of the House Committee on Good Governance and Public Accountability and on Public Accounts.

With this move by the MWSS, the concession agreement with Maynilad and Manila Water to service Metro Manila and parts of Luzon will expire in 2022.—AAC (with reports from Vincent Arboleda)

Publiko hinikayat na magpalinis ng septic tank upang makaiwas sa sakit

Marje Pelayo   •   July 17, 2020

MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Maynilad Water Services ang mga customer nito na magpalinis ng kani-kanilang septic tank sa bahay upang makaiwas sa sakit na dulot ng naipong dumi dito. 

Ayon sa kumpanya, nakapakahalaga na mapanatiling malinis ang kapaligiran lalo na sa gitna ng pandemya sa coronavirus disease (COVID-19).

Binigyang diin ng Maynilad ang kahalagahan ng paglilinis ng septic tank isang beses kada limang taon.

“Ito po ay para mapanatili nating malinis ang ating kapaligiran at ang katubigan at maiwasan ang mga sakit tulad ng cholera, diarrhea, leptospirosis saka hepatitis,” pahayag ni John Aldrin Pangan, ang pangulo ng Septage Management Department ng Maynilad.

“Isa po ay para maiwasan rin natin na mag-overflow mga septic tank natin kasi nga puno na po ng sludge,” dagdag nito.

Mula nang pumasok ang buwan ng Hulyo, ibinalik na ng Maynilad ang desludging service nito kasabay ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila at sa iba pang lugar.

Subalit maraming customers ang takot na magpaserbisyo sa pangambang magpapasok ng ibang tao sa kanilang bahay na maaring magdala ng virus.

Ngunit tiniyak naman ng Maynilad na nagpapatupad sila ng mahigipit na health and safety protocols sa kanilang mga empleyado na maglilinis ng septic tank. 

Kumpleto ang mga ito ng safety gear gaya ng facemask, face shield at gloves.

Regular din ang disinfection ng kanilang mga sapatos bago pumasok at lumabas ng bahay ng customer. 

Gayundin ay regular na nililinis ang hose at tanke na kanilang ginagamit upang makatiyak na walang nakakapit na virus. 

“Noon nag-resume po kami ng July, expected na po namin na mababa kaya po as much as possible gusto po namin maibalik,” ani Pangan. 

“Kaya po namin ginawa ang new normal protocols. Tinitiyak po namin na safe po magpalinis ng inyong septic tank,” dagdag nito.

Ayon sa Maynilad, walang babayaran ang mga customer na mapapalinis ng septic tank basta’t pasok ito sa schedule na isang beses sa loob ng limang taon.

Samantala, ang Manila Water naman ay hindi pa rin naibabalik ang kanilang disludging services sa mga customer mula nang ipairal ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ito’y dahil hinhintay pa ng Manila Water ang clerance mula sa ilang lokal na pamahalaan.

Ang mga makokolektang waste material gaya ng solid waste ay dadalhin sa mga planta upang gawing fertilizer habang dadaan naman sa treatment ang tubig upang malinis at muling mapakinabangan. MNP (sa ulat ni Joan Nano)

Maynilad water interruptions July 21 to 22

Marje Pelayo   •   July 17, 2020

MANILA, Philippines — Parts of Quezon City, Caloocan, Valenzuela and Bulacan will experience temporary water interruption next week from Tuesday (July 21) to Wednesday (July 22).

In its advisory, the water concessionaire will be conducting maintenance works at its pumping station in Quezon City as part of its continuous effort to improve water services in the West Zone.

For the said reason, Maynilad advises affected customers to store enough water for the duration of the service interruption. 

In case of shortage, Maynilad has water tankers on standby, ready to deliver water to affected areas as needed.

Customer may visit Maynilad’s Facebook page for the list of barangays and the schedule of service interruptions.

The low pressure to no water supply you may be experiencing is due to high water demand in PAGCOR Pumping Station….

Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Thursday, 16 July 2020

Alamin ang deadline sa pagbabayad ng ‘ECQ Bills’

Marje Pelayo   •   June 9, 2020

MANILA, Philippines – Unti-unti nang bumabalik ang operasyon ng mga negosyo at balik trabaho na rin ang karamihang manggagawa matapos ang ilang buwang pagkatigil ng paggawa dahil sa pandemya ng coronavirus disease (COVID-19).

Subalit ang kinakaharap naman ngayon ng publiko ay ang kabi-kabilang bayarin sa tubig, kuryente, lisensya at iba nang hindi maputulan o mapatawan ng penalty. 

Hindi kailangang mag-alala dahil nagbigay ng palugit ang mga utility company at ahensya ng gobyerno para sa pagbabayad ng tinatawag na ‘ECQ bills’ o ang mga bayarin sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa mga lifeline customer o mga kumukonsumo ng 10 cubic pababa, nagabiso ang Maynilad at Manila Water na maaring mabayaran ang bills hanggang August 31. 

Ang non-lifeline customers naman o ang mga kmukonsumo ng mas mataas sa 10 cubic meters ay maari pang magbayad hanggang July 31.

Ang mga customer naman ng Meralco ay makatatanggap ng dalawang bill ngayong buwan: isang installment payment plan bill na naglalaman ng kunsumo sa panahon ng ECQ at ang regular na buwanang bill. 

Kung ang konsumo ay 200 kilowatt hour pababa, maaring bayaran o hulugan ng hanggang anim na buwan ang ECQ bill simula June 15. 

Kung ang konsumo naman ay 201 kilowatt hour pataas ay maaring mabayaran ang ECQ bill hanggang apat na buwan. 

Samantala, sa mga nag-file ng 2019 income tax return (ITR) ay maaring makapagbayad hanggang June 15 lamang. 

Paliwanag ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangan ng pamahalaan ng pondo upang tustusan ang mga programa nito kontra COVID-19 kaya hindi na ito magbibigay ng palugit.

Ang mga naipong renta naman, maging commercial o residential, ay maaring hulugan sa loob ng anim na buwan base sa inilabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa mga may lisensya at rehistro ng sasakyan na na-expire sa panahon ng ECQ, maaring mag-renew hanggang August 3 ng walang babayarang penalty, ayon sa paalala ng Land Transportation Office (LTO).

Image may contain: text that says 'ANNOUNCEMENT LTO has EXTENDED THE VALIDITY OF DRIVER'S LICENSES that expired during the enhanced community quarantine (ECQ) to TWO MONTHS or 60 DAYS upon the lifting of the restrictions @DOTrPH @DOTrPH www.dotr.gov.ph'

Pinapayuhan lamang ang publiko na gawing online ang transaksyon nang hindi na magtungo pang personal sa mga opisina at makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19. MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.