Motorcycle barrier, hindi na kailangan sa riders na magkasama sa bahay – JTF CV Shield

Robie de Guzman   •   August 19, 2020   •   558

MANILA, Philippines – Hindi na oobligahin ang motorcycle riders na naninirahan sa iisang bahay na gumamit ng protective barrier sa motorsiklo sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Sa panayam ng UNTV program na Get It Straight with Daniel Razon ngayong Miyerkules, kinumpirma ni Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na epektibo ito kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila at ilan pang lalawigan sa GCQ ngayong araw.

Ayon kay Eleazar, ang hakbang ay inaprubahan ng National Task Force on COVID-19 matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa panawagan ng mga grupo ng motorcycle riders para sa kapakanan ng lahat.

Aniya, oobligahin lamang ang paggamit ng protective barrier kung ang magka-angkas sa motorsiklo ay hindi magkasama sa bahay.

Sinabi rin ni Eleazar na dapat ay privately owned ang motorsiklo at hindi for rent o kaya ay nagpapabayad ang driver nito.

Dapat ang angkas ay authorized persons outside of residence (APOR).

Ang driver naman ay maaaring hindi APOR basta’t maghahatid o susundo ito ng APOR na pumasok sa trabaho.

Ayon kay Eleazar, dapat magpakita ang rider ng ID na mayroong home address.

Dapat ring nakasuot ng face mask at full face helmet ang magka-angkas habang bumibiyahe.

Ang mga lalabag sa mga nasabing patakaran ay maaaring patawan ng multa.

“Doon po sa walang barrier o walang helmet, yan po ay reckless driving. Iyan po ang katapat na sanction na inilibas ng DOTr through LTO ay may multa yan na P1,500 to P2,000 sa first offense; P3,000 sa second offense at P5,000 to P10,000 sa subsequent offenses,” ani Eleazar.

Kung ang sakay naman ng motorsiklo ay hindi APOR ay overloading of passenger ang magiging violation ng rider na may multang P1,000.

Samantala, ipinanukala naman ng Motorcycle Federation of the Philippines na dapat may kani-kaniyang helmet at hindi naghihiraman ang bawat iaangkas na kakilala ng rider.

“Basta ipatupad lang doon sa backride ‘yung helmet, full-faced or with shield, lahat naman ng helmet mayroon ‘yang shield eh,” ani Atoy Sta. Cruz, ang director for administration ng Motorcycle Federation of the Philippines.

Dapat rin aniya ay naka-long sleeves at nakasuot ng guwantes ang rider bilang dagdag-proteksyon.

“Tapos kailangan naka-long sleeve or jacket. I’m talking of backride ha, then naka gwantes siya, long pants. Mas maganda pang protection ‘yan kumpara sa PPE,” ang sabi ni Sta. Cruz.

“Basta pag-uwi lang ng magkasama sa motor, ‘yun lang damit nila labhan agad, ‘wag na ipasok sa loob ng bahay,” dagdag pa niya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)


Checkpoint at travel pass, ipatutupad pa rin sa ilang lugar – PNP

Robie de Guzman   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines – Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng checkpoint at travel authority pass sa ilang lugar sa bansa kahit pinayagan na ang paglabas ng mas maraming tao sa gitna community quarantine.

Ayon kay police Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa desisyon ng mga lokal na pamahalaan kung papayagan ang paglabas at pagbiyahe ng mga taong hindi kabilang sa authorized persons outside of residence (APOR) at locally-stranded individuals kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa paglabas ng tahanan ng mga nasa edad na 15 hanggang 65 taong gulang.

Una nang sinabi ni League of Provinces of the Philippines head, Marinduque Governor Presbitero Velaso na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine rules para sa kapakanan ng kanilang constituents laban sa coronavirus disease.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na hindi isinasantabi nila ang posibilidad na may mga lugar na nais nang alisin ang travel restrictions para makabangon ang lokal na ekonomiya.

Pero hangga’t hindi aniya inaalis ang travel restrictions ay mananatili ang checkpoint at paghahanap ng travel pass sa mga checkpoint bilang requirement sa mga uuwi o bibiyahe sa mga probinsiya.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang police ground commanders sa mga lokal na pamahalaan upang alamin kung may mga pagbabago sa ipinatutupad na travel protocol policy.

“Ibig sabihin noon, kapag ang isang probinsya ay wala nang restriction, hindi na kailangan ng travel authority kung pupunta doon,” ang pahayag ni Eleazar.

Payo naman ng opisyal sa publiko na alamin ang panuntunan ng mga bayang pupuntahan o dadaanan bago ang kanilang biyahe upang maiwasan ang aberya.

“Dahil kung ang pupuntahan niyo o yung dadaanan niyo, alin man don ay restricted pa din like nagre-require ng travel authority ay kailangang mag secure kayo ng kanilang requirement,” ang wika ni Eleazar. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)


Mga menor de edad, bawal pa rin sa computer shops – Eleazar

Robie de Guzman   •   October 2, 2020

MANILA, Philippines – Hindi pa rin papayagang pumasok sa computer shops ang mga menor de edad kahit magbukas na ang klase sa Lunes, Oktubre 5.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang “no minors allowed” policy sa computer shops kahit batid nilang marami pang estudyante ang walang magagamit na laptop, gadget at internet para sa pagsasagawa ng online learning.

“We understand that a number of elementary and high school students in the public schools do not have computers, laptops, and other gadgets for the opening of classes so there maybe some of them who would go to the internet shops for their online classes for the use of computers and to avail of internet connections,” ang pahayag ni Eleazar.

Sa ipinaiiral na alintuntun ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang pagbabawal sa mga menor de edad ay isa sa mga kondisyon para payagang magbukas ang internet shops sa mga lugar na may umiiral na community quarantine restrictions.

Ayon kay Eleazar, binilinan na ang local police commanders na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa internet shops at makipag-ugnayan sa mga mga lokal na otoridad para sa pagpapatupad ng health protocols.

Pina-alalahanan rin ng opisyal ang mga internet shop owners na sundin ang polisiya.

“Our commanders on the ground should take the lead not only in reminding the internet shop owners that minors should not be allowed to enter in accordance of the guideline of the IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases) but also in making sure that this and other rules are strictly and properly observed,” ang wika ni Eleazar.

PH crime rate dropped by 47% during community quarantine period — JTF COVID Shield

Marje Pelayo   •   September 18, 2020

MANILA, Philippines — Crime rate or incidents of eight focused crimes in the country dropped by 47 percent during the six months of community quarantine from March 16 to September 15, 2020, the Joint Task Force COVID Shield reported on Friday.

Task Force Commander PLt.Gen. Guillermo Eleazar said this is in comparison with the rate recorded in the six months prior to the imposition of community quarantines.

The figures presented by the JTF CV Shield showed that from 31,661 crime incidents in September 2019 to March 16, 2020, only 16,879 were recorded from March 17 to September 16 this year.

This means only an average of 92 crime incidents happened per day during the community quarantine period compared to 172 cases per day before the the implementation of restrictions.

Task Force records showed incidents of robbery decreased by 61 percent and theft by 60 percent contrary to speculations that crime rate would increase due to the economic impact of the coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“We have been conducting analysis of the crime situation in the past six months in order to identify the best practices and security adjustments that we could replicate in other areas and eventually institutionalized in order to sustain this momentum,” Eleazar said.

Eleazar also echoed the directive of Philippine National Police (PNP) Police General Camilo Cascolan to continuously maintain police visibility, beat patrol and coordination among barangay officials to back the existing peace and order measure.

The eight focus crimes include:

  • Murder
  • Homicide
  • Physical Injury
  • Rape
  • Robbery
  • Theft
  • Carnapping of vehicle
  • Carnapping of motorcycle

MNP (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.