Currency
May 25, 2017, Thu, 01:00 PM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

Module tungkol sa buhay ni Sec. Jesse Robredo, ipapakalat ng Deped sa mga paaralan

by UNTV News   |   Posted on Monday, August 27th, 2012

FILE PHOTO: Ang likhang sining ng mga estudyante mula sa Camarines Sur National High School bilang pag-aalala, paghanga at pasasalamat sa dating Mayor ng Naga City at DILG Sec. Jesse Robredo. (PHOTOVILLE International / Rucelito Campita)

PASIG  CITY, Philippines — Nagpakalat na ang Department of Education ng modules tungkol sa buhay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kung saan ay nakatakda itong talakayin sa mga estudyante sa araw mismo ng libing ng kalihim.

Sa isang panayam, sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na mahalaga umanong maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit nagluluksa ang buong bansa sa pagkamatay ni Secretary Robredo gayundin ay upang magkaroon ang mga ito ng ideya sa buhay, prinsipyo, at dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Nakapaloob sa module para sa Araling Panlipunan ang mga paksa gaya ng good governance at public service samantalang ang module naman para sa Values Education subject ay tatalakay sa pagiging magandang halimbawa ni Robredo bilang family man. (UNTV Radio News)

Tags: , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.