Mga taga CAMANAVA, naramdaman din ang lakas ng Bagyong Glenda

admin   •   July 17, 2014   •   3212

Malakas na hangin ang dala ng Bagyong Glenda na nagging dahilan upang ang ilang mga puno sa Valenzuela ay mabuwal (UNTV News)

MANILA, Philippines —  Iba’t ibang insidente bunsod ng Bagyong Glenda ang nasaksihan ng UNTV News team sa CAMANAVA area kahapon, araw ng Miyerkules.

Malakas na hangin at buhos ng ulan ang naramdaman ng mga taga-Valenzuela City kahapon ng alas-9 ng umaga.

Halos hindi makita ang kalsada sa lakas ng buhos ng ulan. Sa lakas ng hangin, ilang puno ang nabuwal.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kahit walang baha sa lungsod ay ilang kalsada naman ang hindi madaanan.

“Ang nagiging problema natin ay yung mga bumagsak na puno, bumagsak na railing, mga lumipad na yero. Dahil sa lakas ng hangin mayroon tayong mga obstruction sa kalsada.”

Matapos humupa ang bagyo nagsimula na ang road clearing teams ng lungsod upang alisin ang mga debri sa kalsada.

Umabot sa 50 pamilya ang inilikas.

Sa Malabon, dahil sa lakas ng hanging dala ng Bagyong Glenda ay halos matumba na ang isang haliging bakal sa Brgy Potrero. Dahil dito, agad na pinaalis ang mga residenteng nakatira sa ilalim ng poste sa pangambang madaganan sila sakaling tuluyan itong mabuwal.

Sa Barangay Concepcion naman, natuklap ang bubong ng isang bahay sa lakas ng hangin. Sumabit pa ang yero sa kawad ng kuryente kaya napasugod sa lugar ang mga tauhan ng MERALCO upang alisin ito.

Mahigit 70 pamilya sa Malabon ang inilikas mula sa Barangay Potrero, Dampalit at San Agustin dahil sa lakas ng hangin.

Ayon sa mga residente, Martes pa lang ng gabi sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation.

“Boluntaryo kaming umalis kasi natatakot kami hindi masyadong malakas ang ulan kaya lang ang hangin sobra talaga. Nawala na yung bubong namin. Kaya pinag-aalala ko lahat ng gamit namin na naiwan,” pahayag ni Evelyn Faeldo, residente sa lugar.

Sa Navotas, halos 500 pamilya na nakatira sa tabing dagat at tabing ilog ang inilikas ng city government sa mas ligtas na lugar dahil sa paghagupit ng Bagyong Glenda sa Metro Manila.

Ilang bata naman ang sinipon, inubo at nilagnat na agad naming inasikaso ng medical team ng city government.

“Dahil sa hangin bumigay yung bubong namin, yung dingding nagtanggal. Tapos natakot po kami baka bigla bumaha dahil sabi may high tide yung iba tabing ilog kaya lumikas,” saad ni Digna Macasio, residente sa lugar.

Matapos hambalusin ng malakas na hangin ang lungsod, nasunog naman ang isang storage building ng Seaport Royal and Royal Pacific sa Lapu Lapu Corner Bangus st. Barangay NBBS.

Dito nakatago ang mga fish net at banyera ng kumpanya.

Ayon kay F/C Insp. Paul Pili, Fire Marshall ng Navotas City, alas-11:28 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa 5th alarm.

“Initial report nag-accumulate yung heat kasi nagshut off yung kuryente dahil sa bagyo. Accumulate yung heat dahil yung ventilator niya di gumana dahil shut off kuryente. Nagkaroon ng init so nagkaroon ng sunog.”

Alas-12:34 ng tanghali nang ideklarang fire under control ang sunog matapos rumesponde ang mahigit 20 firetrucks.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Meralco sets power rate hike this December

Aileen Cerrudo   •   December 9, 2019

For the third consecutive month, the Manila Electric Company (Meralco) is set to implement another power rate hike this December due to higher generation charges.

Meralco has announced that power rates will increase by P0.33 per kilowatt-hour (kWh).

Customers who consume 200 kWh will have to pay additional P61 in their power bill while customers consuming 300 kWh will pay additional P91.

Customers will have to pay additional P122 and P152, respectively, for consuming 400 kWh and 500 kWh.

“Kapag nagkakaroon tayo ng mga sudden outages na nagreresulta sa yellow or red alerts, kapag tiningnan mo iyong historical data, talagang nagkakaroon ng pressure for prices to go up in the market (When we have sudden outages which result in yellow or red alerts and if you look at historical data, there really is a pressure for prices to go up in the market),” Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga said.

He added that they are continuing their efforts to restore the power supply in some areas affected by Typhoon Tisoy.

“We have sent a contingent to Bicol to assist ALECO in its postal restoration,” he said.—AAC (with reports from Joan Nano)

TAGS   ,

Think tank warns of power shortage, rate increases in the coming months

Marje Pelayo   •   November 27, 2019

MANILA, Philippines – Power rates are seen to shoot up in the coming months along with a series of power interruptions, according to the group Infrawatch PH.

It’s because the Energy Regulatory Commission (ERC) has not approved all six new power supply agreements which Meralco is eyeing to source its supply from.

According to former congressman now Infrawatch PH Convenor Terry Riddon, ERC should have decided on the agreement as early as November 22.

But until now, the agreements have not yet been finalized even as Meralco’s power supply agreement (PSA) are set to expire on December 26.

This would likely result in power shortage and power rate increase in the coming months, according to Riddon.

“Natatakot po tayo na pagka nag-lapse po yung mga kontrata ng ilan pong tinatawag na PSAs ay kukuha po tayo ng kuryente sa spot market (It worries us that once the PSAs expire, we will need to source our electricity from the spot market),” he explained.

“Siyempre alam naman po natin kapag hindi contracted price may tendency na sumipa yung presyo ng kuryente (And as we all know, contracted price could result in power rate hikes),” he added.

But ERC denied stalling the new PSA as they received the applications only in October 22 this year.

Under the law, ERC has at least 75 days to issue a provisional authority on such type of agreements.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling yung notion na nagkakaroon ng delay, (I don’t know from where that notion of a delay came from),” defended ERC Spokesperson Florinda Digal.

“Kapag file ng application sine-set namin for hearing, so may aksyon na kami. I think hindi lang naipaliwanag sa kanila na may proseso kasi bawat application na pina-file dito sa amin and gumagalaw yung application in accordance with the procedure,” she explained further.

(Once the application is filed, we set the hearing right away, so there’s action. I think, it was not explained to them properly that there is a process to follow and that the application is working in accordance with the procedure.)

The ERC maintained that it will not allow any delays in contracts that could result in shortage of power supply and high electricity prices that would inconvenience consumers.

“This is what we want to assure the public whenever we receive applications tinitignan din namin kung ano yung magiging epekto nito at syempre hindi kami papayag na magkaroon ng deficiency sa supply just because something is pending with us,” Digal said.

(This is what we want to assure the public whenever we receive applications. We look at their effects and of course, we do not allow deficiencies in the supply just because something is pending with us.)

Meanwhile, Meralco vows to cooperate with the government in order to minimize the impact on the consumers.

“We are committed to work with the government in ensuring that we obtain the least cost for consumers,” Meralco’s spokesperson Joe Zaldarriga assured. MNP (with reports from Joan Nano)

Meralco announces power interruption in several areas

Aileen Cerrudo   •   November 25, 2019

The Manila Electric Company (Meralco) has announced they will implement power interruptions in several areas in Metro Manila and other provinces.

Power interruption will be experienced from November 26-December 1 in these areas:

  • Tondo, Manila
  • Ermita, Manila
  • Malate, Manila
  • Marikina City
  • Pasig City
  • Quezon City
  • San Juan City
  • Tagaytay City
  • Trece Martires
  • Dasmariñas City
  • Imus City
  • San Pedro City, Laguna
  • Quezon Province

According to Meralco, they will conduct maintenance in their facilities including line reconductoring works, and replacement of poles.—AAC (with reports from Grace Casin)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.