Mga stranded na pasahero sa NAIA, inilipat sa isang temporary shelter sa Pasay – DOTr

Robie de Guzman   •   June 12, 2020   •   535

MANILA, Philippines – Sa isang paaralan sa Pasay City pansamantalang mananatili ang mahigit sa 300 stranded na pasahero habang naghihintay ng masasakyan pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dinala muna sa Villamor Air Base Elementary School ang mga stranded na pasahero matapos ang ilang araw na pananatili sa ilalim ng isnag elevated expressway malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Karamihan umano sa mga ito ay naipit sa Metro Manila matapos abutan ng community quarantine habang nag-aasikaso ng mga papeles para sa aplikasyon sa trabaho sa ibayong dagat.

At dahil naantala na ang pag-proseso ng kanilang mga dokumento, pinapauwi na umano muna sila ng manning agency at tatawagan na lang kapag maayos na ang sitwasyon.

Nang payagan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng domestic flights para sa locally-stranded individuals, nagpuntahan ang mga ito sa NAIA bitbit ang kanilang mga ticket.

Ngunit pagdating sa paliparan, saka lang nila nalaman na kanselado pala o kaya ay nalipat ang schedule ng kanilang biyahe.

Bunsod nito, napilitan ang ilan sa kanila na maghintay na lamang malapit sa NAIA dahil wala naman anilang inilaang accommodation ang kanilang agency habang stranded sila sa Metro Manila.

Hindi rin sila pinapayagang makapasok sa airport terminals kung hindi pa nila schedule na umalis.

“Kami po y’ong nag-apply na mag-abroad tapos hindi po natuloy kaya na-cancel po kaya wala na po kaming matirhan. Exactly po talaga flight namin June 9 tapos nag-extend kasi po eh. Tapos wala na kaming mapuntahan kaya dito na lang po kami pumunta,” ang kwento ni Romarie Viola, isa sa mga locally-stranded individuals.

Bilang tugon sa sitwasyon, nagpadala ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard at Pasay City Police noong Huwebes ng gabi para ilipat ang mga stranded nating kababayan sa isang paaralan sa Pasay na magsisilbi nilang temporary shelter.

Dito, makakakain sila at makakapag-pahinga ng maayos habang nakikipag-ugnayan sila sa airline companies at kaukulang local government units para sa kanila pag-uwi.

Samantala, nagbabala naman ang DOTr sa manning agencies na magpapabaya sa kanilang mga aplikante at tauhan.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Eymard Eje, maaaring maharap sa kaso ang manning agencies kapag napatunayang tinatakasan nito ang kanilang obligasyon.

“Nakatanggap kami ng mga report na ito, dinadala dito ng mga manning agency nila para tumakas sa kanilang mga obligasyon. Kaya y’ong mga manning agency, binabantaan namin kayo, itigil ninyo na ‘yan dahil ‘pag nahuli namin kayo, sigurado katakot-takot na kaso aabutin ninyo,” ani Eje.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na tutukan ang pagbibigay-ayuda at pagpapauwi sa lalawigan ng mga kababayang naipit sa Metro Manila sa gitna ng community quarantine.

Samantala, muli namang nanawagan ang Manila International Airport Authority sa mga pasahero na huwag pupunta sa mga paliparan kung hindi pa kumpirmado ang kanilang flight. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

P15M worth of misdeclared high-end goods seized at NAIA

Robie de Guzman   •   August 5, 2020

MANILA, Philippines – A shipment of high-end branded goods that were misdeclared as personal effects was recently apprehended at the Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), the Bureau of Customs (BOC) said.

In a statement, the BOC said the shipment, which consisted of bags, shoes, wallets and other luxury goods was valued at P15 million.

The items included high-end brands like Chanel, Hermes, Christian Louboutin, Valentino, Louis Vuitton, Prada, Balenciaga bags, shoes, wallets, and earrings.

The bureau said that the shipment was fraudulently declared as personal effects, consisting of shampoo, soap, towels, toiletries, canned goods, milk and chocolates, packed in 17 cartons. It was shipped from Milano, Italy through RRG Freight Service Forwarder in Paicargo Warehouse.

A physical examination of the subject shipment confirmed that it actually consists of high-end goods in commercial quantities.

The BOC said the misdeclaration is an apparent attempt to evade payment of correct duties and taxes by circumventing duty and tax free privileges afforded to balikbayan boxes.

According to Port of NAIA district collector Carmelita Talusan, the shipment will be subjected to seizure and forfeiture proceedings for violation of Section 1400 in relation to Section 1113 of the CMTA.

The records and details of the apprehension shall be referred to the Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) for case profiling and build up against the personalities involved in the foiled smuggling.

Locally-stranded individuals, hindi muna makakapasok sa Bulacan habang naka-MECQ – LGU

Robie de Guzman   •   August 4, 2020

Inanunsyo ngayong Martes ng Bulacan provincial government na hindi muna papayagang makapasok ang mga uuwing locally-stranded individuals (LSI) habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, layon ng hakbang na higpitan ang paglabas-masok ng mga tao sa Bulacan at Metro Manila nang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

“No LSI muna na manggagaling sa ibang lugar, lahat ng papasok sa main, hindi muna namin tatangapin habang naka-MECQ tayo. Yung papasok ng Maynila talagang hihigpitan namin ang pagbabantay,” ani Fernando.

Bilang bahagi ng hakbanging ito, naglagay na ng checkpoint ang Bulacan Police sa entry at exit points ng lalawigan pati na sa mga daanang papunta at pabalik ng North Luzon Expressway at Metro Manila.

Ayon kay Bulacan Provincial Police director PCol. Lawrence Cajipe, dadaan sa inspeksyon ang mga sasakyan upang matiyak na authorized person outside residence (APOR), medical at iba pang essential workers lang ang bumibiyahe.

“Kung hindi sila APOR, huwag na nilang pilitin palabas. Madedelay lang sila pagmumulan lang ng tensyon, kung di naman medical emergency huwag nang lumabas,” ani Cajipe.

Paalala rin ng mga otoridad, suspendido sa ngayon ang biyahe ng mga pampasaherong bus, jeep at iba pang pampublikong sasakyan.

Epektibo rin ang curfew hours sa lalawigan mula alas-otso ng gabi hanggang ala-singko ng umaga. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Nestor Torres)

3 alleged human trafficking victims intercepted at NAIA – BI

Robie de Guzman   •   August 3, 2020

MANILA, Philippines – Three people suspected of being victims of human trafficking and illegal recruitment have been intercepted at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA), the Bureau of Immigration (BI) said on Monday.

In a report to Immigration Commissioner Jaime Morente, BI port operations division acting chief Grifton Medina said the passengers were stopped last week before they could board their flights to the Middle East and Europe.

Medina said one of the victims was bound for Dubai while the two others were destined for Greece, all of them showing intentions to work illegally as undocumented workers.

According to BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), the Dubai-bound passenger was intercepted last 25 July 2020 after the immigration officer noticed that the Overseas Employment Certificate (OEC) was not cleared and validated by the Philippine Overseas Employment Administration – Labor Assistance Center (POEA-LAC) desk at the NAIA.

Verification with the POEA-LAC later revealed that the said OEC was tampered as it was issued to someone else and not to the said passenger.

The victim then admitted that her trip was processed by her handlers and that her documents were only given to her when she arrived at the airport.

The BI-TCEU also reported that the two Greece-bound passengers who were intercepted last Saturday, August 2, likewise presented fraudulent travel documents, including fake OECs and local employment certificates.

The bureau said that upon interview, they confessed that their documents were only handed to them at the airport. They also said they were recruited to work in Athens by their handlers to whom they each paid P95,000 in return for facilitating their trip and processing their documents.

“Thanks to the vigilance of our primary inspectors for foiling these attempts by human trafficking syndicates to sneak their victims out of the country,” Medina said.

The victims were turned over to the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) for investigation, according to the bureau.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.