Mga Residenteng Apektado ng Demolisyon sa Guatemala Compound sa Makati, Isa-Isa Nang Nagsilikas

admin   •   September 26, 2012   •   3119

Ang ilan sa mga residente sa Guatemala Compound sa Makati City na di pa nililisan ang kanilang lugar sa kabila ng naging marahas na demolisyon noong Lunes. (UNTV News)

MAKATI CITY, Philippines – Sinampahan na ng mga kasong direct assault, malicious mischief at physical injuries sa piskalya ang mga naarestong sibilyan dahil sa ginawang pambabato sa mga pulis at demolition team sa Guatemala Street, Barangay San Isidro, Makati City noong Lunes.

Kaugnay nito, wala na ring pag-asang makabalik pa sa kanilang lugar ang may tatlumpong pamilya matapos tanggapin ang alok ng city government na relokasyon sa Calauan, Laguna.

Mas pinili naman ng mahigit 130 pamilya ang cash assistance kaysa relokasyon.

Mahigit sa P24 libong piso ang kanilang tatanggapin at libre silang ihahatid ng truck ng lungsod saan mang lugar nila ibig pumunta.

“Kung ano ang checklist, parehas lang sa lahat. Birth certificate, birth certificate ng mga anak, marriage certificate, 2 valid ID. Bago secure lahat ng ng requirements pakita muna nila sa amin ang proof of residency. Kung wala sila, yun ang patunay na disqualified sila,” pahayag ni Tess Soriano ng City Social Welfare Department.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 70 pamilya pa ang hindi pa makapag-pasya kung relocation o cash assistance ang pipiliin.

Tiniyak naman ng city government na walang katotohanan ang balitang miserable ang buhay sa relocation site dahil may inilaan silang pondo para ayusin ang lugar. (Victor Cosare/Ruth Navales, UNTV News)

Makatizens may now avail of cheaper RT-PCR tests at P2,950

Marje Pelayo   •   November 23, 2020

MANILA, Philippines — Mayor Abigail Binay has announced that residents of Makati City can now avail of polymerase chain reaction (RT-PCR) tests for P2,950.

In My Makati Facebook post, Binay reported that the price of the RT-PCR test in the city is much lower than those offered in hospitals and private clinics around Metro Manila which usually costs around P4,500 to P8,000.

The city government made it more affordable, allowing asymptomatic individuals and those having no close contact with positive patients to be tested as well.

The said move is part of the city government’s mass testing efforts to break the chains of transmission while waiting for the vaccine for coronavirus disease (COVID-19). MNP / Rhussel Egano

Makati City announces new schedule of voter registration

Marje Pelayo   •   October 27, 2020

MAKATI CITY, Philippines – The city government announced on Tuesday (October 27) the new weekly schedule of voter registration for the month of November.

Starting November 1, Makatizens are advised to register at the Commission on Elections (COMELEC) Makati office from Mondays to Thursdays only, from 8:00 AM to 3:00 PM.

The COMELEC office located on the first floor of the Makati City hall will be closed on Fridays for disinfection.

Applicants who are at least 18 years old on or before the May 2022 Elections are required to bring one valid government ID.

All are reminded to observe social distancing and other health safety protocols while inside the city hall premises. MNP / Rhussel Egano

TAGS   ,

Libu-libong manok sa Laguna namatay dahil umano sa heat stroke

Robie de Guzman   •   October 8, 2020

MANILA, Philippines – Nasa 43,000 manok na inaalagaan sa isang poultry farm sa bayan ng Nagcarlan, Laguna ang nangamatay dahil umano sa matinding init.

Noong Martes ng hapon nagsimulang mamatay ang mga manok matapos mawalan ng supply ng kuryente sa de-aircon na kulungan ng mga ito.

Tunnel ventilation ang gumagana sa poultry farm kaya sobrang init kapag nawalan ng kuryente.

Ayon kay Nagcarlan Municipal Agriculturist Abeth Lucas, may generator naman sa gusali ngunit pumalya ito kaya tuluyang nawalan ng bentilasyon sa kulungan na nagresulta sa pagkamatay ng mga manok.

“Namatay kasi yung ventilator kaya kumbaga nagkaroon ng heat stroke yung mga manok. Stroke siya gawa ng nawalan ng kuryente tapos pinaandar yung generator nag-bog down naman generator, yung mga fan hindi gumana,” ang wika ni Lucas.

Nakatakda na sanang i-deliver ang mga manok nang mangyari ang insidente.

Tinatayang aabot sa P6 milyon ang halagang katumbas ng mga namatay na manok.

Upang huwag masayang, ipinamigay na lamang ang mga manok sa mga residente ilang oras matapos mamatay.

“Hindi lang ho residente dito mga barangay ng Nagcarlan, ibang barangay ng Masiit nga. Tuwang tuwa naman sila,” ang pahayag ni Minda Ido, ang chairperson ng Barangay Maravilla sa Nagcarlan.

Inilibing naman ang mga manok na hindi na napakinabangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Mac Cordova)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.