Mga piloto ng sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific, suspendido ng anim na buwan

admin   •   June 26, 2013   •   3141

FILE PHOTO: Ang unahang bahagi ng Cebu Pacific Flight 5J971 sa Davao International Airport noong hindi pa ito naiaalis sa runway mula sa pagkakasubsob. (BOM DY / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang unahang bahagi ng Cebu Pacific Flight 5J971 sa Davao International Airport noong hindi pa ito naiaalis sa runway mula sa pagkakasubsob. (BOM DY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Suspendido ng anim na buwan ang mga piloto ng eroplano ng Cebu Pacific na sumadsad sa runway ng Davao International Airport noong Hunyo 2.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director-General Captain John Andrews, bukod sa anim na buwang suspensyon, isang taon ding hindi papayagang maging main pilot si Antonio Oropesa.

Tatlong buwan namang suspendido ang co-pilot nitong si First Officer Edwin Perello.

Sinabi ni Andrews na batay sa kanilang imbestigasyon, nabigo ang mga piloto na magpatupad ng emergency evacuation at inabot pa ng dalawampung minuto bago inilikas ang mga pasahero.

Hindi rin nakapagdeklara ng emergency at bigo rin ang mga pilotong gawin ang procedures sa kanilang manual.

Sinabi rin ni Andrews na lumihis sa runway at sumadsad sa runway ang eroplano nang ituloy ng mga piloto ang pag-landing kahit nawalan sila ng visibility dahil sa malakas na ulan.

Samantala, hindi pa magsasampa ng kaso ang CAAP sa pamunuan ng Cebu Pacific kaugnay ng insidente dahil patuloy pa umano silang nangangalap ng ebidensya.

Isasalang naman sa flight simulation at bulk landing ang mga flight crew ng kumpanya, bukod pa sa gagawing pagbabago sa turnaround time policy ng mga eroplano sa tuwing may emergency.

Magpapadala din ang CAAP ng flight inspectors sa cockpit para subaybayan ang operasyon ng airlines.

Tiniyak naman ng CAAP na ligtas pa ring sumakay sa mga eroplano ng Cebu Pacific bagama’t may ilang hakbang na dapat baguhin lalo na sa emergency evacuation. (UNTV News)

LIST: Airports allowed to resume commercial flights as of July 19

Marje Pelayo   •   July 20, 2020

MANILA, Philippines — A total of 32 airports in the country have received clearance from their respective local government units (LGUs) to resume commercial flight operations as of Sunday (July 19).

The Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) reminds travelers, however, some airports, while allowed to open for commercial flights, are still subject to different documentary and passenger restrictions set by the LGUs.

No photo description available.

LIST: 18 airports with commercial flights as of June 21

Marje Pelayo   •   June 22, 2020

MANILA, Philippines — The Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) reminds travelers that there are now 18 airports across the country which offer commercial flights as of Sunday (June 21). 

This, after some local government units (LGUs) allowed the commercial operation of airports in their respective areas.

The agency advises the public, however, to check on the different documentary requirements and passenger restrictions that each specific LGU requires. 

CAAP stressed that the resumption of regular commercial flights still depends on coordination and conditions imposed by LGUs.

No photo description available.

Balik-operasyon ng mga paliparan sa Western Visayas sa June 16, pinaghahandaan na ng CAAP

Robie de Guzman   •   June 8, 2020

Todong paghahanda ang ginagawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa inaasahang pagbabalik-operasyon ng mga paliparan sa Western Visayas sa June 16.

Kasabay ng pagbubukas ng mga paliparan, papayagan na rin ang commercial flights bagama’t limitado lang ang kapasidad nito.

Ngayong Lunes, nagsagawa ng simulation ang CAAP sa Roxas Airport sa Capiz para sa mga bagong protocol na ipatutupad sa paliparan.

Kabilang na dito ang pag-check sa temperature ng lahat ng papasok sa pasilidad; pagsusuot ng face mask, pagpapatupad ng physical distancing at malimit na disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Magpapatupad rin ng non-contact system para sa security check; at maglalagay ng decontamination areas, hand-washing spaces at foot baths sa airport terminals at parking areas.

Kahalintulad na hakbang rin ang planong ipatupad sa Godofredo P. Ramos Airport sa Aklan, Evelio Javier Airport sa Antique, at sa Iloilo International Airport.

Sa Bacolod-Silay Airport naman, ilang thermal scanners na ang inilagay upang mas mabilis ang pagkuha ng temperatura sa mga pasahero.

Gagawin ring regulated ang flights upang maiwasan ang crowding o pagdagsa ng mga pasahero sa airport terminals.

Ayon sa CAAP, isang simulation rin ang isasagawa nila bukas ng umaga sa Kalibo International Airport.

Sinabi ng ahensya na ang bagong prosesong ito ay upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases lalo na at inaasahan ang paguwi ng maraming overseas Filipino workers na sumailalim sa quarantine pati na ng mga residenteng inabutan ng community quarantine sa ibang lugar.

Simula noong June 1, nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) ang ilang lugar sa Western Visayas, kabilang na ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental at Bacolod City.

Sa ilalim ng MGCQ, pinapayagan na ang pagbubukas ng mas maraming negosyo at opisina ngunit limitado lamang ang operasyon at workforce at dapat ay nakakasunod sa minimum helath standards na itinakda ng pamahalaan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lalaine Moreno)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.