Mga papayagang pumasok sa Manila Bay dolomite beach, hanggang 4K lang; mga bata, bawal – DENR

Robie de Guzman   •   October 26, 2021   •   202

 

MANILA, Philippines ­– Lilimitahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bilang ng mga bisitang maaaring makapasok sa Manila Bay dolomite beach.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, nasa 4,000 bisita lamang ang papayagang makapasok na carrying capacity ng lugar.

“Ang problem lang natin, during weekdays, talagang bumibigla, pumapalo talaga ng hindi na bumababa ng 18,000 and above ang number of persons. So, ang gagawin lang natin, with our strategy, we will meet lang yung carrying capacity ng area mga 4,000 to 5,000 lang ang nasa loob,” ang wika ng opisyal.

Upang mapagbigyan ang iba pang mga bisita na makapasok sa dolomite beach, ipatutupad ang limitadong oras sa pagtigil sa lugar.

Kapag weekend, ipaiiral ang “cinema approach” kung saan may scheduling o may oras ang pagpasok sa lugar.

Palalabasin ang mga ito pagkatapos ng dalawang oras para naman sa iba pang mga bisita.

Kapag dagsa ang tao sa weekdays, ipatutupad naman ang rotation system kung saan maari lang tumigil sa loob ng pasyalan hanggang labinglimang minuto.

Upang maiwasan ang pila sa labas ng dolomite beach, planong gumamit ng DENR ng smartphone app o bigyan ang mga bisita ng stub na maipapakita nila kapag oras na ng kanilang pagpasok.

Bibigyan naman ng special lane ang mga vulnerable sectors gaya ng senior citizens, buntis at may karamdaman.

Pagbabawalan namang pumasok sa dolomite beach ang mga batang may edad 11 pababa, alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Consistent with the IATF protocols, we followed our determination of the age based on the availability nung vaccination natin. Kung mapapansin ninyo, the government has already implemented the vaccination of 12 years old and above,” ani Leonas.

Layunin ng bagong patakaran na maiwasan na ang pagdagsa ng mga tao gaya nang nangyari sa mga nakalipas na linggo.

Magugunitang, umabot sa mahigit 121,000 indibidwal ang bumisita sa Manila Bay dolomite beach noon lamang araw ng Linggo. Dahil sa dami ng tao, hindi na natupad ang social distancing protocol at may iba pang hindi nakasuot ng maayos ang kanilang face mask.

Isasara naman ang dolomite beach tuwing Biyernes upang bigyang-daan ang maintenance activities.

MMDA to let IATF decide on restrictions on minors under Alert Level 2

Maris Federez   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines — The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that full mobility of minors and seniors remains status quo in the National Capital Region under Alert Level 2.

MMDA chairman Benhur Abalos said the 17 Metro Manila mayors will leave it to the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) to decide on the restrictions it will set for minors under the region’s current status.

“The IATF is the best position to decide on the mobility restrictions on minors considering that it has the necessary scientific and empirical data as well as the health epidemiological and pediatric experts,” Abalos said.

Concerns on whether minors should be allowed to go to malls surfaced after a two-year-old boy allegedly contracted coronavirus disease three days after going to the mall. —/mbmf

Face shield, maaari pa ring irequire ng employers, mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 1-3 – IATF

Robie de Guzman   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na maaari pa ring i-require ng private establishments at employers ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 hanggang 3.

Batay sa napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), may karapatan ang mga employer at establisimyento na ipatupad pa rin ang face shield policy kahit pa hindi na ito mandatory.

“Ang napagkasunduan po ng IATF is discretion ng establisyimento,” ang paliwanag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.

“Ang isang example dyan yung sinasabi pagdating sa construction site, example required ang hard hat. So ganun din po, ganun din yung prinsipyo pagdating sa discretion ng establishments for safety and security ng people in the establishments kasama na yung mga employees kasama na yung mga customers nasa discretion po ng mga establisyimento,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Nograles ay taliwas sa naunang sinabi ng Palasyo na dapat sumunod ang private establishments sa polisiya ng national government na nag-aalis sa mandatory na paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.

Kamakailan ay binawi ang polisiya sa mandatory na paggamit ng face shield sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa. (mula sa ulat ni Correspondent Janice Ingente)

DOT welcomes shortened quarantine days for returning Filipinos

Robie de Guzman   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Tourism (DOT) on Friday welcomed the decision of the government’s task force for COVID-19 response to shorten the hotel quarantine period from five days to three days for fully vaccinated overseas Filipinos returning from yellow listed countries.

Malacañang announced earlier in the day that the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) fully vaccinated travelers from countries under the yellow list are required to present a negative RT-PCR test taken within 72 hours prior to departure from the country of origin.

Upon arrival, they shall undergo a three-day facility-based quarantine with testing on the third day but are enjoined to complete self-monitoring up to the 14th day from arrival.

“This latest development will greatly contribute to the on-going recovery of the tourism sector this holiday season while also providing more time to those who want to return home to be with their loved ones in the Philippines,” Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat said in a statement.

The policy, however, states that those without pre-departure testing will be subjected to a facility-based quarantine until the release of the RT-PCR test results taken on the fifth day. With a negative result, the individual will be released for home quarantine until the 10th day.

Unvaccinated travelers shall undergo facility-based quarantine with testing on the seventh day, to be followed by home quarantine up to 14th day upon the release of a negative test result.

The new policy will take effect starting November 22.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.