Mga mahuhuling lumabag sa curfew, bawal saktan o ipahiya – PNP

Robie de Guzman   •   August 3, 2021   •   271

MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na hindi dapat saktan o ipahiya ang mga mahuhuling lumalabag sa curfew hours.

Ginawa ng PNP ang paalala ilang araw bago isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang mapigilan ang lubha pang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ang ECQ sa Metro Manila ay magsisimula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Sa panahong ito, tanging essential o mahahalagang biyahe at serbisyo lang ang papayagan. Pawang authorized persons outside of residence lang din ang maaaring makalusot sa border checkpoints.

Mas mahaba rin ang curfew sa ilalim ng ECQ dahil gagawin na itong alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw mula sa dating alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, ang commander ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield, dapat pagsasabihan lang sa unang paglabag ang mga mahuhuli ng mga otoridad.

“Sila po initially ay pagsasabihan at base sa instruction ni Chief PNP ay we will treat them humanely,“ ani Dickson.

“Kung pasaway pa rin sila ay dadalhin po sila sa mga dedicated areas na safe naman ang spaces na hindi nakakahawa or hindi rin sila mahahawa para maimbestigahan,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw naman ni PNP Spokesperson BGen. Ronaldo Olay na nakabase sa umiiral na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan ang magiging multa sa mga paulit-ulit nang lumalabag sa curfew hours.

“Respect human rights, be courteous… Huwag silang parusahan, ‘wag silang pahiyain. Kung meron silang minor infractions bagkus ay pwede silang bigyan ng warning sa mga first time violators,” ani Olay.

“Sa mga second tine violators ay bigyan sila ng fine o multa, at yung pangatlo ay pwede community service at depende yan sa umiiral na ordinansa sa mga jurisdiction,” dagdag pa niya.

Una nang humingi ng kooperasyon sa publiko si PNP chief Guillermo Eleazar sa pagpapatupad ng curfew hours sa Metro Manila dahil isa sa layunin nito na mapigilan ang mass gathering sa mga komunidad at mapigil ang lalo pang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ombudsman junks CIDG petition vs Abayalde anew

Maris Federez   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines — The Office of the Ombudsman has rejected anew the motion filed by the Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) seeking the reversal of the decision to acquit former PNP chief Police General Oscar Abayalde of graft charges filed against him.

In its resolution, the Ombudsman said the CIDG’s motion still lack sufficient evidence that will pin down Abayalde to the case.

The resolution added that the CIDG did not submit new arguments that will prove the involvement of the retired general in the case.

The CIDG filed graft charges against Abayalde for his alleged involvement in the anomalous drug operation of police authorities in Pampanga in 2013. —/mbmf

NTC, makikipag-ugnayan sa PNP at NBI para matunton ang nasa likod ng text scams

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang National Telecommunications (NTC) sa pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga nasa likod ng text scams.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamo ng ilang mobile subscribers ukol sa natatanggap nilang mga text messages mula sa mga ‘di kilalang phone numbers na nag-aalok ng trabaho, o kaya ay pautang.

Ayon sa NTC, maraming paraan para makuha ang phone number ng isang indibiduwal na pinapadalhan ng spam texts.

Kabilang na dito ang listahan ng mga number na nagpapaload sa mga tindahan at sa contact tracing system ng mga establisimyento.

Pero giit ni NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyong ito sa ibang tao at paggamit rito para sa text scams.

“We can coordinate perhaps with NBI at police para surveillance, ano, ma-determine sino yung mga yan—grupo ba sila or individual, et cetera, et cetera,” ani Cabarios.

Payo ng NTC sa publiko, huwag magbigay ng personal na impormasyon kung makakatanggap ng mga ganitong mensahe.

Maaari namang i-block ng NTC ang phone number ng mga gumagawa ng ganitong aktibidad kung hihilingin ng mga magrereklamo.

Kung makakatanggap ng text scams, maaari itong ireport sa NTC Central Office Consumer Welfare and Protection Division sa mga numerong (+63) (02) 8920-4464; (+63) (02) 8926-7722; at (+63) (02) 8921-3251.

Maaari ding magpadala ng mensahe sa e-mail address ng NTC na consumer@ntc.gov.ph. (Mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Presyo ng baboy, posible pang tumaas habang papalapit ang holiday season – DA

Robie de Guzman   •   November 22, 2021

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ulat ni Aileen Cerrudo sa UNTV C-News, sinasabing umaabot sa P20 hanggang P60 ang presyo ng karne ng baboy.

Sa Mega Q Mart, nasa P420 ang presyo ng kada kilo ng liempo, P350-P360 naman ang halaga ng kada kilo ng kasim.

Sa Commonwealth Market, hanggang P320 ang halaga ng liempo at nasa P360 naman ang kasim.

Nasa P390 ang presyo ng kada kilo ng liempo habang nasa P300 to P340 ang presyo ng kasim sa Malabon Central Market.

Sa Munoz at Guadalupe Market naman, umiikot sa P360 hanggang P380 ang kada kilo ng liempo habang nasa P320 at P330 naman ang kasim.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay bunsod ng kakulangan pa rin sa supply ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon sa DA, posible pang tumaas ang presyo ng baboy sa pagsapit ng buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagtaas ng demand kaugnay ng holiday season.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.