Mga isda mula sa Taal Lake, ligtas pang kainin – BFAR

Robie de Guzman   •   July 6, 2021   •   364

MANILA, Philippines – Maaari pang kainin ang mga isdang nakukuha mula sa Taal Lake kahit pa nag-aalburoto ang Bulkang Taal.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), normal pa rin naman ang oxygen level sa lawa at wala pa namang napapaulat na anumang harmful event na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao kapag kinain ang mga isda mula sa Taal Lake, batay sa kanilang mga pagsusuri.

Kailangan lamang linisin at lutuing mabuti ang mga isda mula sa Taal Lake bago kainin.

“Similar po doon sa previous nating advisory kung ligtas po bang kainin ang tilapia o isda na manggagaling sa Taal Lake. Then similar to the advisory noong nakaraang pagputok po ng Taal Volcano at sinasabi natin na safe na kainin ang mga isda na mangagaling sa Taal Lake. Siguraduhin po natin yung normal po nating ginagawa, linisan po natin ng maayos,” ani BFAR region 4A director Sammy Malvas.

Tiniyak naman ni Malvas na agad silang maglalabas ng abiso kung magbabago ang sitwasyon sa lawa batay sa isinasagawa nilang water sampling at monitoring ng oxygen level.

Patuloy rin ang pagha-harvest ng mga isda roon gaya ng tilapia at bangus at maayos pa naman ang transportasyon nito kaya hindi dapat tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan.

Sakaling lumala ang sitwasyon, tiniyak naman ng Department of Agriculture na may iba pang mapagkukunan ng supply ng bangus at tilapia, kabilang na ang mga palaisdaan sa Central Luzon at sa Region 1. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

Ilang pasyalan sa Metro Manila bukas na sa publiko pero mga bata, bawal sa ilang parke

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – Bukas na sa publiko ang ilang pasyalan sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa rehiyon sa COVID-19 Alert Level 3.

Kabilang sa mga binuksang pasilidad ay ang Quezon Memorial Circle, kung saan pinapayagan ang pagpasok ng mga bata basta’t may kasamang magulang o adult guardian.

Maaari ring kumain sa parke at bukas ang playground para sa mga batang gustong maglaro.

May mga nag-iikot namang security personnel upang masegurong nasusunod ng mga bisita ang ipinatutupad na public health protocols.

Malawak ang Quezon Memorial Circle at maaari itong pagdarausan ng individual exercise.

Bukas ang lugar mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Sa Maynila naman, bukas rin ang Luneta at Paco Park mula alas-5 ng umaga para sa mga nais mamasyal at mag-ehersisyo sa liwasan.

Ngunit ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), bawal pa rin ang pagpasok sa Rizal Park ng mga menor de edad kahit sila ay mag-e-ehersisyo.

“Sa ngayon po, dahil po sa IATF guidelines ay hindi po muna natin ina-allow ang mga bata sa parks and then, yung pagdating naman din po sa pagkain, hindi pa rin po nag-a-allow ng picnic po sa park,” ang paliwanag ni Florizza Buclatin, ang chief of staff ng NPDC.

Sa Intramuros, tumatanggap na rin ng bisita ang Baluarte de San Diego at Fort Santiago pero bawal pa rin ang mga menor de edad.

Bukas ang Fort Santiago mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi habang ang Baluarte de San Diego naman ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Bukas ang mga pasyalang ito, bakunado man o hindi kontra COVID-19.

Paalala ng mga otoridad sa mga bisita, kailangan pa ring nakasuot ng face mask, iwasan ang overcrowding at panatilihin ang physical distancing. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Mga bata, bawal pa ring gumala maliban kung outdoor exercise – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Malakanyang sa publiko na bawal pa ring gumala ang mga menor de edad sa gitna ng pagluluwag ng COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre ngunit giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pa ring lumabas ng bahay para mamasyal ang mga menor de edad dahil hindi pa sila bakunado laban sa COVID-19.

Aniya, maaari lamang lumabas ang mga bata kung ito ay para sa pangunahing pangangailangan at outdoor exercise.

“Para sa menor edad, bawal pa rin po ang gala ng mga kabataan except po for outdoor exercises, individual outdoor exercises,” ani Roque.

Sa ilalim ng Alert Level 3, mas maraming establisimiyento ang pinapayagang mag-operate sa limitadong kapasidad.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na payagan ang pagbiyahe ng mga bata pero dapat ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, alinsunod sa panuntunan ng lokal na pamahalaan.

Dapat rin ay may kinalaman sa basic necessities ang lakad at dapat ay nakasunod sa public health protocols.

“Ang pagbiyahe sa interzonal sa kalakhang Maynila ay pinapayagan at pwedeng lagyan ng rasonableng restrictions ng mga local government unit,” ani Abalos.

“Ang kondisyon po na napagkasunduan ng mga alkalde, ay ang mga menor de edad ay pwedeng bumiyahe provided kasama sila ng kanilang mga magulang or ng isang adult na guardian, maski hindi po bakunado,” dagdag pa niya.

Maaari ding pumunta sa mga mall ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o guardian kung magpapa-check up o kaya ay mag-a-avail ng mga pangunahing serbisyo o pangangailangan.

Quezon City allows minors to visit Quezon Memorial Circle

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

Minors aged 17 and below are now allowed to go to Quezon Memorial Circle, the Quezon City government said.

In an advisory, the city government said that minors will now be allowed to take a stroll in the park provided that they are accompanied by their parent or guardian at all times.

It, however, said that the park will only accommodate up to 30 percent of its capacity.

The Metro Manila Council (MMC) earlier said that the intrazonal and interzonal travel of minors is now allowed as long as they are accompanied by adults.

The easing of travel restrictions for minors follows the government’s move to place Metro Manila under COVID-19 Alert Level 3 from October 16 to 31.

Under Alert Level 3, more establishments have been allowed to resume operations at 30 percent capacity for fully vaccinated individuals, and 50 percent outdoor capacity, provided that all employees are fully vaccinated against COVID-19.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.