Mga doktor, importer at distributor ng ‘di rehistradong bakuna o gamot maaaring maharap sa parusa — FDA

Robie de Guzman   •   July 14, 2021   •   366

MANILA, Philippines — Walang anumang pananagutan sa batas ang isang indibidwal na naka-inom o nabigyan ng hindi rehistradong gamot at bakuna, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni FDA director-general Eric Domingo na tanging ang mga doktor na nagbakuna o nagreseta ng gamot ang maaaring maharap sa reklamo alinsunod sa batas.

“Sa atin po kasing batas, wala pong pananagutan ang mga nakabili ng mga counterfeit na gamot, mga substandard na gamit or nakainom nito, nainiksyunan nito. Sa FDA po, ang meron pong kinakasuhan natin iyong nagbebenta ng unregistered, illegal, falsified, or mga poor quality drugs,” ani Domingo.

Ginawa ng FDA ang pahayag kasunod ng umano’y pagpapaturok ng tig-dalawang dose ng magkaibang brand ng bakuna si San Juan City Representative Ronaldo Zamora.

Una nang sinabi ni Zamora na nagpabakuna ito ng dalawang dose ng Sinopharm at dalawang dose ng Pfizer noong Disyembre.

Bagamat maituturing itong iligal dahil wala pang emergency use authorization mula sa FDA noon ang Sinopharm, ang medical professional na nagbigay o nagturok ng bakuna ang may malaking responsibilidad dito batay sa isinasaad ng batas.

“Ang doctor ay bawal magreseta, mag-ineksyon o magbigay ng gamot na hindi po rehistrado sa FDA. Pagkatapos iyong importer at distributor ay mayroon din pong kaso iyon dahil bawal din po magpasok at magbenta ng gamot na hindi rehistrado,” ani Domingo.

Ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, handa si Cong Zamora na makipagtulungan sa imbestigasyon.

“I’m sure my father will be more than willing to cooperate,” ani Zamora.

“Ako po sa totoo lang nagulat din sa ikinwento niya because as far as I know ang bakunang nakuha niya lamang ay yung dalawang dose ng Pfizer mula sa San Juan. Kaya noong sinabi niya na nakapag-Sinopharm na siya previously, sa totoo lang, nag-aalala ako because as a son, I don’t know if that will affect my father’s health,” dagdag pa niya.

Samantala, muli namang nagpaalala ang Department of Health sa publiko na dalawang dose ng mga aprubadong bakuna at single-dose ng Johnson & Johnson vaccine lamang ang ginagamit sa Pilipinas.

Dapat ring sumunod ang publiko sa vaccination protocol na ipinatutupad ng pamahalaan upang masegurong magiging patas ito at ligtas para sa lahat. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Pagbabakuna sa mga edad 11 pababa posibleng simulan bago matapos ang 2021 – FDA

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Food and Drug Administration (FDA) na malaki ang tiyansang masimulan na rin ngayong taon ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang may edad 11 at pababa.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, dalawang vaccine manufacturers na ang nag-aasikaso sa ngayon ng requirements para maaprubahan ang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang mga bakuna para sa nakababatang populasyon.

“I would think before end of the year. I am pretty sure Pfizer is going to be ready. The Sinovac also told us that their data is being collated and it will be submitted soon,” ani Domingo.

“I believe before the end of the year, we are going to have vaccines for children below 12,” dagdag pa niya.

Sakaling makumpleto ng vaccine manufacturers ang requirements para ma-amyendahan ang dosing regimen ng kanilang mga bakuna ay maaaring mabigyan na ng bakuna ang mga batang may edad lima hanggang 11 bago pa pumasok ang 2022.

“By Pfizer, I hope that they will be sending in their application for an EUA very soon. Nagtanong na sila eh, they have already asked for the list of requirements and they told us that they will be completing the requirements,” ani Domingo.

“It is like a new EUA kasi may bagong innovation doon sa product,” dagdag pa niya.

“Ang Sinovac rin hinihintay pa ulit namin na mag-submit ng EUA nila for children below 18 years old. They just want to complete some more data to give to our vaccine experts and we hope to get that soon,” ang wika ni Domingo.

Ang pagbabakuna sa 5-11 age group ay sinimulan na sa mga bansang Amerika at Israel upang upang mabigyan ng proteksyon kontra COVID-19 ang mga bata dahil sa banta ng mababagsik na coronavirus variants gaya ng Delta.

Lumabas din sa mga pag- aaral ng mga eksperto na sampung beses na mas may tiyansang mahawa sa COVID-19 ang mga batang 12 taong gulang at pababa.

Sa ngayon, ang mga batang may edad 12 hanggang 17 pa lamang ang binabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

COVID-19 pill molnupiravir, maaaring ireseta basta’t may compassionate special permit – FDA

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – Maaari nang mag-reseta ng COVID-19 pill na molnupiravir ang mga ospital at doktor na nabigyan ng compassionate special permit.

Ginawa ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo ang pahayag matapos sabihin ni Vice President Leni Robredo na may supply na sila ng molnupiravir na maaaring ireseta sa mga kokonsulta sa Bayanihan E-Konsulta program ng kanyang tanggapan.

Ang gamot na molnupiravir ay isang oral pill para sa treatment ng mild to moderate cases ng COVID-19.

Ani Domingo, ang mga doktor at ospital na nabigyan ng compassionate special permit ang may obligasyong mag-monitor sa mga pasyenteng bibigyan ng oral antiviral pill.

Sa isang Facebook post noong Lunes, sinabi ni Robredo na may kasunduan na ang Office of the Vice President (OVP) sa Qualimed Health Network na siyang magus-supply at magre-reseta ng molnupiravir sa mga pasyenteng dudulog sa kanilang teleconsultation program.

“In the agreement, the OVP will issue a guarantee letter under our special medical assistance program to any qualified patient referred by our volunteer doctors at Bayanihan E-Konsulta. QualiMed facilties will then further assess and prescribe the medicine to the patient,” ani Robredo.

Inihayag rin ni Robredo na ang unang shipment ng nasabing gamot ay dumating sa bansa noong Nobyembre 17.

Sa isang Twitter post naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinabi niyang may 40,000 capsules ng molnupirarvir ang nasa anim na district hospitals at COVID-19 field hospitals ng Maynila.

Sa datos ng mga ekspertong nagsagawa ng clinical trials sa iba’t ibang bansa, kabilang ang dalawang ospital sa Pilipinas, sinasabing mabisa ang molnunpiravir para maiwasang maopsital at masawi ang isang pasyenteng may COVID-19.

Kumpara sa ibang COVID-19 investigational drugs, ang molnupiravir ay idinesenyo para sa early treatment ng mga pasyente.

Ngunit paalala ng FDA, hindi pa maaaring ibenta sa merkado ang naturang gamot dahil wala pa itong certificate of product registration.

Una nang sinabi ng ahensiya na hindi maaaring ipagbili ang mga gamot o bakuna na wala pang emergency use authorization at hindi pa rehistrado sa bansa. (Mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

LIST: Conditions of immunocompromised persons eligible for COVID-19 booster shots

Robie de Guzman   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) on Friday released a list of conditions for immunocompromised individuals that will qualify them for an additional dose of COVID-19 vaccine.

Immunocompromised persons with the following conditions are eligible for a booster shot:

  • Autoimmune disease
  • HIV
  • Cancer/Malignancy
  • Transplant patients
  • Undergoing steroid treatment
  • Patients with poor prognosis/ bed-ridden patients

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said the DOH met with experts on COVID-19 vaccine to discuss and prepare the guidelines for the administration of booster shots for immunocompromised individuals (A3) and senior citizens (A2).

“Gagawin lang po namin ang guidelines and we will be announcing through our National Vaccine Operations Cluster kung kailan po maguumpisa ang pagbabakuna ng booster or 3rd doses para sa ating mga nakakatanda or A2 and those individuals with immunocompromised states,” Vergeire said.

The Philippine government started administering booster shots for fully vaccinated healthcare workers this week.

“There were already 2,488 booster doses administered last Nov. 17 among our healthcare workers. Meron ho tayong kaunti na nagkaroon ng reaction, it’s about 2 percent of all of these,” she said.

“Lahat po ay na-manage accordingly and they were all sent home na they were well. Wala tayong serious na adverse events na naitala para dito sa mga naka-received na ng booster doses,” she added.

Vergeire said that most of the adverse events reported were mild such as headache, elevated blood pressure, fever, and pain on the injection site.

She stressed that healthcare workers are not required to get an additional vaccine dose.

Vergeire also reminded the public that the booster dosing is not yet recommended for the general public, adding that its implementation to other priority groups will be done in phases.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.