Meralco, pinagpapaliwanag ng ERC sa pagtaas ng singil sa kuryente sa gitna ng quarantine

Robie de Guzman   •   May 20, 2020   •   705

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa isyu ng umano’y biglaang pagtaas ng singil sa kuryente sa gitna ng community quarantine.

Sa panayam sa UNTV Program na Get It Straight with Daniel Razon, sinabi ni ERC Commissioner Agnes Devanadera na pinadalhan na nila ng sulat ang Meralco dahil sa sari-saring reklamo sa umano’y kwestiyonable nitong mga singil sa kasalukuyang electricity bill.

Ayon kay Devanadera, dapat na maging patas at makatwiran ang Meralco sa paniningil nito sa consumers batay sa rules ng ERC.

Aniya, bahagi ng protocol nila ang pagpapadala ng advisory kapag may natanggap silang reklamo laban sa serbisyo ng Meralco at iba pang power firms.

Ngunit iginiit ng opisyal na imbestigasyon na ang kanilang isasagawa hinggil sa mga alegasyong maling komputasyon sa singil ng power distributor.

Sinabi rin ni Devanadera na kung talagang may kuwestyon sa billing ng Meralco ay huwag na lang munang magbayad ang mga consumer.

“If there is a mistake, defer (the payment)… Kaya naman sinabi ko investigation na ang ginagawa namin hindi na basta advisory lang,” sabi ng ERC commissioner.

Aniya, hindi naman mapuputulan ng serbisyo sa kuryente ang mga hindi makakapagbayad ng kanilang bill ngayon dahil suspindido ang disconnection sa gitna ng quarantine alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ginawa ni Devanadera ang pahayag bilang tugon sa panawagan ng grupong Samahan ng Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance na suspindihin muna ang koleksyon ng Meralco habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon sa pinuno ng grupo na si Neri Colmenares, ito ay upang mabawasan ang nararanasang hirap ng mga consumer sa gitna ng quarantine.

Iminungkahi rin niya na i-condone muna ang isang buwang singil ng Meralco.

“Hindi dapat singilin muna ang mga bills na ito, kasi hirap ang tao ngayon dadagdagan mo pa ang problema nya. Tapos what if in the end pala overcharged yun? Ang hirap mag-refund sa Meralco ah hindi ganun kadali yun,” ani Colmenares.

Sa parehong panayam sa program, iminungkahi rin ni Bagong Henerasyon Party-list Bernadette Herrera-Dy na palawigin pa ng ilang buwan ang itinakdang grace period sa pagbabayad ng utility bills kahit matapos na ang community quarantine.

Paliwanag ni Herrera-Dy, ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga consumer na makabawi at kumita muna ng pera na ipambabayad sa mga bayarin.

“Kasi hindi mo naman ineexpect na may pera kaagad ang tao pagbalik eh, syempre kailangan magtrabaho muna yan bago sya makaipon ng pampabayad sa Meralco,” ani ng mambabatas.

Tiniyak naman ni Devanadera na ramdam at dinig ng ERC ang hinaing ng publiko dahil maging siya, bilang isang power consumer, ay apektado rin sa isyu.

Sinabi rin ng opisyal na pag-aaralan nilang maigi ang mga suhestyon at reklamo sa gagawing imbestigasyon.

“Itong lahat ng ito masusi ang ginagawang pagsusuri ng ERC,” pagtitiyak niya.

Ayon kay Devanadera, sa Biyernes, Mayo 22 ang itinakda nilang deadline sa Meralco para magsumite ng mga dokumento bago pormal na simulan ang imbestigasyon. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

Singil sa kuryente, bababa ngayong Hulyo — Meralco

Marje Pelayo   •   July 10, 2020

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng adjustment sa singil ng kuryente ngayong Hulyo ang Meralco. 

Ayon sa kumpanya, asahan ang pagbaba ng electricity bill ng P0.0286 per kilowatt-hour (kWh).

Ibig sabihin, ang mga customer na may konsumong 200kWh ngayong buwan ay makatitipid ng P5.72 sa kanilang bill.

Makatitipid naman ng P8.58 ang may konsumong 300kWh;  P11.40 sa may konsumong 400kWh; at P14.30 naman sa may konsumong 500kWh.

Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng kanilang singil ay bunsod ng mababang generation charge. 

Samantala, paalala naman nito sa mga customer na nais mag-refund ng mga overpayment na siguraduhing dala ang proof of payment nang binayarang bill; isang government-issued ID; at authorization letter kung nakapangalan sa ibang tao ang electricity bill. 

Magpapadala rin ang Meralco ng sulat sa mga kliyente nito na magpapaliwag ng detalye kung sino-sino ang maaring makakuha ng refund at ang proseso sa pagkuha nito. 

Muli namang tiniyak ng Meralco na hindi sila magpuputol ng kuryente hanggang sa buwan ng Setyembre. MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

TAGS   

Refund sa sobrang singil ng Meralco bill noong ECQ, nagsimula na

Robie de Guzman   •   July 9, 2020

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbibigay ng refund sa mga customer na siningil at nagbayad ng kanilang mga bill noong Abril at Mayo kung kailan ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Kailangan lamang dalhin ng mag-aavail ng refund ang proof of payment ng bill, at government-issued identification card, lakip ng authorization letter kung naka-pangalan sa ibang tao ang linya ng kuryente.

Ayon kay Jeff Cochon, ang Business Center Manager ng Meralco Commonwealth Branch, may naka-hiwalay na linya para sa mga kukuha ng refund upang mas mapabilis ang proseso.

“Kung mayroong dumarating na customers ng Meralco para mag-refund, agad-agad pwede sila pumunta doon sa counter na ‘yon sa dulo. At agad-agad, aasikasuhin siya n’ong ating customer care reps,” dagdag pa niya.

Ngunit paglilinaw ng power distributor, hindi lahat ng kanilang kliyente ang sakop ng refund kaya magpapadala sila ng liham sa mga customer para sa detalye at proseso ng refund at kung sinu-sino lang ang maaaring makakuha nito.

Paalala rin ng kumpanya, may ipinaiiral silang installment scheme na maaaring gamitin ng mga konsyumer upang hindi naman sila labis na mabigatan sa pagbabayad ng kanilang bill sa kuryente.

“For those consuming 200 kilowatt hours and below based on their February 2020 bill, their installment scheme will be 6 months, spread out through 6 months,” ani Marco Mañalac, ang media relations officer ng Meralco.

“For those who are consuming 201 kilowatt hours and above based on their February 2020 bill, y’ong installment scheme naman nila is spread out through 4 months,” dagdag pa niya.

Muli ring tiniyak ng power firm na hindi ito magpapatupad ng disconnection operation hanggang sa buwan ng Setyembre. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Meralco apologizes for ‘bill shock’; to explain bill computation

Aileen Cerrudo   •   July 6, 2020

Meralco will send personalized letters to their customers explaining the estimated and actual bill consumption after hundreds of reports were filed due to confusion over Meralco’s bill computation.

“I think it is our obligation and responsibility to educate and inform our customers on how their bill is properly computed,” according to Meralco First Vice President and Head, Customer Retail Services and Corporate Communications Victor Genuino.

The Energy Regulatory Commission (ERC) received around 47,000 complaints from individuals regarding their electric bill while Meralco received over a hundred complaints.

The ERC said Meralco was not able to abide by their directive that the estimated and actual reading should be properly stated in the electric bill. There should also be a separate bill for the computation of the monthly installment.

Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian also questioned Meralco’s computation of their customers’ electric bill.

“Pinatong niyo na lang doon sa previous reading nang hindi naka-breakdown. So how did you find out kung adjusted na iyon? (You [Meralco] just added it to the previous reading without any breakdown. How did you find out if it was already adjusted?) You expect me to just blindly trust Meralco?” Gatchalian asked.

Meralco also said they will have additional call center agents to immediately cater to the concerns and complaints of their customers. The electric company also said their customers can refund their full payment if they wish to avail the monthly installment. AAC (with reports from Harlene Delgado)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.