Manila Bay rehab project, target tapusin sa ikatlong bahagi ng taon — DENR

Robie de Guzman   •   April 14, 2021   •   679

MANILA, Philippines — Muling naglalagay ng crushed dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang bahagi ng isinasagawa nitong nourishment o rehabilitation project sa lugar.

Ayon sa DENR, bahagi ito ng P28 milyon sa P389 milyong kabuuang halaga ng proyekto na layong pagandahin at pangalagaan ang lugar upang maiwasan ang coastal flooding at erosion.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ang pondong ginamit sa proyektong ito ay bahagi pa rin ng 2019 national budget.

Ang kontrata nito ay naaprubahan bago pa man nagsimula ang coronavirus pandemic at nabinbin lang ang pagpapatupad dahil sa kinakaharap na krisis.

Sinabi ni Leones na target nilang matapos ang Manila Bay nourishment project sa ikatlong bahagi ng 2021.

Sinisilip ng mga kritiko ang timing ng proyekto lalo’t nahaharap pa sa pandemiya ang Pilipinas at marami ang nangangailangan ng ayuda.

Ngunit giit ng DENR, hindi maaaring basta na lamang suspindihin ang isang government project sa ilalim ng contractual obligation.

Ayon naman kay Attorney George Erwin Garcia, ang College of Law Dean ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, maaaring i-justify ng gobyerno ang pagpapahinto sa isang proyekto lalo na at nasa ilalim ng krisis sa kalusugan ang bansa.

“Because we are in a national emergency, pandemiya ito, madaling i-justify at pwedeng ma-justify yung pagpapatigil ng isang proyekto at para yan ay maging tinatawag na savings,” ang pahayag ni Garcia.

“Lahat ng kontrata, nakadepende sa mga pangyayari especially kung may tinatawag na supervening events na hindi naman na-predict ng mga partido sa kontrata,” dagdag pa niya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Malakanyang kaugnay ng pagpapatuloy ng proyekto. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Dolomite beach reopens to public with new regulations

Maris Federez   •   December 28, 2021

 

MANILA, Philippines — The Department of Environment and Natural Resources (DENR) on Tuesday (December 28) opened the Dolomite Beach anew with new regulations set up for visitors.

The DENR said the dolomite beach will be open for two days to test if and how the public will adhere to the said new regulations.

Upon entry to the beach, a public announcement will be heard reminding people to observe social distancing and to wear face shields and face masks.

The number of visitors allowed on the beach is limited to 300, and they can only stay for only an hour.

“We have to be very safe in maintaining yung security, and of course yung kapakanan ng ating mga kababayan, that’s why we limit it to 300. Nakikita natin so far yun ang ideal na makokontrol tapos mamaintain yung social distancing and all this reqiurements sa protocols natin will properly observed,” said Reuel Surilla OIC-Director, Dolomite Beach.

Visitors must first register by scanning the QR Code posted on the DENR Facebook page. On-site registration is also available.

Registration is required to control the number of visitors. This will also serve as a reference for contact tracing.

Only fully vaccinated individuals will be allowed to enter the said tourist destination.

Children 11 years old and below will not be allowed entry; while children aged 12 to 17 will be allowed entry as long as they are fully vaccinated.

Bringing in food and pets, smoking and swimming is not allowed.

The DENR said the two-day temporary operation of Dolomite Beach will serve as a basis for whether the planned full operation of the beach will be pushed through on January 4, 2022.

“Tingnan natin kung ano mga assesment natin for the last two days of the year and we will make some adjustments and open by January 4th,” Surilla said. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent JP Nuñez)

Manila Bay dolomite beach, sa Disyembre na muling bubuksan sa publiko – DENR

Robie de Guzman   •   November 3, 2021

MANILA, Philippines – Hindi muna bubuksan sa publiko ang Manila Bay dolomite beach habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa kabuuan ng baywalk.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kailangan munang matapos ang rehabilitasyon sa man-made beach bago ito muling buksan sa publiko.

Paliwanag ni DENR Undersecretary Jonas Leones, layunin ng pansamantalang pagsasara ng lugar na bigyang-daan ang phase 2 ng rehabilitasyon sa buong Manila Bay dolomite beach na target makumpleto bago matapos ang taon.

Iginiit rin ng DENR na pansamantala lang naman talaga ang pagbubukas ng lugar lalo’t hindi pa rin natatapos ang paglilinis rito dahil sa pandemya.

Ayon kay Leones, manggagaling pa rin sa Cebu ang dolomite sand na itatambak sa bahagi ng Manila Bay sa ilalim ng kontrata ng Department of Public Works and Highways.

“Ang dolomite resources kasi, mga dolomite rocks, di naman siya available sa other regions at pinagkukuhanan po natin, sinisiguro po natin yung pinagkukuhanan natin ay legitimate sources na may permit po sa ating pamahalaan,” ani Leones.

Tiniyak rin ng DENR na tututukan nito ang paglilinis sa tubig sa Manila Bay upang maging ligtas itong languyan ng mga tao.

Isasaayos rin ang drainage system sa Maynila kung saan planong i-divert ang mga drainage sa sewage treatment plant sa lugar.

Plano rin ng DENR na resolbahin ang problema sa mga basurang naaanod mula sa mga karatig-probinsiya ng Cavite, Laguna, at Pampanga.

Manila Bay office exec relieved from post over dolomite beach overcrowding

Robie de Guzman   •   October 27, 2021

MANILA, Philippines ­– The ground commander assigned to oversee the Manila Bay dolomite beach has been relieved from his post over last weekend’s overcrowding incident.

Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu announced that he has removed Manila Bay Coordinating Office deputy executive director Jacob Miemban Jr. from his post.

Cimatu said he ordered Miemban’s relief amid the investigation on the overcrowding incident in the dolomite beach.

“We’re not making him a sacrificial lamb. He already said that being the commander, he takes full responsibility for what happened,” Cimatu said.

“While appreciating the gesture of that, kailangan imbestigahan pa rin naman yung nangyari,” he added.

Retired General Ruel Sorilla, who serves as officer-in-charge and director of DENR’s Environmental Law Enforcement and Protection Service, will take over Miemban’s post.

Cimatu said Sorilla has been tasked to strictly implement health protocols in the area that has attracted droves of visitors.

The DENR earlier said it has improved its protocols in admitting visitors to the dolomite beach to prevent the occurrence of similar incident.

It is also eyeing to temporarily close the man-made beach from Oct. 29 to Nov. 3.

The dolomite beach was reopened to the public last Oct. 16 when Metro Manila shifted to COVID-19 Alert Level 3 from Level 4 amid decreasing coronavirus cases.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.