Malaking porsyento ng mga Pilipino, naniniwalang hindi kailangang amyendahan ang konstitusyon – Pulse Asia survey

admin   •   October 3, 2014   •   2446

PCOO Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Malaking porsyento sa mga Pilipino ang nakakaalam na may panukala ngayon na amyendahan ang 1987 Constitution, partikular na ang panukalang i-lift ang single term limit ng pangulo ng bansa at pagamyenda sa economic provisions ng konstitusyon.

Batay sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia, mula sa 1,200 respondents, 61% ng mga Pilipino ang nakakaalam na may ganitong mga panukala samantalang ang 39% ay nalaman lamang na may ganitong impormasyon dahil sa survey.

Dagdag pa nito sa September 2014 Ulat ng Bayan survey, lima lamang sa sampung mga Pilipino ang may kaalaman pagdating sa nilalaman ng 1987 constitution.

Gayunpaman, 62% ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi kailangang amyendahan ngayon ang konstitusyon.

Hindi rin pabor ang malaking porysento ng mga respondent na payagang muling makatakbo sa halalan pangpanguluhan ang isang on going president.

Hindi naman ito ikinagulat ng Malakanyang.

“Ang mahalaga po kasi sa ating administrasyon ay patuloy na pagpupulso sa mga mamamayan at ang kanilang saloobin kaya’t hindi maaaring ikagulat o ikabahala lahat ng mga klaseng feedback na matatanggap,” pahayag ni PCOO Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr.

Batay rin sa survey, lumalamang ang porsyento ng mga Filipino respondent na hindi sangayon na limitahan ang review power ng Korte Suprema sa mga nagiging desisyon ng executive na umabot sa 62%.

Maging ang panukalang pagamyenda sa foreign ownership na isa sa nilalaman ng economic provision ng konstitusyon ay hindi rin pinaboran ng malaking bilang ng mga Pilipino.

Naniniwala naman ang ilang kongresista na nagpapatunay lamang ito na walang interes ang mga Pilipino na baguhin ang konstitusyon.

“Ang may interes lang talaga dyan hindi yung taong bayan kundi yung mga mayaman saka nasa poder,” pahayag ni ACT Teacher Rep. Antonio Tinio.

Samantala, sa oath taking ceremony ng Union of Local Authorities of the Philippines kahapon ng umaga sa Malakanyang, Huwebes, nagpaalala si Pangulong Aquino sa mga lokal na opisyal na ang layunin ay manatili sa pwesto.

Aniya, “Lahat po tayo rito, binigyan ng mandato ng taumbayan para pagsilbihan sila. Tayo naman, bilang mga pinuno, ay nangakong magdudulot ng pagbabago. Pero kung ang pakay mo lang ay ang manatili sa kapangyarihan, magpakulong sa siklo ng KBL, at panatilihin ang sitwasyon na dinatnan mo, ‘di ba’t parang nakikipagpalitan ka lang ng puwesto sa musical chairs.”

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring inihahayag na malinaw na posisyon si Pangulong Aquino pagdating sa usapin ng pagamyenda sa konstitusyon maging sa isyu ng term extension.

Gayunpaman, patuloy na sinasabi ng Malakanyang na kailangang maipagpatuloy ang mga nasimulan nang reporma ng administrasyong Aquino kahit na matapos na ang termino ng pangulo sa 2016. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

BuCor controversy seen as reason for decrease in Duterte’s trust, approval ratings – Pulse Asia

Maris Federez   •   October 8, 2019

The latest Pulse Asia Research Inc. survey showed a 7-point decrease in President Rodrigo Duterte’s approval rating.

According to Pulse Asia, the reasons offered by the respondents in giving an approval or disapproval rating to a certain government official vary, and that the decrease in the President’s trust rating doesn’t necessarily mean that the public distrust on him has increased.

“Ang tumaas iyong indecision. Hindi sila makapagsabi kung sila ay nagtitiwala o hindi nagtitiwala,” said Ana Marie Tabunda, Pulse Asia’s Research Director.

“Maaaring iba iba iyong kanilang dahilan pero siguro malaki iyong kanilang epekto nitong mga balita tungkol sa nangyari sa Bureau of Corrections,” she added.

This is not the first time that a significant drop in the Filipinos’ trust rating on the President happened.

According to Pulse Asia, the Chief Executive experienced a drop in his performance rating in September 2018 when the country was facing inflation problems and inadequate rice supply.

The President, nevertheless, was able to recover from the slump and restored the public’s confidence in him in the succeeding months.

Tabunda also stressed that, compared to previous administrations, the president was able to sustain his high approval and trust ratings for a long time.

“Iyong kay President Estrada noong simula mataas din. Iyong kay President Aquino noong simula mataas din pero ano eh syempre pag dumadaan ang issues lahat nilalagay sa paanan ng Malacañang. Sa pintuan ng Malacañang so bumababa yan. Pero si Presidente Duterte ang pinakamatagal na ganito kataas,” Tabunda said.

Pulse Asia considers this result as an indication that the President is still enjoying a honeymoon period with the public even though he is already in the middle of his term.

“Hanggang ngayon honeymoon, kung sakali, in the sense na hanggang ngayon hindi pa siya bumababa. Ang lowest na trust niya 70. Line of 7. Ang lowest approval niya 75. Mataas iyan,” Tabunda added.

Meanwhile, Vice President Leni Robredo also had a 5-point decrease in her trust rating.

Pulse Asia, however, clarified that such was not a significant drop.

Other high-ranking government officials, such as Senate President Tito Sotto, House Speaker Alan Cayetano, and Chief Justice Lucas Bersamin, have maintained a high trust rating. (from the report of Mai Bermudez) /mbmf

Duterte still most trusted PH official despite dip in trust, approval ratings – Pulse Asia

Robie de Guzman   •   October 7, 2019

President Rodrigo Roa Duterte raises his fist while delivering his speech upon his arrival at the Francisco Bangoy International Airport in Davao City on October 6, 2019 following his successful official visit to the Russian Federation. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte is still the most trusted official in the Philippine government despite a dip in his approval and trust ratings in the latest survey released by Pulse Asia on Monday (Oct. 7).

The survey revealed Duterte received a 78 percent approval rating in September, down by seven percent from his June 2019 rating.

His trust rating also declined to 74 percent from 85 percent in June.

Malacañang, however, said the drop in Duterte’s ratings is not a cause for concern, noting that it usually fluctuates depending on issues and time when it was taken.

“The ratings still high, more than 70%. The survey fluctuates depending on when they get them. If it is taken at a time when there are controversies hounding, it may affect the survey,” Presidential Spokesperson Salvador Panelo said.

Meanwhile, Vice President Leni Robredo’s ratings also declined, receiving a 50 percent approval rating and 46 percent trust rating in the recent Pulse Asia survey.

Robredo’s ratings dropped by five and six percentage points, respectively compared to her ratings in June.

Senate President Vicente Sotto III got 72 percent approval and 66 percent trust rating while House Speaker Alan Peter Cayetano got 64 percent approval and 62 percent trust rating.

Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, meanwhile, got a 42 percent approval rating and 34 percent trust rating.

Pulse Asia said the poll was conducted from Sept. 16 to 22 with 1,200 respondents aged 18 years old and above when issues hounding the National Bilibid Prison, Bureau of Corrections, including the good conduct time allowance mess, and the Philippine National Police dominated news headlines.

It has a ± 2.8% error margin at the 95% confidence level. 

Those interested in further technical details may refer to Pulse Asia’s website (www.pulseasia.ph)RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

9 of 10 Filipinos favor automated election system — Pulse Asia

Maris Federez   •   August 7, 2019

Majority of the Filipinos still favor continuing the holding of elections through an automated system in the future.

Based on Pulse Asia’s recent survey conducted last June, nine of 10 or 91% of Filipinos would still prefer having the elections done electronically.

They said an automated election system is faster and the results are immediately released.

“They feel that faster results made the Elections more credible and then it’s also easier compared to let’s say how we use to vote where you have to write the surname of the candidate,” Pulse Asia president Dr. Ronnie Holmes said.

An election watchdog, however, said that since election results were difficult to manipulate under the AES, reports of vote-buying increased.

“Vote buying became more rampant after we automated our Elections because candidates, politicians did not know how to cheat the machines,” said LENTE executive director Atty. Ona Carritos.

The Commission on Elections (Comelec) believes that President Rodrigo Duterte still trusts the automated election system despite his earlier pronouncement in his State of the Nation Address (SONA) favoring the termination of the contract with Smartmatic. (with details from Aiko Miguel) /mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.