Malaking bilang ng health care worker hindi pa nakatatanggap ng SRA

Aileen Cerrudo   •   September 1, 2021   •   261

Nasa 1,000 mga healthcare worker (HCW) pa lamang ang nakatatanggap ng kanilang special risk allowance (SRA).

Ito ay mula sa 20,000 mga manggagawang ayon sa Department of Health (DOH) ay kasama sa mabibigyan ng SRA sa inilabas nilang mahigit P300 million na pondo.

Hindi naman kasama rito ang mga HCW na ayon sa batas ay hindi pa kwalipikadong makatanggap ng SRA.

Bunsod nito, nagmartsa ang iba’t ibang grupo ng mga health care worker papunta sa tanggapan ng DOH.

Bitbit ng mga ito ang mga placard na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa bigong pagbibigay sa kanila ng kanilang mga benepisyo mula sa pamahalaan.

Ayon sa Alliance of Health Workers, bukod sa Maynila ay sabayan ding nagsagawa ng kilos protesta ang iba pang health care workers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nagpahayag naman ang Philippine Nurses Association Incorporated ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng social media.

Dapat anila ay ibigay ng pamahalaan ang mga naturang benepisyo na karapatan nila alinsunod sa Bayanihan Law.

“Marami sa aming members na nasa LGUs ay hindi pa rin talaga tumatanggap ng SRA. SRA pa lang ang pinag-uusapan. Ang iba pa, hindi pa rin nila natatanggap,” ayon kay Maristela Abenojar, National President, Filipino Nurses United.

Paliwanag naman ng palasyo, nagkaroon lang ng pagkaantala sa pamamahagi ng benepisyo.

“Ang ating tinatawag na Special Risk Allowance, iyan po ay nai-release na. Nagkaroon po ng kaunting delay dahil nga po sa pagsusumite ng mga pangalan sa mga hanay ng pribadong ospital,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr.

Ayon kay Roque na lahat ng iba pang benepisyo ay ibibigay din ng pamahalaan sa mga health worker batay na rin sa nasasaad sa batas.

Kabilang na rito ang mga meal, accommodation at transportation allowances at life insurance bagaman, ayon sa Presidential Spokesperson, kwestyon pa rin kung saan kukunin ang pondo sakaling magkaroon ng kakulangan.

Ayon naman sa Department of Budget and Management (DBM), dapat itong kunin sa budget ng DOH.

Ngunit sa laki at dami umano ng pondong kinakailangan para rito, kailangan pa itong dumaan sa clearance ng DBM.

“In the meantime, hina-highlight din namin sa doh saan nila pwedeng kuhanin iyon in the meantime. Ang requirement kasi for this purpose is something like P13 billion. so, medyo mahirap na i-accommodate iyan sa loob ng budget ng doh,” ayon kay DBM OIC Usec. Tina Rose Marie Canda.

Ayon sa mga grupo ng health care workers, hindi sila titigil sa pagpoprotesta hanggang sa makuha nila ang kanilang mga karampatang benepisyo mula sa pamahalaan.

PH posts 890 new COVID-19 cases; active infections down to 17K

Robie de Guzman   •   November 24, 2021

MANILA, Philippines – The Philippines on Wednesday recorded 890 new COVID-19 infections, data from the Department of Health (DOH) showed.

In its bulletin, the DOH said the latest figure brought the country’s total of recorded cases to 2,828,660.

Of the total caseload, 17,864 were active infections – 53.4% of which are mild, 21.39% are moderate, 4.8% are asymptomatic, 14.4% are severe, and 6.0% are in critical condition.

Meanwhile, total recoveries rose to 2,763,114 after 1,710 more patients recuperated from the viral disease.

The death toll climbed to 47,682 with 200 new fatalities.

The country’s positivity rate was at 2.5%, based on data gathered on November 22 from 32,254 tested individuals.

Two laboratories were not operational on November 22 while three others were not able to submit their data on time, the DOH said. The five labs contribute on average 1.5% of positive cases and 1.8% of samples tested.

Data from the DOH also indicated that 31% of intensive care unit (ICU) beds for COVID-19 patients nationwide are in use while 29% are utilized in Metro Manila.

Isolation beds nationwide are 28% occupied while 25% are in use in Metro Manila.

Hindi lahat ng A3 sector kasama sa tatanggap ng COVID-19 vaccine booster dose – DOH

Robie de Guzman   •   November 22, 2021

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na hindi pa lahat ng persons with co-morbidities (A3 sector) ang maaaring mabigyan ng COVID-19 vaccine booster shot.

Ginawa ng DOH ang paglilinaw sa pagsisimula ng rollout ng booster dose para sa senior citizens (A2) at A3 groups.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang makakasama lang sa booster dosing sa ngayon ay ang mga persons with co-morbidities na nasa immunocompromised state.

Ibig sabihin, ito ay ang mga nasa immunodeficiency state, people living with HIV, may active cancer o malignancy, transplant patients at mga pasyenteng sumasailalim sa immunosuppressive treatments.

Paliwanag ng DOH, ito pa lamang ang maaaring makatanggap sa ngayon ng vaccine boosters dahil sila ang higit na nangangailangan ng dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.

May posibilidad ring bumaba na ang bisa ng bakuna na natanggap nila ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa DOH, iaanunsiyo ng National Vaccine Operations Center kung kailan maaaring makatanggap ng karagdagang vaccine shots ang natitirang populasyon ng A3 sector.

Pinapayuhan ng ahensiya ang mga eligible nang tumanggap ng third at booster shots na makipag-ugnayan sa nakakasakop na local government units para sa schedule ng pagpapabakuna.

Paalala rin ng DOH na dalhin ang kanilang ang vaccination card bilang katunayan na sila ay fully vaccinated na at handang tumanggap ng kanilang third dose. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

LIST: Conditions of immunocompromised persons eligible for COVID-19 booster shots

Robie de Guzman   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) on Friday released a list of conditions for immunocompromised individuals that will qualify them for an additional dose of COVID-19 vaccine.

Immunocompromised persons with the following conditions are eligible for a booster shot:

  • Autoimmune disease
  • HIV
  • Cancer/Malignancy
  • Transplant patients
  • Undergoing steroid treatment
  • Patients with poor prognosis/ bed-ridden patients

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said the DOH met with experts on COVID-19 vaccine to discuss and prepare the guidelines for the administration of booster shots for immunocompromised individuals (A3) and senior citizens (A2).

“Gagawin lang po namin ang guidelines and we will be announcing through our National Vaccine Operations Cluster kung kailan po maguumpisa ang pagbabakuna ng booster or 3rd doses para sa ating mga nakakatanda or A2 and those individuals with immunocompromised states,” Vergeire said.

The Philippine government started administering booster shots for fully vaccinated healthcare workers this week.

“There were already 2,488 booster doses administered last Nov. 17 among our healthcare workers. Meron ho tayong kaunti na nagkaroon ng reaction, it’s about 2 percent of all of these,” she said.

“Lahat po ay na-manage accordingly and they were all sent home na they were well. Wala tayong serious na adverse events na naitala para dito sa mga naka-received na ng booster doses,” she added.

Vergeire said that most of the adverse events reported were mild such as headache, elevated blood pressure, fever, and pain on the injection site.

She stressed that healthcare workers are not required to get an additional vaccine dose.

Vergeire also reminded the public that the booster dosing is not yet recommended for the general public, adding that its implementation to other priority groups will be done in phases.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.