Malacañang respects ABS-CBN’s appeal to Supreme Court against NTC

Marje Pelayo   •   May 9, 2020   •   1228

MANILA, Philippines — Malacañang said it respects the ABS-CBN Corporation’s appeal to the Supreme Court (SC) against the National Telecommunications Commission (NTC).

Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque said it is the right of the network to seek legal remedies for its case.

“That’s their right. Let’s await the decision of the Court,” Roque said when asked about the petition filed by ABS-CBN which seeks for a temporary restraining order (TRO) against the cease and desist order issued by the NTC.

On the petition, the media network is questioning the NTC’s alleged “grave abuse of discretion” when it issued the order.

The NTC also allegedly violated the equal protection of the law and due process as well as the public’s right to information.

Meanwhile, law expert Atty. George Erwin Garcia believes such a legal remedy is the best way to resolve the shutdown order.

Through this, ABS-CBN can resume operation of its television and radio stations.

The TRO is more effective than a political remedy which is Congress’ approval of the ABS-CBN franchise renewal bill

Dahil ang issue ay legal, hindi siya factual issue, therefore, sa aking paniniwala, papasok ang discretion ng Kataas-taasang Hukuman. At dahil mayroong constitutional rights na involved, at dahil wala pa siyang interpretation before, then tama lamang, just to protect the rights and interest of everyone, na makapag-issue siya ng TRO,” he added.

(Because the issue here is legal and not a factual issue, therefore, I believe the Supreme Court’s discretion will come in. And since it involves constitutional rights and because the SC has no prior interpretation, it’s only right — to protect the rights and interest of everyone — for SC to issue a TRO). MNP (with inputs from Rosalie Coz),

Telcos at internet service providers, pinaghahanda para sa holiday online traffic surge

Robie de Guzman   •   December 22, 2021

MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company at internet service provider (ISP) sa bansa na palakasin pa ang kapasidad ng kanilang internet at broadband services.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng online traffic ngayong holiday season.

Ayon sa NTC, marami ang magsasagawa ng virtual gatherings ngayong Disyembre dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19. Inaasahan rin ang mataas na usage rate ng video call at conferencing na nangangailangan ng malakas at maaasahang internet connection.

Kaya dapat ay naka-alerto ang telcos at ISPs upang masegurong maayos ang serbisyo at maiwasan ang downtime.

“During the period from December 17, 2021 to January 07, 2022, please observe a heightened level of emergency preparedness to ensure minimal disruption and downtime strictly complying with the prescribed service performance standards at all times,” ayon sa NTC.

“You are hereby directed to fast track your maintenance efforts, increase internet/broadband capacities, and ensure that business continuity and disaster recovery protocols are in place and functioning, 24/7,” dagdag pa ng ahensiya.

Una nang hinimok ng Department of Health ang publiko na gawin na lamang online ang selebrasyon sa halip na magtipon ng pisikal ngayong panahon ng holiday upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Noong nakaraang taon, nagpalabas rin ng kahalintulad na kautusan ang NTC upang matiyak na matatag ang serbisyo na ibinibigay ng mga telco at ISP bunsod ng mataas na demand sa internet sa bansa.

NTC to telcos: Warn public against spam text messages

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – The National Telecommunications Commission (NTC) has ordered telcos to send a message to its subscribers, warning them about text scams that contain dubious job offers.

In a memorandum dated November 19, the NTC directed Globe Telecoms, Smart Communications, Dito Telecommunity, and Digitel Mobile Philippines to send a text blast containing the following message:

“BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalak ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam.”

The NTC said telcos have until December 14 to submit their compliance report on the latest directive.

The order comes after thousands of mobile users complained of receiving text messages or e-mails offering job opportunities.

Authorities have tagged this as a scam and advised public to report this to the NTC.

The National Privacy Commission (NPC) earlier said its initial probe showed that a global organized syndicate could be behind the proliferation of text scams.

The NPC said it has summoned data protection officers of local telcos, banks, and e-commerce platforms to discuss the scam text surge.

NTC, makikipag-ugnayan sa PNP at NBI para matunton ang nasa likod ng text scams

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang National Telecommunications (NTC) sa pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga nasa likod ng text scams.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamo ng ilang mobile subscribers ukol sa natatanggap nilang mga text messages mula sa mga ‘di kilalang phone numbers na nag-aalok ng trabaho, o kaya ay pautang.

Ayon sa NTC, maraming paraan para makuha ang phone number ng isang indibiduwal na pinapadalhan ng spam texts.

Kabilang na dito ang listahan ng mga number na nagpapaload sa mga tindahan at sa contact tracing system ng mga establisimyento.

Pero giit ni NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyong ito sa ibang tao at paggamit rito para sa text scams.

“We can coordinate perhaps with NBI at police para surveillance, ano, ma-determine sino yung mga yan—grupo ba sila or individual, et cetera, et cetera,” ani Cabarios.

Payo ng NTC sa publiko, huwag magbigay ng personal na impormasyon kung makakatanggap ng mga ganitong mensahe.

Maaari namang i-block ng NTC ang phone number ng mga gumagawa ng ganitong aktibidad kung hihilingin ng mga magrereklamo.

Kung makakatanggap ng text scams, maaari itong ireport sa NTC Central Office Consumer Welfare and Protection Division sa mga numerong (+63) (02) 8920-4464; (+63) (02) 8926-7722; at (+63) (02) 8921-3251.

Maaari ding magpadala ng mensahe sa e-mail address ng NTC na consumer@ntc.gov.ph. (Mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.