Currency
February 20, 2017, Mon, 11:58 PM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

Mahigit 300 RH Bill Advocates, Nagpiket sa Senado

by UNTV News   |   Tuesday, September 18th, 2012

Share
  • Facebook
  • Twitter
  • Google Plus
  • Tumblr
  • Reddit
  • Pinterest
  • Blogger
  • LinkedIn
  • Add to favorites
  • Email

Ang mga Pro-RH Bill na nag-rally sa harapang ng Senado ngayong araw ng Martes. (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Nagpiket sa tapat ng gusali ng Senado sa Pasay City ang mahigit 300 Reproductive Health bill advocates kaninang umaga.

Suot ang kulay-lilang damit, nanindigan ang mga ito na sapat na ang posisyon ng bansa sa RH bill kaya’t panahon nang pagbotohan ito sa plenaryo ng senado.

“Violet kasi women, ang tingin namin mas maagrabyado sila sa pag-walang panukalang batas ang kababaihan, mga anak nya at kababaihan,” pahayag ni Dr. Junice Melgar ng RH Advocacy Network.

Naging bahagi rin sa programa ang malalaking mukha nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III.

Ayon kay Dr. Melgar, ang dalawang senador ang pangunahing humaharang na maipasa ang kontrobersyal na panukala sa kongreso.

“Dito sa senate unfortunately sina Sotto at Enrile, ang sinasabi namin baka they find in their hearts, statesman naman sila ng bansa, allow the vote, and let’s respect it regardless what’s happen.”

Ayon pa sa Reproductive Health Advocacy Network, sapat na ang survey na nagpapakita na walo sa sampung Pilipino ang nagsasabing ang kababaihan at mag-asawa ay may karapatang pumili ng kanilang family planning method.

Una nang pinabulaanan nina Sotto at Enrile na dinedelay nila ang nasabing panukala.

Anila, dapat munang pag-aralang mabuti at idaan sa tamang proseso ang pagpasa sa RH bill.

Pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile, “Paano magkakaroon ng delaying tactics? We are working in accordance with the rules.”

“If delaying tactics are going to be used, then they will not have it on the floor,” pahayag naman ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III. (Bryan de Paz/Ruth Navales, UNTV News)

Share
  • Facebook
  • Twitter
  • Google Plus
  • Tumblr
  • Reddit
  • Pinterest
  • Blogger
  • LinkedIn
  • Add to favorites
  • Email

Tags: , , , , , ,

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.