Mahigit 21K na residente sa Baguio City, target na mabakunahan kada linggo

UNTV News   •   September 24, 2021   •   154

Tinaasan ng Baguio City local government ang bilang ng mga residenteng kailangang mabakunahan laban sa COVID-19 kada linggo.

Nais ni Mayor Benjamin Magalong na maabot na ang halos kabuuang bilang ng eligible population sa lungsod bago matapos ang taon.

Nasa 281,000 na residente ang kasama sa mga dapat mabakunahan upang maabot ang herd immunity sa siyudad, at 50% sa mga ito, ay target na mabakunahan ngayong weekend.

“Maganda naman ang rate natin. Actually we broke a record last week when we hit more than 30,000 doses in one week. This week, we’re hoping na ang ating vaccination, we will be able to hit 50% plus sa fully vaccinated this week. ‘Yun ang target namin this week,” ani Mayor Magalong.

Sa pinakabagong datos ng Baguio City Health Services Office, umaabot na sa 49.04% sa target population o 137,797 na residente na ang fully vaccinated.

Habang nasa 182,446 naman ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19.

Kaugnay nito, itinaas pa sa 21,000 ang target nilang mabakunahan kada linggo.

“We need to go beyond the 21,000 na threshold per week. Dapat lumampas tayo dun sa 21,000, so that by first week of December, looking at our forecast and our graph and our time and motion study, kailangan by first week of December ma-hit na natin ung 90-95%,” pahayag ni Magalong.

Ayon pa sa alkalde, hindi problema ang suplay ng bakuna sa siyudad, kaya’t patuloy na hinihikayat nito ang mga taga Baguio City na magpabakuna lalo na’t patuloy na tumataas ang naitatalang nahahawa ng COVID-19.

Maaring magparehistro online sa bakuna.baguio.gov.ph

Sa mga may kamag-anak naman na bedridden na at gustong magpabakuna, makipagunayan lamang sa inyong barangay health workers upang makakuha ng vaccination schedule o tumawag sa mga numerong 0927 358 7272 at 0930 970 0222.

Kasama ang Baguio City sa tatlong syudad sa bansa na isinailalim sa sa mas mahigpit na general community quarantine simula September 24 hanggang September 30, 2021. (Ulat mula kay Bradley Robuza)

 

House assures no delay in transmission of approved 2022 GAA to Senate

Maris Federez   •   October 15, 2021

MANILA, Philippines — The House of Representatives (HOR) targets to submit to the Senate the approved Php5.045-trillion General Appropriations Act (GAA) for 2022 on or before October 27.

House Speaker Lord Allan Velasco said this will give the Senate enough time to examine the government spending plan for next year.

The amendments made in the proposed budget are as follows:

  • 5 billion for the procurement of COVID-19 vaccines, medical assistance for poor families, and the special risk allowance for healthcare workers;
  • 5 billion for five new C130 planes;
  • Php 504 million allotted for the operation of four state universities in the Bangsamoro region;
  • Additional Php10 billion for the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program;
  • Php11 billion for the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program and livelihood program under the Department of Social Welfare and Development (DSWD) that will be used as an aid to families affected by COVID-19.
  • Php6 billion for service the service contracting program for public utility vehicle (PUV) drivers; and
  • Php3 billion for the national broadband program of the Department of Information and Communication Technology (DICT)

Velasco hopes that the bill will be submitted to Malacañang in December for President Rodrigo Duterte’s approval and signature.  —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Nel Maribojoc)

Pagpapalawig ng COVID-19 pediatric vaccination naka-depende sa resulta ng phase 1 – DOH

Robie de Guzman   •   October 15, 2021

MANILA, Philippines – Tatlumpung araw ang itatagal ng pilot implementation ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 12 hanggang 17 sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Health (DOH), phase 1 ng pediatric vaccination ang pagbabakuna sa mga batang may co-morbidity at prayoridad sa unang linggo ng implementasyon ang mga batang may medical record na sa participating hospitals, naka-admit man o outpatient.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa silang maibibigay na detalye ukol sa phase 2 ng pediatric vaccination dahil nakasalalay sa result ng unang phase ang desisyon kung palalawigin ito.

“Ito po ang pag-uusapan ano, lahat po ng succeeding phases will be dependent on what happens sa pilot implementation, this Phase 1,” ani Vergeire.

“Titingnan natin lahat ng operational issues and different important aspects na kailangan natin ikonsidera bago po tayo lumipat sa Phase 2. That’s the main reason why we do pilot para makita po natin how we can further improve our processes,” dagdag pa niya.

Ayon sa DOH, naka-abang rin sila sa magiging kalalabasan ng unang araw ng pagbabakuna, kasabay ng pagtitiyak na tututukan nilang maigi ang pagbabantay sa mga batang tinurukan ng bakuna.

“We still do not have that data right now. Unang-una wala po tayong national registry for this specific comorbidity of children. Meron ho tayong pailan-ilan in the bases for some of these comorbidities but it is not complete. What we are relying on right now, would be yung mga dadating sa ating mga ospital although meron ng pool of patients ang mga ito, na kanilang mga pasyente na talaga ng kanilang pediatricians doon sa hospitals that we have identified,” ani Vergeire.

“Maybe after one week, we can give you a rundown of how many children were vaccinated based on the number of patients that we have in that specific hospital,” dagdag pa niya.

Ngayong Biyernes sinimulan ng pamahalaan ang pilot pediatric vaccination saw along piling ospital sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ang Philippine Children’s Medical Center,
National Children’s Hospital, Philippine Heart Center,
Pasig City General Hospital,
 Fe Del Mundo Medical Center,
 Philippine General Hospital,
 Makati Medical Center at ang St. Luke’s Medical Center sa Taguig. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

 

PH rolls out first phase of COVID-19 vaccination for minors

Maris Federez   •   October 15, 2021

MANILA, Philippines — The first phase of the COVID-19 vaccination for children aged 12 to 17 started Friday in eight selected hospitals in the National Capital Region.

Among the selected hospitals is the Pasig City General Hospital (PCGH) where 90 children received the first dose of Pfizer COVID-19 vaccines.

The priority this week will be given to children who are current patients or already have medical records in the said hospital.

According to PCGH administrator Dr. Arlene Samonte, none of the children who were vaccinated experienced immediate adverse reactions.

She added that the hospital had carefully placed the children under pre-screening and assessment before administering the vaccine to them.

“We gave some initial counseling and education, the side effect, of course… para they will know what to expect also,” Samonte said. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Janice Ingente)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.