Mahigit 200 Pamilya sa Malabon, Inilikas Dahil sa Matinding Pagbaha

admin   •   August 1, 2012   •   11027

Ang mga kawani ng Philippine National Police sa paglilikas ng ating mga kababayan sa Malabon. (UNTV News)

 MALABON CITY, Philippines – Mahigit 200 pamilya ang inilikas sa lungsod ng Malabon dahil sa pag-apaw ng Malabon-Navotas River. Sa Kasalukuyan ay nasa mga evacuation centers ang mga naapektuhan ng pagbaha.

Aabot sa 12 barangay ang matinding naapektuhan ng pagbaha kabilang na ang Barangay Tenejeros, Longos, Dampalit, Potrero, Maysilo, Catmon, San Agustin, Tonsuya, Niugan, Ibaba, Concepcion at Barangay Tañong.

Patuloy naman ang paglilikas ng rescue team ng Malabon City sa mga residenteng nais lumikas dahil sa bahang umabot hanggang dibdib dahil sa pag-apaw ng ilog.

Ilang mga residente naman ang tumangging lumikas at piniling manatili sa kani-kanilang mga bahay bagama’t lubog na sa baha ang ilang mga bahay.

Kasabay nito, lubog din sa baha ang mga eskwelahan sa Malabon. Kapansin-pansin din na nagkalat ang mga basura sa lansangan na galing sa ilog. (Ito ang Balita ni Joshua Antonio/Ruth Navales, UNTV News)

2 patay, 1 nawawala sa flashflood sa isang falls sa Cebu

Robie de Guzman   •   September 28, 2021

Natagpuan na ang bangkay ng dalawa sa tatlong indibidwal na napaulat na nawawala sa pagragasa ng tubig sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu noong Linggo.

Ayon sa Catmon Police, natagpuan ang katawan ni Kenth Jude Monterola, 17, bandang alas-9 ng gabi habang ang bangkay naman ni Princess Alastra, 7, ay nakita noong Lunes ng alas-11 ng umaga.

Patuloy pang pinaghahanap ang isa sa mga biktima na kinilalang si Jacel Alastra, 32, at ina ni Princess.

Ang tatlo ay tinangay ng malakas na agos nang rumagasa ang tubig sa talon kung saan sila naliligo kasama ang iba pa nilang kasamahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, makulimlim na at may inaasahang pag-ulan sa lugar at maaari umanong unang bumuhos ang ulan sa itaas ng bundok at bumaba ang tubig papunta sa nasabing talon.

Babala naman ng mga otoridad sa publiko na mag-ingat sa pamamasyal at paliligo sa mga talon, ilog at mga kahalintulad na  pasyalan lalo na kung maulan ang panahon dahil sa posibilidad ng biglang pagragasa ng malakas na agos ng tubig.

Navotas City gets the highest audit rating from COA

Marje Pelayo   •   August 20, 2021

MANILA, Philippines —  The city of Navotas received the highest rating from state auditors, according to Mayor Toby Tiangco.

In his announcement on Thursday evening (August 19) on Twitter, the city Mayor attached a copy of the statement from the Commission on Audit (COA) on the audit findings for Navotas city.

“The Auditor rendered an unmodified opinion on the fairness of presentation of the financial statements of the City,” the statement said, signed by COA Regional Director IV Omar Roque.

Tiangco said it was the sixth time the city received such a rating from COA.

“Ito ang pinakamataas na audit rating na ibinibigay sa mga ahensya at tanggapan ng gobyerno. Sa buong Metro Manila, tayo lamang ang LGU na may ganitong record,” he said.

He added that the city managed to push through some of its important projects even under tight budget as it needed to shift its resources to COVID response.

“Hindi po naging madali ang nakalipas na taon dahil kinailangan nating ihinto ang ilan sa ating mga proyekto at programa para matugunan ang mga pangangailangan ng lungsod laban sa COVID-19,” he said.

“Pinilit nating mapag-abot ang maliit nating budget para matugunan ito at patuloy pa ring makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo,” he added.

The mayor vows to maintain the city’s high performance rating which he said he owes to the people of Navotas.

Fire hits three warehouses in Malabon

Aileen Cerrudo   •   June 8, 2020

A fire razed three warehouses in Malabon on Monday morning (June 8).

According to the Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), the fire began around 1: 45 a.m. and reached 4th alarm. Fire authorities have been putting out the fire for over 12 hours.

The fire began in one of the warehouses in Barangay Potrero and it spread to the two adjacent warehouses. According to Malabon BFP Chief Investigator SFO4 Rogerio Gayon, all the warehouses were filled with appliances.

“Marami siyang naka-store na mga kagaya noong mga TV. Kaya noong nasunog siya, iyong apoy, baka may nasa ilalim kaya kailangang halukayin, he said.

Based on the initial report of the BFP, damage to property is estimated to reach P15-million.

Meanwhile, no casualties were reported in the incident. Authorities are still investigating the cause of the fire. AAC (with reports from Asher Cadapan Jr.)

TAGS   ,

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.