Mababang presyo ng palay dahil sa rice tariffication law, itinanggi ng DA

Robie de Guzman   •   October 5, 2020   •   5336

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ng Department of Agriculture ang alegasyon ng ilang grupo ng mga magsasaka hinggil sa umano’y pagbaba ng presyo ng palay dahil sa ipinatutupad na Rice Tariffication Law.

Una nang nanawagan ang grupong Federation of Free Farmers sa Kongreso na imbestigahan ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law dahil sa naging epekto nito sa presyuhan ng palay.

Ayon sa grupo, bumaba sa P11 hanggang P13  kada kilo ang presyo ng basang palay habang nasa P14 hanggang P17 naman ang halaga ng tuyong palay.

Anila, ito ay dahil umano sa hindi kontroladong importasyon ng bigas at walang kasiguruhan sa polisiya ng kagawaran.

Ngunit ayon kay Agriculture Secretary William Dar, walang katotohanan at  ‘exaggerated’ lang ang alegasyon ng ilang grupo at ilang dating opisyal ng kagawaran.

Aniya, paraan lang ito upang maisulong ang kanilang panukalang amiyendahan ang mga probisyon ng rice tariffication law.

“The interest groups, along with former DA officials, have exaggerated data on palay to push for the amendment or repeal of the RTL (rice tariffication law). They are resurrecting old arguments against RTL,” ang wika ni Dar.

Batay aniya sa survey ng Philippine Rice Information System (PRISM) na isinagawa mula Setyembre 16-30, 2020, nasa P18 kada kilo ang average na presyo ng palay sa Central Luzon habang P19 naman sa Cagayan Valley.

Ang dalawang rehiyon ang nangunguna sa produksyon ng palay sa bansa na katumbas ng 31.5 percent ng total harvest noong 2019.

Sa ulat naman ng Philippine Statistics Authoroty, lumalabas na nasa P17.12 kada kilo naman ang farmgate price ng palay sa huling dalawang linggo ng Setyembre – mas mataas kumpara sa P16.18 kada kilo na presyo sa kaparehong panahon noong 2019.

Ayon kay Dar, ang mga nasabing survey ay nagpapakita lamang ng totoong presyo ng palay na taliwas sa sinasabi ng ilang grupo.

“Makikita dito na hindi nagkakalayo ang data na ginagamit ng gobyerno, and definitely the reality is, hindi kasing baba ang presyo ng palay as interest groups claim on social media,” ang wika ni Dar.

Tiniyak naman ni Dar na nakahanda ang National Food Authority na bilhin ang palay na ibinibenta ng mga magsasaka sa halagang P19 kada kilo na nasa mga bodega at buying stations sa bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Vincent Arboleda)

Presyo ng baboy, posible pang tumaas habang papalapit ang holiday season – DA

Robie de Guzman   •   November 22, 2021

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ulat ni Aileen Cerrudo sa UNTV C-News, sinasabing umaabot sa P20 hanggang P60 ang presyo ng karne ng baboy.

Sa Mega Q Mart, nasa P420 ang presyo ng kada kilo ng liempo, P350-P360 naman ang halaga ng kada kilo ng kasim.

Sa Commonwealth Market, hanggang P320 ang halaga ng liempo at nasa P360 naman ang kasim.

Nasa P390 ang presyo ng kada kilo ng liempo habang nasa P300 to P340 ang presyo ng kasim sa Malabon Central Market.

Sa Munoz at Guadalupe Market naman, umiikot sa P360 hanggang P380 ang kada kilo ng liempo habang nasa P320 at P330 naman ang kasim.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay bunsod ng kakulangan pa rin sa supply ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon sa DA, posible pang tumaas ang presyo ng baboy sa pagsapit ng buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagtaas ng demand kaugnay ng holiday season.

Pagtaas sa presyo ng gulay, asahan na dahil sa epekto ng Bagyong Maring

Maris Federez   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines — Umabot na sa 2 bilyong piso ang halaga ng mga apektadong agricultural product sa bansa matapos masira ang ilang taniman sa Northern Luzon dulot ng pananalasa ng Bagyong Maring.

Ayon sa Deparment of Agriculture (DA), nasa 42,000 magsasaka ang naapektuhan ang kabuhayan.

Dahil dito, inaasahang mababawasan na rin ang supply ng mga gulay sa National Capital Region (NCR), gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultura.

“Nakita natin ang paggalaw ng gulay dahil ito nga rin ay epekto nung nasalantang mga produce natin. Definitely, ‘pag nabawasan ang yield dahil natamaan ng bagyo ay tataas ang price points ng ating mga gulay dahil yung logististical cost ganun pa rin po and yet mas konti na ang nadadala sa merkado,” ani DA Asec. Kristine Evangelista

Gayunpaman, nakikipag-ugnayan na ang DA sa iba pang rehiyon para sa alternatibong suplay ng gulay sa Metro Manila.

“Basically we are augmenting from different regions po to make sure na hindi masyadong magalaw ang presyo ng gulay para na rin po sa ating mga consumers dito,” dagdag ni Evangelista.

Siniguro naman ng DA na patuloy ang  pagbabantay sa suply ng agricultural products sa bansa upang hindi maabuso ang pagtaas ng presyo nito.

Tiniyak din ng kagawaran na may nakahandang tulong para sa mga magsasaka na naapektuhan sa nakalipas na pananalasa ng bagyong maring

“Initially ang amin pong binibilisan para mapa-disperse na po at maibigay sa ating mga kababayang magsasaka’t mangingisda ay yung ating mga binhi at yung mga gamot para sa kanilang mga livestock, mga animals,” ani Evangelista.

Ayon pa sa DA, mayroon ding nakahandang zero interest loan ang ahensya para sa mga magsasaka na nais umutang ng pang-kapital. Kailangan lamang makipag-ugnayan ang mga apektadong magsasaka sa tanggapan ng DA sa kani-kanilang mga lugar. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Janice Ingente)

DA allots initial P822 million to aid farmers, fishers affected by ‘Maring’

Robie de Guzman   •   October 15, 2021

MANILA, Philippines ­– The Department of Agriculture (DA) said it has allotted an initial P822-million worth of various interventions to assist farmers and fisherfolk affected by Severe Tropical Storm Maring.

Maring caused damage to major crops, livestock, and fishery products, mostly in Northern Luzon, particularly in Regions 1, 2, and the Cordillera Administrative Region (CAR).

“We will continue to provide our typhoon and flood-affected farmers and fisherfolk in Northern Luzon and other areas with immediate aid and much-needed assistance to recover and start anew after the damage and loss in their livelihood and income,” Agriculture Secretary William Dar said in a statement.

Of the total P822 million assistance, the DA said that P650 million will be allotted for the provision of emergency loans to affected farmers and fishers under the SURE Calamity Loan Assistance Program through the DA-Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

“Each affected household can borrow P20,000, at zero interest, no collateral, and payable in 10 years,” it added.

Aside from the agricultural loan, the DA said it has also allotted P172 million under its Quick Response Fund (QRF) for the rehabilitation of affected areas in Regions 1,2, and CAR.

“These interventions are over and above the regular assistance provided by the DA to farmers and fishers affected by typhoons and other natural calamities,” it added.

The department said that the following assistance package are ready for distribution to beneficiaries:

  • Close to 169,000 bags of certified rice seeds
  • 16,600 bags of certified corn seeds
  • 1,480 kilograms of assorted vegetable seeds;
  • Drugs and biologics for livestock and poultry
  • Indemnification for affected farmers/fishers from Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)

As of October 13, the estimated damage to agriculture has amounted to P692 million with 32,392 farmers and fisherfolk affected. Damages and losses recorded were mostly on rice (P498 million), corn (P120 million), high-value crops (P56 million), livestock and poultry (P6 million), and fisheries (P12 million).

Due to early planting and harvesting, the DA noted that about 60 percent of the wet season rice crop was already harvested.

Farmers were also advised to save their respective crops and livestock, including harvest of mature crops, draining of fields to avoid flooding, securing livestock to higher ground, and pruning of fruit trees, among other needed precautions.

As a result, more than P2.86-billion worth of rice and corn were saved, some 141,635 metric tons of rice worth P2.08 billion in Regions 1 and 2 were harvested, while corn farmers in Region 2 were able to save 55,654 MT worth P779.15 million.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.