LTO extends validity of registration of vehicles with plate numbers ending in 6,7,8

Marje Pelayo   •   August 4, 2020   •   490

MANILA, Philippines — The Land Transportation Office (LTO) is extending the validity of registration of motor vehicles with plate numbers ending in 6, 7 and 8 until September 30.

The advisory is in line with the implementation of the modified enhanced community quarantine (MECQ) in the National Capital Region and nearby areas in Region 4A.

The measure aims to avoid congestion at all LTO offices and to consistently observe social distancing during the community quarantine.

Likewise, this will ensure orderly processing of transactions without compromising the health of both the agency’s personnel and clients.

The agency assures that the validity extension will not incur any penalty or surcharge for concerned vehicle owners . 

Image may contain: text that says 'REPUBLIC TMENT TRANSPORTATIONOFFICE lto.gov.ph E-mait PUBLIC ADVISORY congestion consistently registratio extended offices, ensure social distancing motor vehicles September processing transactions community quarantine, motor numbers ending and8is below: NUMBER available, CONDUCTION TICKER ORIGINAL SCHEDUL Used Imported Vehicles, INITIAL REGISTRATION EXTENDED REGISTRATION ALIDITY WITHOUT PENALTY SURCHARGE JUNE 2020 JULY AUGUST SEPTEMBER 2020 huuut EDGAR GALVANTE Assişlant Secretary'

Walang dagdag-bayad sa pagkuha ng lisensiyang may 10-year validity – LTO

Robie de Guzman   •   August 25, 2020

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na walang ipatutupad na dagdag-singil sa mga tsuper na kukuha ng lisensiyang may 10-year validity.

Sa Oktubre 2021 pa sisimulan ang pag-iisyu ng naturang lisensiya ngunit paglilinaw ng LTO, ekslusibo lamang ito sa mga drayber na malinis ang record at walang naitalang kahit anong paglabag sa batas trapiko simula Hunyo 2019.

Kung may naitalang traffic law violation, iisyuhan lamang ang driver ng lisensiya na valid sa loob ng limang taon.

Nilinaw rin ng ahensiya na hindi rin kwalipiado ang mga driver na may lisensiyang valid pa sa loob ng tatlong taon dahil kailangan pa nilang dumaan sa lisensiyang may five-year validity.

Ayon sa LTO, sang-ayon ito sa Republic Act 10930 o ang batas na nagpapalawig sa validity ng driver’s license na isinabatas noong 2019.

Paliwanag ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante, may umiiral na demerit system sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko, depende sa bigat ng violation – 5 puntos para sa grave, 3 puntos sa less grave at 1 punto sa light violation.

Kabilang sa mga itinuturing na grave violations ay ang pagmamaneho ng sasakyan na ginamit sa isang krimen, pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng iligal na droga at alcohol, at pagmamaneho ng mga kolorum o ‘di rehistradong sasakyan.

“Ngayon kung meron kang demerit point, eh maaring hindi ka na mag-qualify dun sa 10-year license validity, at again inumpisahan yan nung 2019 so lahat ng citation na na-issue for drivers violating the traffic rules nasa record na nya yun. Meron na syang na-accumulate na so much demerit points, hindi sya makaka-avail ng incentive na ibinibigay dun sa hindi nagkaroon ng violation,” Galvante said.

Sa ilalim ng batas, maaaring masuspinde ang lisensiya ng isang drayber kung mahigit sampu na ang naitalang demerit points habang maaari namang bawiin ang lisensiya kung mahigit 40 ang demerit points.

Naniniwala ang LTO na ang pinalawig na validity ng driver’s license ay makakahikayat sa mga driver na sumunod sa ipinatutupad na batas trapiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

Traditional jeepney drivers na pumapasada nang walang QR code, huhulihin – LTO

Robie de Guzman   •   July 6, 2020

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) na huhulihin nila ang traditional jeepney drivers na pumapasada nang walang naka-paskil na QR code.

Ang QR code ay patunay na kabilang ang isang jeepney unit sa mga pinayagan nang magbalik-operasyon sa gitna ng community quarantine.

Ibinibigay ito sa jeepney driver kung kasama sila sa listahan ng mga operator at driver na pinahintulutang magbalik-pasada. Makikita ang listahang ito sa website at social media account ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Tini–check namin y’ong QR code na ‘yan ng LTFRB. Na-download na nila, so, ‘yan, naka-display na ngayon sa jeep. Plus y’ong protocol natin: social distancing, thermal, face mask,” ani Retired Col. Rolando Abelardo, ang team leader ng LTO mobile 102 Central Office.

Samantala, limang pampasaherong jeep ang hinuli sa operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ngayong araw sa Malabon City dahil sa sirang gulong at tail light.

“Basta nag-comply lang siguro sila na makakuha ng QR code and then y’ong sasakyan naman hindi naman nila chineck,” ani Col. Rosenso Borja ng IACT Team Barracuda.

Kaya paalala ng mga otoridad sa mga tsuper ng jeep na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe upang makaiwas sa disgrasya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Pag-iisyu ng student driver’s permit, suspindido simula July 1 – LTO

Robie de Guzman   •   June 30, 2020

MANILA, Philippines – Pansamantalang ititigil ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng student driver’s license simula sa Miyerkules, Hulyo 1.

Ayon kat LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, layon ng suspensyon na maisaayos ang bagong proseso sa pagkuha ng student driver’s permit na inaasahang ipatutupad sa buwan ng Agosto.

Sa bagong proseso, obligadong sumailalim ang aplikante sa 15-oras na theoretical lecture kung saan tatalakayin ang mga batas trapiko at polisiya sa pagmamaneho para sa ligtas na pagbiyahe sa kalsada.

Ang lecture ay maaaring isagawa sa tanggapan ng LTO o sa accredited driving schools na nakalista sa website ng ahensiya.

Wala pang inilalabas na detalye ang ahensiya kung magkano ang singil para sa lecture sessions.

Ayon sa LTO, muling bubuksan ang proseso sa aplikasyon ng student driver’s license kasabay ng pagpapatupad ng bagong sistema sa Agosto 3.

Muli namang nagpa-alala ang ahensiya sa publiko na huwag makipag-transaksiyon sa mga tinatawag na ‘fixers’ o sa mga hindi otorisadong indibidwal kaugnay ng pagkuha ng lisensiya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.