LIST: Weekend road reblocking, repair in Metro Manila

Robie de Guzman   •   February 14, 2020   •   925

MANILA, Philippines – Several roads in Metro Manila will be closed for scheduled road reblockings and repairs starting Friday, February 14, the Department of Public Works and Highways (DPWH) said.

In an advisory, the DPWH said the following roads will undergo repair and reblocking starting 11 p.m. until 5 a.m. on Monday, February 17:

SOUTHBOUND:

  • Bonifacio Ave. Cloverleaf to 11th Ave. (1st lane from sidewalk)
  • EDSA Guzent to Roosevelt Ave. (4th lane from sidewalk)
  • EDSA approach BP Tuazon flyover to approach A. Boni Serrano flyover (2nd lane from MRT Line)

WESTBOUND:

  • General Luis St. Samote St. to SB Road
  • Elliptical Road from Kalayaan Ave to Maharlika St. (7th lane from outer sidewalk)

NORTHBOUND:

  • EDSA QC after Aurora Blvd. to New York St. (3rd lane from sidewalk)

The DPWH also said that Eagle Ave. in Barangay Ugong in Pasig City will also be closed by 10 p.m. Friday night until 4 a.m. on Monday to give way to the construction of Manila Water’s main sewer network.

Affected motorists are advised to expect heavier than usual traffic and use alternate routes instead.

Ilang pasyalan sa Metro Manila bukas na sa publiko pero mga bata, bawal sa ilang parke

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – Bukas na sa publiko ang ilang pasyalan sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa rehiyon sa COVID-19 Alert Level 3.

Kabilang sa mga binuksang pasilidad ay ang Quezon Memorial Circle, kung saan pinapayagan ang pagpasok ng mga bata basta’t may kasamang magulang o adult guardian.

Maaari ring kumain sa parke at bukas ang playground para sa mga batang gustong maglaro.

May mga nag-iikot namang security personnel upang masegurong nasusunod ng mga bisita ang ipinatutupad na public health protocols.

Malawak ang Quezon Memorial Circle at maaari itong pagdarausan ng individual exercise.

Bukas ang lugar mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Sa Maynila naman, bukas rin ang Luneta at Paco Park mula alas-5 ng umaga para sa mga nais mamasyal at mag-ehersisyo sa liwasan.

Ngunit ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), bawal pa rin ang pagpasok sa Rizal Park ng mga menor de edad kahit sila ay mag-e-ehersisyo.

“Sa ngayon po, dahil po sa IATF guidelines ay hindi po muna natin ina-allow ang mga bata sa parks and then, yung pagdating naman din po sa pagkain, hindi pa rin po nag-a-allow ng picnic po sa park,” ang paliwanag ni Florizza Buclatin, ang chief of staff ng NPDC.

Sa Intramuros, tumatanggap na rin ng bisita ang Baluarte de San Diego at Fort Santiago pero bawal pa rin ang mga menor de edad.

Bukas ang Fort Santiago mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi habang ang Baluarte de San Diego naman ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Bukas ang mga pasyalang ito, bakunado man o hindi kontra COVID-19.

Paalala ng mga otoridad sa mga bisita, kailangan pa ring nakasuot ng face mask, iwasan ang overcrowding at panatilihin ang physical distancing. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

PNP, may babala vs. mga magulang ng mga batang pakalat-kalat sa pampublikong lugar

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

 

MANILA, Philippines – Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na huwag munang hayaang lumabas ng bahay ang kanilang mga anak sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ginawa ng PNP ang apela kasunod ng pagdagsa ng mga menor de edad sa mga pasyalan matapos isailalim sa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 31.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, malinaw ang patakaran na hindi pa maaaring lumabas ang mga bata maliban kung mahalaga ang lakad gaya ng pagpapa-checkup.

Una na ring sinabi ng Malakanyang na limitado pa rin in general ang paggalaw ng mga bata at papayagan lamang silang lumabas para mag-ehersisyo o kaya ay para sa essential services.

“Nilinaw na ng Metropolitan Manila Development Authority ang panuntunan sa paglabas ng mga kabataan. Maaari lamang silang lumabas kung sila ay magpapagamot o kaya mageehersisyo. Dapat din ay kasama nila ang kanilang magulang tuwing lalabas,” ani Eleazar.

“Kaya naman pinapaalalahanan ko ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak dahil baka akala ng mga ito, maaari na silang basta-basta lumabas dahil sa kakaunting pagluluwag dito sa Metro Manila,” dagdag pa niya.

Babala ng PNP, maaaring papanagutin ang mga magulang ng mga batang makikitang pakalat-kalat sa mga pampublikong lugar.

Payo rin nito sa mga magulang na bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga anak sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Mga bata, bawal pa ring gumala maliban kung outdoor exercise – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Malakanyang sa publiko na bawal pa ring gumala ang mga menor de edad sa gitna ng pagluluwag ng COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre ngunit giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pa ring lumabas ng bahay para mamasyal ang mga menor de edad dahil hindi pa sila bakunado laban sa COVID-19.

Aniya, maaari lamang lumabas ang mga bata kung ito ay para sa pangunahing pangangailangan at outdoor exercise.

“Para sa menor edad, bawal pa rin po ang gala ng mga kabataan except po for outdoor exercises, individual outdoor exercises,” ani Roque.

Sa ilalim ng Alert Level 3, mas maraming establisimiyento ang pinapayagang mag-operate sa limitadong kapasidad.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na payagan ang pagbiyahe ng mga bata pero dapat ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, alinsunod sa panuntunan ng lokal na pamahalaan.

Dapat rin ay may kinalaman sa basic necessities ang lakad at dapat ay nakasunod sa public health protocols.

“Ang pagbiyahe sa interzonal sa kalakhang Maynila ay pinapayagan at pwedeng lagyan ng rasonableng restrictions ng mga local government unit,” ani Abalos.

“Ang kondisyon po na napagkasunduan ng mga alkalde, ay ang mga menor de edad ay pwedeng bumiyahe provided kasama sila ng kanilang mga magulang or ng isang adult na guardian, maski hindi po bakunado,” dagdag pa niya.

Maaari ding pumunta sa mga mall ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o guardian kung magpapa-check up o kaya ay mag-a-avail ng mga pangunahing serbisyo o pangangailangan.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.