LGU ordinance, kailangan sa pagpasok ng mga menor de edad sa mall – DILG

Robie de Guzman   •   December 1, 2020   •   247

MANILA, Philippines – Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng ordinansa para payagan ang mga menor de edad sa loob ng mga mall sa general community quarantine (GCQ) areas.

Ginawa ni Año ang pahayag kasunod ng rekomendasyon na payagan nang lumabas ang mga menor de edad sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Una nang sinabi ng DILG chief na maaaring pumasok sa loob ng mga mall sa GCQ areas ang mga menor de edad na 15 anyos pababa basta’t kasama ang kanilang mga magulang.

Ngunit kailangan aniya itong pagtibayan ng ordinansa, lalo na ng bawat lungsod sa Metro Manila.

“Ito po ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga NCR (National Capital Regions) mayors sa lugar po ng GCQ (General Community Quarantine)” ang wika ni Año.

Paglilinaw naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, limitado lamang ang aktibidad na maaaring gawin ng mga menor de edad sa loob ng mall gaya ng pagbili ng pagkain at iba pang mahahalagang bagay.

Ayon kay Lopez, ito ay bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang muling pasiglahin ang ekonomiya na nalugmok sa gitna ng pandemya.

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na hihintayin nila ang ilalabas na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan bago nila payagan ang mga menor de edad na makapasok sa loob ng mga mall.

“Kailangan pagtibayin yan ng isang ordinansa. Sa meeting namin ng JTF COVID Shield, pinaghandaan po namin itong recommendation ng mayors sa Metro Manila at kaugnayan din natin si NCRPO director para nga sa pagpapatupad nitong nirecommend nila na tinanggap naman ng IATF at inannounce na nga kagabi,” ang wika ni Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, ang commander ng Joint Task Force COVID Shield.

Hinimok rin ng pulisya ang mga magulang na kung maaari ay huwag nang dalhin sa mall ang mga bata hangga’t nananatili ang banta ng COVID-19.

“Nakikiusap kami na hangga’t kaya dahil wala pa po tayong vaccination e umiwas na lang po muna sana. This is to protect and prevent the disease from spreading further. Siguro kung medyo naturukan na tayo ng vaccine ay that’s the time na pwede na lumabas,” ang pahayag ni National Capital Region Police Office director Brigadier General Vicente Danao Jr.

Sinabi rin ni PNP chief General Debold Sinas na pauuwiin nila ang mga batang magtutungo sa mall habang wala pang inilalabas na ordinansa.

“Hindi namin hulihin at alamin muna ng pulis ang dahilan kung bakit nasa mall na sila at pauwiin natin sila,” ang wika ni Sinas. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

TAGS   ,

Inbound travelers positive for COVID-19 to undergo genome sequencing, DOH says

Robie de Guzman   •   January 16, 2021

MANILA, Philippines – All travelers who test positive for novel coronavirus disease (COVID-19) upon arrival in the Philippines will be subjected to genome sequencing to check for the presence of new variants, the Department of Health (DOH) said Friday.

The DOH announced the new directive after a 29-year old Filipino who traveled to Dubai in December tested positive for the more transmissible COVID-19 variant first reported in the United Kingdom.

“There was instruction already na lahat ng parating na pasahero basta’t positive atin na pong isu-isubject sa [genome] sequencing,” Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said in a virtual press briefing.

Genomic sequencing is a process that allows scientists to analyze and determine how a virus has mutated and to detect if it has the new variants based on the samples taken from coronavirus-infected patients.

Previously, authorities conducted random sequencing of the samples of inbound passengers who tested positive for COVID-19.

Amid the growing number of cases of new COVID-19 variants, the DOH said the government is strengthening its genomic biosurveillance as it is “not feasible” for the country to totally shut its borders.

“Our safeguard would be the biosurveillance that we will be doing and the strict protocols in our ports of entry,” Vergeire said.

She also pointed out that none of the other countries are implementing a total travel ban amid the reported spread of new coronavirus variants.

“Wala pa naman tayong move na ganyan sa ngayon na pinag-uusapan sa Inter- Agency Task Force… Kailangan lang natin maintindihan na iyon pong mga ibang mga countries na may variant, wala namang community transmission… But, of course, that would be part of something to be considered by the IATF in the coming days,” she said.

Malacañang has announced Friday that the government is extending for another two weeks that travel restrictions on foreign passengers coming from 32 countries. Filipinos coming from countries covered by the travel ban are still allowed to enter the Philippines but will be required to undergo quarantine for two weeks regardless of their COVID-19 test result. – RRD (with details from Correspondent Aiko Miguel)

Close contacts ng Pinoy na may UK COVID-19 variant na ‘di nakikipagtulungan sa otoridad, mahaharap sa parusa – DOH

Robie de Guzman   •   January 15, 2021

MANILA, Philippines – Maaaring maharap sa parusa ang sinomang close contact ng Pilipinong nag-positibo sa UK variant ng COVID-19 na hindi makikipagtulungan sa mga otoridad, ayon sa Department of Health (DOH).

Inilabas ng DOH ang babala sa gitna ng ginagawa nitong contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng Pilipinong nagkaroon ng UK coronavirus variant matapos bumiyahe palabas ng bansa noong Disyembre.

Una nang iniulat ng DOH na ang Pilipinong naimpeksyon ng UK COVID-19 variant ay bumiyahe pa-United Arab Emirates noong Disyembre. Umuwi ito sa bansa nitong Enero 7 kasama ang kanyang kasintahan sakay ng eroplanong may lulang 159 iba pang mga pasahero.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 92 porsiyento o 146 na ng close contacts ng pasyente ang nakausap ng DOH. Ang nalalabing 13 naman ay hindi pa umano tumutugon o kaya ay kinakansela ang kanilang tawag.

Paalala ni Vergeire na sa ilalim ng batas, maaaring maharap sa multa o parusang pagkakakulong ang sinomang close contacts ng pasyente na hindi makikipagtulungan sa mga otoridad.

“There is this violation, we have a law, RA 11332, law on notifiable diseases… Maaari po tayong magkaroon ng mga sanctions for these persons especially kung talagang kasama siya as contact siya, and the risk of him spreading the diseases ay nandoon,” ang wika ni Vergeire.

Ayon kay Vergeire, nasa quarantine facilities na ang ilan sa close contacts ng UK variant-positive na pasyante habang ang ilan naman ay pinayagang mag-home quarantine alinsunod sa panuntunan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Gov’t extends travel restrictions on 32 countries until January 31

Aileen Cerrudo   •   January 15, 2021

MANILA, Philippines — The national government has extended the travel restrictions on 32 countries until January 31 amid threat of the new COVID-19 variant.

The Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) approved the recommendation to extend the travel restriction, according to Presidential Spokesperson Harry Roque Jr.

Inaprubahan po ng inyong IATF ang rekomendasyon na ma-extend hanggang Janaury 31, 2021 ang entry travel restrictions at mga patakaran sa mga byaherong galing o transiting sa mga sumusunod na bansa kung saan meron na pong bagong strain ng COVID-19 (The IATF approved the recommendation to extend the entry travel restrictions until January 31, 2021, including the implementation of protocols for travelers transiting in areas with confirmed new strain of COVID-19),” Roque said.

Countries with travel restrictions until January 31:

  • The United Kingdom
  • Denmark
  • Ireland
  • Japan
  • Australia
  • Israel
  • The Netherlands
  • The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region
  • Switzerland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Italy
  • Lebanon
  • Singapore
  • Sweden
  • South Korea
  • South Africa
  • Canada
  • Spain
  • United States of America
  • Portugal
  • India
  • Finland
  • Norway
  • Jordan
  • Brazil
  • Austria
  • Pakistan
  • Jamaica
  • Luxembourg
  • Oman

Roque added that the IATF directed the Department of Transportation (DOTr) to implement health protocols and guidelines in airlines. Contact tracing and quarantine protocols will also be intensified.

Lahat ng matutukoy na close contacts ay kailangang sumailalim sa mahigpit na facility-based 14-day quarantine samantalang ang natirang contacts mula sa flight manifest ay papayuhan sumunod sa appropriate quarantine protocols (All in close contact need to undergo in a facility-based 14-day quarantine while the remaining contacts from the flight manifest need to follow appropriate quarantine protocols),” the Palace official said.

Local government units are advised to boost the maintenance of their quarantine facilities as well as the use of Staysafe.PH system for better contact tracing.

The IATF also approved the continuous genomic biosurveillance activities of the Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center, and the UP-National Institutes of Health.

Meanwhile, the United Arab Emirates is not yet included in the list of countries covered by the travel restrictions. AAC (with reports from Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.