Kilos protesta laban sa pinabigat na parusa sa mga lalabag sa batas trapiko, isinagawa ng mga transport group

admin   •   June 20, 2014   •   3219

Aerial view ng isinagawang kilos protesta ng mga transport group sa harap ng tanggapan ng LTFRB na kuha mula sa UNTV drone (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ang mga transport group upang tutulan ang pagpapatupad kahapon, araw ng Huwebes ng revised fines and penalties sa mga pampasaherong sasakyan.

Bunsod nito, maraming pasahero sa Metro Manila partikular sa Commonwealth Avenue ang na-stranded dahil sa tigil-pasada ng ilang grupo.

“Late na late na, isang oras po,” reklamo ng commuter na si Jane Maputol.

“Alas-6 pa lang po ako naghintay, mag-alas-8 na,” pahayag naman ni Maria Alcaraz.

Dagdag pa nito, “Hindi na muna papasok, bukas na lang kasi late na sa trabaho.”

Panawagan naman ni Joan Bacaindoc, “Wag silang maging makasarili, tignan nila yung ibang side, mga nag-suffer katulad namin.”

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), malinaw na isang transport strike ang nangyari at hindi simpleng kilos protesta lamang.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na kapag napatunayan nilang sangkot ang mga transport group sa tigil pasada kaninang umaga ay matatanggalan ng prangkisa ang mga ito.

“Kung sila po ay talagang kasama sa strike, ang talagang ultimate sanction ay cancellation ng franchise,” babala nito.

Bukod dito, nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko ang isinagawang kilos protesta ng iba’t ibang transport group.

Sumugod sa harapan ng tanggapan ng LTO at LTFRB ang mga transport operators upang hilingin na ipahinto ang pagpapatupad ng joint administrative order ng DOTC na nagpapataw ng mataas na multa sa mga lalabag sa batas trapiko.

“Itong administrasyon na ito ang tingin sa mga driver kriminal, hindi nyo napansin multa mas mahal pa sa halaga ng sasakyan,” pahayag ni Jesse Santos, ang Presidente ng Alliance of Concerned Truckers Operators.

“Tamang implementasyon, enforcement ng traffic rules and regulations, hindi po sa laki ng multa upang madisiplina kami, susunod ang driver at operator dun sa tamang sistema na ipatutupad nila,” saad naman ni Ka Obet Martin, Presidente ng PASANG MASDA.

Matapos nito ay dumiretso ang protest caravan sa harapan ng tanggapan ng Department of Trasportation and Communication (DOTC).

Subalit nanindigan si LTFRB Spokesman Migs Sagcal na tuloy ang pagpapatupad ng joint administrative order.

“Wala ng atrasan to, nasa Supreme Court ang kaso, hinihintay natin ang desisyon ng Supreme Court pero sa ngayon wala kaming rason upang itigil ang implementasyon nito.”

Kahapon ng umaga ay nagbantay sa iba’t ibang lugar hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ang mga tauhan ng LTO at LTFRB kung saan dalawang colorum na bus ang nahuli at pagmumultahin ng isang milyong piso.

Samantala, ipinagtanggol naman ng Malakanyang ang desisyon ng DOTC na taasan ang multa para sa mga colorum na pampublikong sasakyan.

Ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Junior, ang colorum ay iligal at labag sa batas.

Dagdag pa ng kalihim, sa ginawang hakbang na ito ng LTFRB ay mapapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

LTFRB director fired over alleged extortion in Bicol

Robie de Guzman   •   December 4, 2019

Former LTFRB Bicol Director II Vladimir Custer Kahulugan

MANILA, Philippines – A regional director of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has been dismissed from office over alleged extortion in Bicol.

In a statement, the LTFRB said that Bicol Director II Vladimir Custer Kahulugan was ordered terminated by the Office of the President in an order released last November 28.

LTFRB chairman Martin Delgra said Kahulugan was sacked after he was allegedly found demanding “monthly protection money” from operators of public utility vehicles (PUV) in the Bicol region.

The Investigation, Security, and Law Enforcement Staff of the Department of Transportation conducted an investigation into Kahulugan following a complaint from a bus operator.

Delgra said that probe findings reaching his office indicated that Kahulugan, together with four other members of the LTFRB enforcement team, have been allegedly collecting money from PUV operators.

The agency said Kahulugan’s alleged cohorts, identified as Narciso Juntereal, Robert Pacurib, Jose Pado, and Eduardo Felix, reportedly evaded an entrapment operation launched in July.

Investigating officials also found that Kahulugan’s team was allegedly involved in “hulidap” operations where they apprehend PUVs and subsequently released in exchange for grease money.

“Likewise, Kahulugan’s group were found allegedly “protecting” drivers and operators of colorum vehicles,” the LTFRB added.

The DOTR investigators have recommended the filing of criminal charges against Kahulugan, and the deactivation of the Bicol Inter-Agency Road Safety Operation (BIARSO) organized against colorum vehicles, which he allegedly used in his extortion activities.

LTO summons doctor to explain behavior in viral road rage video

Robie de Guzman   •   December 3, 2019

The Land Transportation Office (LTO) has summoned the doctor in a viral road rage video as it sought his explanation over his rude behavior.

In a Facebook post, the LTO said it has issued on Monday a show cause order against the physician, identified as Tomas Joaquin Mendez, to explain why his license should not be suspended or revoked over the incident.

The agency cited Section 27 of the Land Transportation and Traffic code which provides the authority to suspend, and the exclusive power to revoke any driver’s license issued if it has reason to believe that the holder is an improper person to operate motor vehicles, or as an accessory to, the commission of any crime or act which endangers the public.

The agency also directed Mendez in its order to appear at the Intelligence and Investigation Division of the LTO Central Office in Quezon City on Dec. 5.

“He is also to file a Sworn Explanation/Comment and show cause on why he should not be administratively liable under Section 27 of Republic Act No. 4136 or the Land Transportation and Traffic Code,” the LTO said in a statement.

This came after Mendez was caught in a video circulating online hurling expletives against other drivers in two road traffic altercations.

If Mendez fails to appear and submit his sworn explanation, the LTO said it will be construed as a waiver of his right to be heard in the proceeding.

“He will, however, be informed of the result of the evaluation of his case,” the agency added.

The Department of Transportation (DOTr) earlier tagged Mendez’s action as an example of abusive behavior and misconduct in a motorist.

It also reminded drivers to remain calm when involved in similar road incidents to avoid hurting other people.

“Inuulit po namin ang paalala sa mga motorista na maging mahinahon at huwag daanin sa init ng ulo o sa antas ng pamumuhay kung sakaling masangkot sa isang traffic incident,” the DOTr said.

“Hangad natin ay isang lipunan kung saan pantay-pantay tayong susunod sa mga alituntunin at batas trapiko, at iginagalang natin ang karapatan at dignidad ng bawat isa,” it added.

LTFRB reiterates ban on transport of pork, pork products through PUVs

Marje Pelayo   •   December 2, 2019

MANILA, Philippines — The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) reiterates that all fresh, frozen, and processed pork products and by-products like sausages and are prohibited inside all public utility vehicles (PUVs) if carrier doesn’t have the needed permits.

This ban on transport of pork and pork products through common public transport such as PUVs is in line with the government’s efforts to prevent the spread of African Swine Fever (ASF) across the country.

Carriers will only be allowed to transport pork products provided they presented the necessary documents at designated Animal Quarantine Checkpoints in disease outbreak areas.

According to LTFRB, violators will be fined of up to P200,000 in accordance with Republic Act 10536 otherwise known as the Meat Inspection Code of the Philippines.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.