Kaso ng heat stroke sa Shanghai, China, tumataas

admin   •   August 6, 2013   •   2189

Children play in a fountain in Shanghai, China, as temperatures soar during a heatwave (REUTERS/Carlos Barria)

Children play in a fountain in Shanghai, China, as temperatures soar during a heatwave (REUTERS/Carlos Barria)

SHANGHAI, China – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga biktima ng heat stroke sa bansang China dahil sa sobrang init ng panahon na namamayani sa bansa.

Dahil dito, nagbabala sa publiko ang mga dalubhasa sa Shanghai na mag-ingat tuwing lumalabas ng kanilang bahay.

Sa tala ng Health Ministry ng China, tinatayang nasa 11 na ang nasawi sa Shanghai dahil sa heat stroke at karamihan sa mga ito ay matatanda.

Ayon sa local meteorological department doon, naitala ang pinakamainit na temperatura noong buwan ng Hulyo na umabot sa 40°C. Pinakamainit umano ito sa nakalipas na sampung taon.

“Ngayon umaabot ng 40, 37 degrees, ang pinakamapanganib ngayon ay ang tinatawag nating heat stroke or tinatawag na heat injuries o overheat ng kaatwan,” pahayag ni Dr. Michael Ong, Suntec, Shanghai, China.

Dahil sa mainit na panahon, dagsa ngayon ang maraming tao sa beaches at swimming pools.

Payo naman ng ilang eksperto, iwasan muna ang outdoor activities upang hindi ma-heat stroke at kung hindi maiiwasan ay huwag kalimutang magdala ng inuming tubig.

“The best way to prevent is to avoid extreme weather, kapag lumagpas na sa body temperature (36-37 degrees) mas maganda i-cancel nalang ninyo ang mga outdoor activities ninyo. Kung kailangan talaga ay magdala kayo ng water or sports drink para hindi kayo matuyo,” ani Dr. Ong. (Dulce Alarcon / Ruth Navales, UNTV News)

Joint oil exploration with China won’t compromise Phl position on WPS — Malacañang

Marje Pelayo   •   October 20, 2020

MANILA, Philippines – The Duterte administration stands firm that the Philippines’ position will not be compromised should a joint oil exploration with China in the West Philippine Sea pushes through.

This is in relation to the country’s arbitral award on the disputed territory against China.

“First, this lifting of the moratorium is an exercise of our sovereign rights. In no way it weakens the arbitral decision, and our MOU to explore a joint development program or cooperation with China, in no way that it weakens or gives away our sovereign rights,” noted Energy Secretary Alfonso Cusi.

Recently, President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Department of Energy (DOE) to lift the suspension and once again issue a resume to work notice for service contractors for oil exploration in the West Philippine Sea.

“Although sovereign rights are defined as exclusive rights, that exclusive rights may be shared to others. The decision to share it is part of the sovereign rights,” explained Presidential Spokesperson Harry Roque. –MNP (with reports from Rosalie Coz)

Libu-libong manok sa Laguna namatay dahil umano sa heat stroke

Robie de Guzman   •   October 8, 2020

MANILA, Philippines – Nasa 43,000 manok na inaalagaan sa isang poultry farm sa bayan ng Nagcarlan, Laguna ang nangamatay dahil umano sa matinding init.

Noong Martes ng hapon nagsimulang mamatay ang mga manok matapos mawalan ng supply ng kuryente sa de-aircon na kulungan ng mga ito.

Tunnel ventilation ang gumagana sa poultry farm kaya sobrang init kapag nawalan ng kuryente.

Ayon kay Nagcarlan Municipal Agriculturist Abeth Lucas, may generator naman sa gusali ngunit pumalya ito kaya tuluyang nawalan ng bentilasyon sa kulungan na nagresulta sa pagkamatay ng mga manok.

“Namatay kasi yung ventilator kaya kumbaga nagkaroon ng heat stroke yung mga manok. Stroke siya gawa ng nawalan ng kuryente tapos pinaandar yung generator nag-bog down naman generator, yung mga fan hindi gumana,” ang wika ni Lucas.

Nakatakda na sanang i-deliver ang mga manok nang mangyari ang insidente.

Tinatayang aabot sa P6 milyon ang halagang katumbas ng mga namatay na manok.

Upang huwag masayang, ipinamigay na lamang ang mga manok sa mga residente ilang oras matapos mamatay.

“Hindi lang ho residente dito mga barangay ng Nagcarlan, ibang barangay ng Masiit nga. Tuwang tuwa naman sila,” ang pahayag ni Minda Ido, ang chairperson ng Barangay Maravilla sa Nagcarlan.

Inilibing naman ang mga manok na hindi na napakinabangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Mac Cordova)

BOC destroys P50-M worth of misdeclared cigarettes

Aileen Cerrudo   •   October 8, 2020

Around P50 million worth of misdeclared cigarettes from China were destroyed by the Bureau of Customs (BOC)-Port of Cagayan de Oro last October 2.

The cigarettes came from different shipments that were declared as furniture and disposable cups. One of the shipments arrived last May 14 while the other shipment arrived last June 9 at Mindanao Container Terminal in Tagoloan, Misamis Oriental.

𝗕𝗢𝗖 – 𝗣𝗼𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗗𝗢 𝗗𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆𝘀 𝗣𝗛𝗣 𝟱𝟬 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗼𝗳 𝗖𝗶𝗴𝗮𝗿𝗲𝘁𝘁𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗰𝗹𝗮𝗿𝗲𝗱 𝗮𝘀 𝗙𝘂𝗿𝗻𝗶𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀, 𝗗𝗶𝘀𝗽𝗼𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗖𝘂𝗽𝘀Fifty million…

Posted by Bureau of Customs PH on Tuesday, October 6, 2020

District Collector John Simon issued a Decree of Abandonment after the shipment failed to request for extension of lodgement of its goods.

“The shipment has been previously issued with an Alert Order. This was followed by a 100% physical examination which revealed the shipment actually containing cigarettes,” the BOC said in a statement. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.