Kapasidad ng 29 na ospital sa Metro Manila, kritikal na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Marje Pelayo   •   March 22, 2021   •   558

MANILA, Philippines — Pumalo sa 7,103 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Biernes (March 19), ang kauna-unahang araw na umabot sa mahigit pitong libo ang tala mula nang pumasok ang sakit sa Pilipinas.

Noong Sabado (March 20), umabot naman sa 7,999 ang bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas sa kasaysayan ng pandemya sa Pilipinas sa ngayon.

Higit pitong libo (7,757) rin ang naitala sa araw ng Linggo (March 21).

Sa tatlong magkakasunod na araw na hindi bumaba sa pitong libo ang bagong kaso ng COVID-19, muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-doble ingat at maging responsable sa pagsunod sa ipinatutupad na minimum health protocols ng pamahalaan.

Mas makabubuti pa rin ang manatili na lamang sa bahay at iwasan ang non-essential travels upang hindi mahawahan ng virus.

Bunsod ng paglobo ng bilang ng nagkakasakit ng coronavirus disease, 29 na ospital na sa Metro Manila ang nasa critical level na ang bed capacity.

Ibig sabihin, umabot na sa maximum o 85% ng nakalaang higaan para sa COVID-19 patients ang okupado na.

Katunayan, 10 sa mga ospital na ito ay 100% occupied na kabilang ang Chinese General Hospital and Medical Center; Makati Medical Center; at ang Veterans Memorial Medical Center.

Ang ilang ospital naman na nasa critical subalit hindi pa fully occupied ang COVID bed capacity ay ang East Avenue Medical Center; Lung Center of the Philippines; Research Institute for Tropical Medicine; at ang UP-Philippine General Hospital.

Dahil dito, sinabi ng Malacanan na kailangang mag-expand pa ng karagdagang hospital beds para sa COVID-19 patients ang mga ospital upang makatanggap pa ng karagdagang pasyente.

“Kinakailangan pong ang ating mga ospital ay damihan po ang kanilang mga kama na naka-reserba para sa mga COVID na mga pasyente,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, dapat ay 30% ng mga higaan sa mga pribadong ospital ay  ma-dedicate sa COVID patients at 50% naman ng mga higaan sa pampublikong ospital.

Samantala, nakabantay naman ang World Health Organiztaion (WHO) sa sitwasyon sa bansa lalo na sa mga pasilidad na may COVID-19 cases.

“This time around, we are looking very carefully at the occupancy of healthcare facilities. The dedicated COVID facilities we are looking at occupancy in the intensive care units. The use of the Mechanical ventilators,” pahayag ni WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.

“We are working with the Department of Health to ensure that localized measures can be implemented with the necessary stringent discipline and public cooperation so that we could hopefully avoid the need for a major enhance community current trying lockdown of the metro during this increase,” dagdag nito.

Ayon sa opisyal, ang mahalaga ngayon ay mapigilan ang hawahan at magsagawa ng mga lockdown sa mga lugar na may matataas na bilang ng kaso.

“This is something that is evolving, we cannot at this point of time, confirm how the situation is me as who and I’m also sure our do is colleagues, monitoring very carefully and looking at how we need to strengthen the current time, but in the meantime, we need to do everything possible to limit transmission, and try to arrest a situation,” ani Abeyasinghe.

Mahalaga aniya ang pagtutulungan ng lahat sa ngayon upang hindi na dumami pa ang kaso at ma-overwhelm ang health system capacity ng Pilipinas. MNP (sa ulat ni Aiko Miguel)

 

Mga Ospital sa National Capital Region na nasa Critical Level na:

Allied Care Experts (ACE) Medical Center–Pateros, Inc.—88.9 percent
Bernardino General Hospital I—94.7 percent
Commonwealth Hospital and Medical Center—98.5 percent
East Avenue Medical Center—89.8 percent
Lung Center of the Philippines—92.1 percent
Medical Center Manila Inc.—85.1 percent
Ospital ng Makati—99 percent
Ospital ng Muntinlupa—97.1 percent
Pacific Global Medical Center, Inc.—86.7 percent
Quirino Memorial Medical Center—83.3 percent
Research Institute for Tropical Medicine—90.5 percent
San Juan De Dios Educational Foundation, Inc.—93.9 percent
Sta. Ana Hospital—90 percent
Taguig-Pateros District Hospital—86 percent
The Medical City—86.8 percent
UP- Philippine General Hospital—88.2 percent
Valenzuela Citicare Medical Center -Timog Hilaga Providence Group, Inc.—85.7 percent
Victoriano Luna Medical Center—94.6 percent
World Citi Medical Center—97.2 percent

SOURCE: DOH COVID-19 TRACKER

Pagbabantay sa PH borders, mas hihigpitan vs COVID-19 Delta variant — DOH

Robie de Guzman   •   June 21, 2021

MANILA, Philippines — Mas hihigpitan pa ang gagawing pagbabantay sa lahat ng border sa bansa, mula sa mga paliparan, pantalan hanggang sa mga boundary ng bawat lugar sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naabisuhan na ang lahat ng lokal na pamahalaan para sa paghihigpit sa kani-kanilang mga border upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant, isang uri ng COVID-19 na mas nakakakahawa kumpara sa ibang variant.

“Nasa heightened alert po lahat. Lahat ng local governments were informed, lahat po ng mga regional offices were informed na kailangan bantayan maigi ang Delta Variant across our borders,” ani Vergeire.

Ayon sa opisyal, mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng COVID-19 testing at quarantine protocols, at contact tracing pati na ang pagpapalawig sa entry ban sa mga magmumula sa bansang India, United Arab Emirates, Oman, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, at Nepal hanggang June 30.

“We are going to uphold the directive of the IATF as well as the Office of the President. This is because we want to prevent further entry of this Delta Variant,” ani Vergeire.

“We cannot have non-uniformity in the implementation of our border control. So iyan po napag-usapan, napagkasunduan, nakausap na rin po ang mga officials, regional directors ng iba’t ibang ahensya last Saturday,” dagdag pa niya.

Ang mas mahigpit na border control sa Pilipinas ay kasunod ng pahayag ng World Health Organization na ang Delta variant na ang dominant variant ng COVID-19 matapos itong mapaulat sa mahigit 80 bansa.

Ang Delta variant ay unang natuklasan sa bansang India.

Sa Pilipinas, 17 na ang kabuuang kaso ng Delta COVID-19 variant matapos itong madagdagan nang magpositibo sa naturang variant ang apat na returning overseas Filipino mula sa South Korea at Saudi Arabia.

Iniulat din ng DOH na 14 na dagdag na kaso ng Alpha variant (United Kingdom), at 21 Beta variant (South Africa) ang naitala sa bansa batay sa ulat ng Philippine Genome Center at ng UP-National Institutes of Health ngayong Lunes.

Ayon sa DOH, lubhang nakababahala kapag lalo pang kumalat sa bansa ang mga variant na ito, lalo na ang Delta variant, dahil mataas ang tiyansang maospital ang isang individwal na kakapitan nito.

“Walang sinabi sa mga ebidensyang nakalap natin, even our experts are saying, walang sinabi na deadly pero sinabi na mas nakakahawa talaga siya,” ani Vergeire.

“Ang delta variant is 60% more transmissible than the Alpha variant. So, ibig sabihin po kung ang alpha variant ay nakapanghahawa ng 4-5 tao per every individual infected, ang Delta Variant po can have 8 individual infected sa isang taong may sakit. So ganoon kabilis ang pagkakahawa kapag Delta Variant ang pinag-uusapan,” dagdag pa niya.

Muli ring paalala ng DOH sa publiko na mag-doble ingat at sundin ang ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Filipinos are allowed to get vaccinated anywhere in PH — DOH

Robie de Guzman   •   June 21, 2021

MANILA, Philippines — Filipinos can get inoculated against novel coronavirus disease (COVID-19) anywhere in the country under the government’s “no wrong door policy” in its vaccination drive, the Department of Health (DOH) said Monday.

 “Meron ho tayong tinatawag na no wrong door policy. Ibig sabihin, kung ikaw ay nagpunta sa Davao at ikaw ay puwede nang bakunahan, puwede ka bakunahan doon kahit hindi ka taga-Davao,” Health Undersecretary Mari Rosario Vergeire said in a press briefing.

“Hindi po natin sinasara ang ating mga pinto sa mga bakunahan dahil hindi ka taga doon na lugar,” she added.

The health official, however, stressed that the vaccination should be done through appointments and that walk-ins should be discouraged as this tends to result in crowding.

The DOH previously said that local government units may open separate walk-in lanes in their COVID-19 vaccination centers as walk-ins may be used as substitutes for those who are scheduled for inoculation but do no show up on a certain date.

The agency, however, said that the number of walk-ins that would be accommodated per day in jab sites should be limited.

The DOH earlier urged the public to pre-register for the vaccination and get inoculated when it’s their turn.

DOH says surge in COVID-19 cases in Visayas, Mindanao due to ‘multitude of factors’

Robie de Guzman   •   June 21, 2021

MANILA, Philippines — The rise in COVID-19 cases in the Visayas and Mindanao areas could be attributed to a “multitude of factors,” the Department of Health (DOH) said Monday.

In an online press briefing, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said they have noted some factors that have contributed to the spike in infections in the Visayas and Mindanao areas, including the complacency in enforcing and observing health protocols.

The DOH also observed the clustering of infections in workplaces and prisons in the said areas.

“Lagi po nating sinasabi na pag may tumataas po na kaso sa bawat lugar, we need to look at a multitude of factors because we know that there are these different factors which causes the transmission of the virus,” Vergeire said.

“Meron tayong pang-indibidwal at pang-komunidad na pagpapatupad po natin ng minimum health protocols at ‘pag tiningnan natin there are reports already coming to us from our different regional epidemiological and surveillance units na talagang mukhang nagkaroon ng complacency sa pagpapatupad ng health protocols,” she added.

Vergeire said the presence of coronavirus variants in some parts of the Visayas and Mindanao may also have contributed to the surge.

“Totoo po na meron na tayong na-detect na variants sa iba’t ibang lugar dito sa Visayas and Mindanao and these can also be drivers of the infection but let us not just rely or let us not just say that it’s just because of the variants, there are a multitude of factors,” she said.

“Kailangan po kapag tayo ay tumitingin sa response natin, it’s a continuum. So we will need to address, not just the variants, but also the other forms of response that we are having,” she added.

Data from the DOH showed that active COVID-19 cases in the Visayas stood at 13,313, and 14,426 in Mindanao as of June 20.

The DOH reiterated its call to the public to continue adhering to health protocols mandated by the government to help break the chain of COVID-19 transmission.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.