Kaanak ng mag-inang nasawi sa pamamaril sa Paniqui, Tarlac, humihingi ng hustisya

Robie de Guzman   •   December 21, 2020   •   758

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak para sa mag-nanay na sina Sonya at Frank Anthony Gregorio na nasawi matapos barilin ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

“Bahala na po ang Dios sa kanya, isa pa katarungan para sa pinsan at auntie ng asawa ko… Ang hirap po balik balikan ng mga pangyayari kasi,” ang pahayag ni Alona Rufino, asawa ng pamangkin ni Sonya.

Aniya, mabait at katuwang nila sa pag-aalaga sa kanyang nanay na may edad na at may karamdaman si Sonya.

Sina Sonya at Frank ay binaril sa ulo ng pulis na si Senior Master Sergeant Joniel Nuezca sa gitna ng mainit na pagtatalo. Nahuli sa video ang pamamaril at naging viral sa social media.

Sinasabing nangyari ang insidente matapos sitahin ni Nuezca si Frank dahil umano sa pagpapaputok nito ng boga kasama ng ilang kabataan sa lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rambaoa, ang hepe ng Paniqui Police, naungkat sa pagtatalo ang matagal nang alitan ng kani-kanilang pamilya hinggil sa lupa at sa right of way.

“Sa pagpunta niya (Nuezca) dun, nabuksan na naman yung matagal ng away nila more than a year ago, ‘yung land dispute, yung right of way kung saan nag-usap na sila sa barangay ilang beses na para nabigyan ng right of way na pwedeng kumasya ang four wheels,” ang wika ni Rambaoa.

“Although ang lupang yun binenta pala sa kanya ng mga biktima. So ang hiling nila is right of way. So ang naibigay sa kanila hindi kasya ang isang sasakyan kasi nagbakod ang pulis,” dagdag pa niya.

Sumuko ang pulis matapos ang pamamaril.

Sumailalim ito sa inquest proceedings ngayong Lunes para sa kakaharapin niyang two counts of murder.

Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government at ng Philippine National Police na mahaharap reklamong administratibo at kriminal si Nuezca at pagka-dismiss sa serbisyo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Bryan Lacanlale)

Trekking activities sa Mt. Pinatubo, ipinagbawal muna

Robie de Guzman   •   March 4, 2021

Pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac ang lahat ng tourism at trekking activities sa Mt. Pinatubo matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa bulkan.

Inanunsiyo ito ni Capas Mayor Reynaldo Catacutan ngayong Huwebes matapos itaas ng Phivolcs ang alert level 1 sa Mt. Pinatubo kasunod ng mahigit sa 1,000 mahihinang pagyanig sa paligid ng bulkan.

“Bawal muna po lahat ng trekking, bawal muna po lahat ng turista sa Mt. Pinatubo. So wala munang papasok sa crater ng Mt. Pinatubo dahil tayo po ay itinaas sa alert level 1 ng Phivolcs,” ang pahayag ni Catacutan.

Nitong Enero lang bahagyang binuksan ang trekking activities sa bulkan upang kahit papaano ay makabawi ang lokal na ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Sa muling pagsasara ng trekking tourism, apektado ang kabuhayan ng mga tour guide, transient home owners at mga driver ng pinaarkilahang 4×4 vehicles.

Samantala, pinawi naman ng lokal na pamahalaan ang pangamba ng mga nakatira malapit sa bukana ng bulkan.

“Huwag po kayong mag-alala mga kababayan, ito po ay maliit na pagalaw lamang sa ilalim ng crater ng Mt. Pinatubo at halos hindi po ramdam sa kanayunan o sa barangay o mga Aeta village sa taas,” ang pahayag ni Catacutan.

“Huwag lang tayong mag-alala. Ang gawin po natin ay dagdagan po natin ng ating panalangin. Sana ito ay hindi na po lumala at upang hindi na po natin muling maranasan ang klase ng pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991, 29 years ago,” dagdag pa niya.

Taong 1991 nang huling pumutok ang Mt. Pinatubo na itinuturing na pangalawa sa pinakamalakas o pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa nakalipas na 100 taon.

Mahigit sa 800 katao ang napaulat na nasawi sa nasabing pagsabog ng bulkan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Bryan Lacanlale)

DFA advises passport applicants in Paniqui, Tarlac to check emails for rescheduled appointments

Marje Pelayo   •   February 10, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Foreign Affairs’ (DFA) Consular Office in Paniqui, Tarlac announced that due to some technical issues experienced by the DFA’s Passport Online System, the office conducted adjustments which affected appointments already lodged in the system.

The DFA explained that the glitch caused oversubscribing in the Consular Office Paniqui’s 9:00 AM to 10:00 AM appointment slots.

As a result, the Department has rescheduled the appointments of most of these applicants in the same CO. 

Affected applicants may check their emails for the new appointment allotted by the agency.

Affected applicants are requested to bring a printout of the email along with the application form, e-receipt and other documentary requirements during their new scheduled date.

The Department may also accommodate some of these affected applicants in other Consular Offices next week by emailing the nearest Consular Office listed in the DFA Consular Offices directory with the following information:

  • Name
  • Date of birth
  • Original appointment schedule in CO Paniqui
  • Preferred date and time of new appointment

The Department apologizes for the inconvenience this may have caused, and assures the public that the DFA-OCA is continuously working to further improve the delivery of its services to the public. END

Affected applicants who require urgent passport service may contact DFA OCA at the following contact details:

  • 0977-353-3942 (Globe)
  • 0961-567-9324 (Smart)
  • 0961-084-4185 (Smart)

Victims’ kin express anger over Nuezca’s ‘not guilty’ plea

Aileen Cerrudo   •   January 11, 2021

MANILA, Philippines —  The police officer involved in the twin shooting incident in Paniqui, Tarlac has pleaded “not guilty” of committing the crime.

Police SMSgt. Jonel Nuezca was arraigned at the Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 on Thursday (January 7). Nuezca was not able to personally attend the court since he is still under quarantine, but pleaded ‘not guilty’ to the killing of 52-year-old Sonya Gregorio and her 25-year-old son, Frank Anthony Gregorio.

The victim’s kin expressed disbelief and anger over the said plea.

“Siyempre nabigla ako kasi talagang kalaban siya. Humihingi nga siya ng ano pagkatapos nag-not guilty siya […] Maraming galit, para bang walang ginawa, the victims’ husband and father, Florentino Gregorio said.

Nuezca, shot the victims amid a heated argument that started over an improvised canon.

In the now viral video, the shooting incident happened after the young daughter of the policeman who shouted “my father is a policeman” was mocked by Sonya. This appeared to have triggered the cop to pull his gun and shoot the two victims at point-blank range.

The next scheduled hearing for Nuezca’s double murder is on February 4.

Meanwhile, Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) already recommended the dismissal of Nuezca. According to IAS Inspector General Alfegar Triambulo, they have submitted the recommendation to National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Vicente Danao.

Nuezca is currently detained in the crime laboratory Parañaque City. AAC (with reports from Bryan Lacanlale)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.