Iligal na istruktura sa paligid ng Laguna Lake, patuloy nang ginigiba — LLDA

admin   •   June 24, 2013   •   8649

FILE PHOTO: Ang Pasig River na kumukonekta sa Laguna de Bay at Manila Bay. (DARWIN DEE / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang Pasig River na kumukonekta sa Laguna de Bay at Manila Bay. (DARWIN DEE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Patuloy na ang ginagawang pag-giba ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa mga iligal na istruktura sa paligid ng mga ilog na konektado sa lawa.

Ayon kay Presidential Adviser on Environment Concerns at LLDA head Neric Acosta, layon nitong maibsan ang matinding pagbaha lalo pa’t nagsisimula nang maranasan ang malalakas na pag-ulan.

Ayon kay Acosta, target nilang maalis ngayong taon ang nasa 500 fish structure pati na ang nasa tatlong libong ektarya ng aqua structure sa Laguna Lake.

Nakikipag-ugnayan na rin ang LLDA sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Local Government Units (LGUs) upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig sa lawa gaya nang nangyari sa nakalipas na taon dahil sa epekto ng pinalakas na hanging habagat. (UNTV News)

Supply ng COVID-19 vaccine sa Metro Manila LGUs, paubos na

Robie de Guzman   •   April 15, 2021

MANILA, Philippines – Paubos na ang supply ng bakuna kontra COVID-19 sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ayon sa mga alkalde, kinukulang na ang supply ng kanilang bakuna sa dami ng mga nagpaparehistro para makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Sa Quezon City, hanggang sabado na lang ang schedule ng pagbabakuna sa mga indibidwal na maaaring tumanggap ng unang dose.

Sa mahigit 300,000 nagparehistro, mahigit sa 100,000 pa lang ang nababakunahan.

Ayon kay Joseph Juico, ang pinuno ng Quezon City Task Force on COVID-19, kakaunti na lang ang natitira nilang COVID-19 vaccine at hihintayin pa nila kung kailan ulit sila mabibigyan ng national government.

“As to the exact delivery of the vaccines, just like the national government, we are still waiting for the exact time and date,” ang wika ni Juico.

Sa lungsod naman ng Maynila, nasa 2,500 Sinovac vaccines na lang ang kanilang ginagamit ngayon. Sa 300,000 nagparehistro para sa vaccination, nasa 72,000 pa lang ang natuturukan.

Ang Malabon City naman ay mayroon pang nasa 6,000 vaccine doses ngunit kulang na ito para sa mahigit 13,000 pang kailangang mabigyan ng bakuna.

Ang lokal na pamahalaan naman ng Marikina, sa Lunes na inaasahang mauubos ang hawak nilang mga bakuna. Nasa 30 porsiyento pa lang din sa mga nagparehistro online ang natuturukan.

“Paunti-unti ang dating ng bakuna. Tulad ngayon, may dumating na bakuna. Pwede nating magamit hanggang Lunes para sa isang libong indibiduwal lamang. Kulang na. Kulang na. Kulang na talaga,” ang wika ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

Una nang sinabi ng national government na ngayong buwan inaasahang darating sa bansa ang karagdagang supply ng bakuna.

Nagkakaroon umano ng delay sa delivery ng mga bakuna dahil sa isyu sa produksyon nito at pagkakaroon ng supply shortage sa ibang bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

MMDA staff with comorbidities, elderly get COVID-19 vaccine

Robie de Guzman   •   April 14, 2021

MANILA, Philippines – The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) on Wednesday began the vaccination against novel coronavirus disease (COVID-19) of its personnel who are senior citizens and with comorbidities.

MMDA chairperson Benhur Abalos said around 200 employees belonging to the A2 (senior citizens) and A3 (with comorbidities) priority groups were administered with Sinovac Biotech’s CoronaVac vaccine at the agency’s headquarters in Makati City.

Around 80 medical personnel of the MMDA were already vaccinated against COVID-19 on Monday.

Abalos said the MMDA has a high infection rate among its personnel because they are among the frontline workers in the fight against COVID-19.

“Kaya, humingi kami ng tulong sa DOH (Department of Health) para mabakunahan ang ating mga frontliners, lalong lalo na ang aming traffic enforcers, ang mga nasa field,” he said.

The agency is targeting to fully inoculate all its 8,000 employees.

Abalos himself received two doses of the COVID-19 vaccine. His initial dose was given last March 1.

The MMDA has so far recorded a total of 771 COVID-19 infections with 100 active ones. About eight personnel succumbed to the disease. – RRD (with details from Correspondent JP Nuñez)

MMDA suspends truck ban in ECQ areas

Aileen Cerrudo   •   March 30, 2021

MANILA, Philippines—Truck ban in areas under Enhanced Community Quarantine (ECQ) is temporarily suspended, according to Metro Manila Development Authority (MMDA).

In a Twitter post, the agency announced that truck ban is suspended along major thoroughfares in Metro Manila. This is to ensure the deliveries of essential goods in areas under ECQ will be unhampered.

The MMDA, however, clarified that total truck ban is still implemented along EDSA.

The ECQ will last until April 4 in NCR, Bulacan, Laguna, Cavite, and Rizal. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.