Ilang laruan na umano’y may nakalalasong kemikal, ibinebenta sa labas ng mga public schools

admin   •   June 11, 2013   •   7317

Ang ilan sa mga toxic na lalurang ibinebenta sa paligid ng mga pampublikong paraalan ayon sa Ecowaste Coalition. (UNTV News)

Ang ilan sa mga toxic na lalurang ibinebenta sa paligid ng mga pampublikong paraalan ayon sa Ecowaste Coalition. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Ecowaste Coalition sa publiko na huwag bumili ng mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong kemikal na ibinibenta sa labas ng ilang mga pampublikong paaralan.

Sa pag-iinspeksyon ng ilang environmental at health watchdogs, napag-alamang positibo sa nakalalasong kemikal ang ilang laruan na ipinagbibili mula sa 38 paaralan partikular sa lungsod ng Caloocan, Makati, Malabon, Manila, Pasay, Quezon at Taguig.

Ayon sa Ecowaste Coalition, karamihan sa mga laruan ay positibo sa kemikal na lead, mercury, antimony at iba pang nakalalasong kemikal na mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga bata.

Pangunahing sinisira ng lead ang utak at nagpapahina sa intelligence quotient ng isang tao;  habang ang mercury naman ay maaring magdulot ng neurological at behavioral disorder.

Nanawagan naman ang Ecowaste sa mga tindera na itigil na ang pagtitinda ng mga ganitong uri ng mga laruan na nakasasama sa kalusugan ng mga bata. (Cecille Bodena, UNTV News)

Ilang residente sa Caloocan, umaapela ng ayuda matapos palawigin ang lockdown sa kanilang barangay

Robie de Guzman   •   May 25, 2020

MANILA, Philippines – Nananawagan sa pamahalaang panlungsod ng Caloocan ang ilang residente sa Barangay 12 Dagat-Dagatan na bigyan sila ng ayuda matapos mapalawig ang lockdown sa kanilang lugar.

Ayon sa ilang residente, hindi nila napaghandaan ang extension ng barangay lockdown kaya kulang na ang supply ng kanilang pagkain.

Hindi naman sila makalabas ng bahay upang mamili ng kanilang mga kailangan.

“Paano na ang buhay namin? May tindahan sarado, bawal mamalengke. Ang pagkain namin isang linggo lang ang naka-stock e bawal po kami palabasin e,” daing ng residenteng si Angelina Duque.

Aniya, kasama niya sa bahay ang kanyang mga apo na higit na kailangang mabigyan ng pagkain kaya’t naisip niyang magpaskil sa labas ng bahay ng mga pangangailangan ng mga bata.

Ang residenteng si Zaldy Beltran, idinaing rin ang umano’y walang abisong pagpapalawig ng lockdown sa kanilang barangay.

“Siyempre hindi namin ineexpect na ganito. So talagang naalarma kami. Di namin alam na biglang ano ganito na ang sitwasyon,” ani Beltran.

Nanindigan naman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na hindi nila pinapabayaan ang kanilang mga residente at patuloy ang pamimigay nila ng relief packs.

Iginiit rin niyang para sa kapakanan ng mga residente ang pagsasailalim sa lockdown ng mga barangay lalo na sa mga may matataas na kaso ng novel coronavirus disease.

“Namimigay kami ng relief, hindi namin pababayaan… Ang mga barangay na idineklara natin na lockdown ito po ay para sa inyo, para sa ganun ay hindi na lumaganap ng husto sa inyong mga barangay,” ani Malapitan.

Nasa 34,000 ang bilang ng mga residente sa Barangay 12 at mahigit 50 rito ang kumpirmadong dinapuan ng COVID-19.

Samantala, isinailalim naman simula ngayong araw sa extreme enhanced community quarantine ang Barangay 28 sa Caloocan City matapos makapagtala ng 28 active cases batay sa datos noong May 23. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Mayor Isko, pinabulaanan ang ulat na hard lockdown sa buong Maynila

Robie de Guzman   •   May 22, 2020

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang balitang isasailalim sa hard lockdown ang buong lungsod sa mga susunod na araw.

“Huwag po kayong magpapaniwala sa mga sabi-sabi na maglolockdown dito maglolockwon doon dahil kung mayroon man pong ganun ay ako po mismo ang mananawagan sa media,” ani Domagoso.

Ginawa ng alkalde ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na ilalagay sa lockdown ang maraming barangay kasunod ng pamamahagi ng pinansiyal na ayuda mua sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Isko, dumadaan sa masusing pag-aaral bago mailagay sa hard lockdown ang isang lugar.

Kailangan ding may mataas na kaso ang isang barangay upang maikunsidera itong isailalim sa mas mahigpit na quarantine measure.

Sa pinakahuling ulat, aabot na sa 1,152 ang nag-positibo sa coronavirus sa lungsod ng Maynila. Tatlumpu’t tatlo rito ang bagong kaso. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Caloocan City gov’t puts Barangay 156, Bagong Barrio under 3-day lockdown

Aileen Cerrudo   •   May 12, 2020

The Caloocan City government will implement a three-day lockdown in Barangay 156, Bagong Barrio beginning 12:00 a.m of May 13.

According to Barangay Chairwoman Marites Go, they already informed the residents about the said lockdown.

“Pinaikot po namin ang mga tanod at nagbigay na po kami ng memorandum para malaman po nila at makapaghanda sila, (We directed our barangay tanods around the area and we have given a memorandum for residents to be aware and be prepared),” she said.

Under the total lockdown, residents will not be allowed to leave their homes unless they are frontliners or part of the essential workers. Stores, public markets, and other establishments will also be closed for three days.

Relief items will also be distributed before the lockdown is implemented and mass testing will be conducted. Residents who will test positive will have to stay in a quarantine facility.

There are currently 258 confirmed coronavirus disease (COVID-19) cases in Caloocan, 25 of whom are from Barangay 156. AAC (with reports from Joan Nano)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.