Hindi requirement ang pagsusuot ng uniform sa public schools ngayong pasukan – DepEd

Robie de Guzman   •   August 12, 2020   •   298

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi obligado ang pagsusuot ng uniform para sa mga nag-aaral sa pampublikong paaralan sa darating na pasukan.

Ginawa ng DepEd ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na isang opisyal ng kagawaran sa Cebu ang naghihikayat na magsuot pa rin ng uniporme ang mga estudyante kahit online ang klase.

Giit ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, hindi naman istriktong requirement ang pagsusuot ng uniporme kahit noong wala pang COVID-19 pandemic.

“Kasi noong face-to-face [classes] nga hindi natin nire-require e bakit pa natin ire-require kasi ang rationale dun ayaw naman natin na dagdagan pa ng gastos ang ating mga magulang,” ani Mateo.

Ngunit paglilinaw ni Mateo, hindi nito saklaw ang mga pribadong paaralan dahil may sariling polisiya ang mga pamununuan nito ukol sa pagsusuot ng uniporme.

Payo naman ng DepEd sa mga estudyante na kahit nasa bahay lang at online ang klase ay magsuot pa rin ng maayos, angkop at kumportableng damit. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

DepEd, nangangailangan ng learner support aides para sa darating na pasukan

Robie de Guzman   •   September 28, 2020

MANILA, Philippines – Balak ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng learner support aides (LSA) na makakatuwang ng mga guro sa pagsasagawa ng learning modalities sa darating na pasukan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Jess Mateo, bahagi ng tungkulin ng LSAs ay tumulong sa mga guro sa paggabay sa mga mag-aaral o magulang pagdating sa learning modality. Tutulong din sila sa paghahanda at paghahanda ng mga aralin at pagbabantay sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Ang unang-una po is to support the teachers and parents para sa paghahatid ng basic education services doon sa mga learners natin in this new normal. Pangalawa po, ita-tap natin yung potential qualified individuals among households within the community let me emphasize within the community para sa ganun ma-prevent natin yung transmission,” ang pahayag ni Mateo.

Ayon sa DepEd, maaaring mag-apply bilang LSA ang nakatapos sa Senior High School o nakapasok ng dalawang taon sa kolehiyo.

Dapat ay nasa 21 taon hanggang 59 taong gulang at kung maaari ay nakatira sa komunidad na may paaralan.

Prayoridad sa mga kukuning LSA ang mga nag-apply sa DepEd nitong School Year 2020-2021 ngunit hindi nabigyan ng provisional appointment dahil walang available na plantilla teaching item.

Maging ang mga guro sa pribadong paaralan na nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara sa gitna ng pandemiya ay maaari ding mag-apply bilang LSA.

Ang learner support aide ay maaaring tumanggap ng buwanang sahod mula P6,000 hanggang P11,000 depende sa minimum daily wage sa kanilang lugar. Ang pondo para rito ay maaaring kunin sa special education fund o maintenance and other operating expenses ng mga paaralan.

Magtatrabaho sila sa ilalim ng anim na buwang job order ngunit maaari naman itong ma-renew.

“Sa usapin naman ng compensation ang tinitignan po natin dito ay nasa halagang P6,000 to P11,000 kasi po ito yung daily minimum daily wage set by the national wage productivity commission, iba-iba po yan,” ani Mateo.

Sa mga interesadong aplikante, maaari silang pumunta o tumawag sa mga Schools Division Office ng DepEd upang magsumite ng requirement para sa selection at assessment process.

Ayon sa DepEd, ang Schools Division Offices na ang bahalang magpasya kung ilang LSA ang kanilang kukunin depende sa pangangailangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

DepEd drafts supplemental policy to boost child protection during online classes

Aileen Cerrudo   •   September 22, 2020

The Department of Education (DepEd) drafted a supplemental policy to boost child protection during online classes.

DepEd Undersecretary for Legal Affairs Josephine Maribohoc said the supplemental policy includes guidelines for recording online classes.

“In fact when we issued supplemental policy as a policy it would  become a rule. Unlike guidelines that you mentioned, they are recommendations, so once those are adopted into policy they become rule,” she said.

“And some of the themes actually on recording, seeking consent, use of images, all of those will be in the supplemental policy. And we hope we will come in that policy in the very near future,” she added.

The department expects that learners will be using the online learning approach more often following the educational system’s shift to the new normal. AAC (with reports from Dante Amento)

DepEd, iginiit na wala silang pa-contest para mamigay ng libreng gadget

Robie de Guzman   •   September 18, 2020

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga kumakalat na scam na nanghihikayat sa pagsali sa anumang contest upang mabigyan ng libreng laptop at smartphones.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na hindi ito namimigay ng gadget o libring pocket wi-fi sa pamamagitan ng anumang raffle draw o contest para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon sa kagawaran, wala itong pinapayagang grupo o indibibidwal na manghingi ng donasyon kahit nangangailangan ito ng malaking pondo para sa pagpapatupad ng bagong educational program sa gitna ng pandemiya.

Dagdag pa nito, ang mga lokal na pamahalaan at mga kumpanyang katuwang ng DepEd ang namamahagi ng gadget para sa mga mag-aaral ngunit idinadaan ito sa regional at division offices ng ahensiya.

“Ang learning continuity packages na donasyon ng LGUs at lehitimong partners ay ipinamamahagi sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng DepEd regional and division offices at mga paaralan,” ang wika ng DepEd.

Hinimok ng DepEd ang publiko na agad i-report ang mga scam na may kinalaman sa darating na pasukan sa Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng pagtawag sa 0919-456-0027 at 0995-921-8461 o kaya ay mag-email sa action@deped.gov.ph. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.