Muling niyanig ng malakas na lindol ang Kumamoto Prefecture sa timog-kanlurang bahagi ng Japan dakong alas-4:27 ng hapon, oras sa Japan, kahapon, July 28.
Unang naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 7.1 ng Japan Meteorological Agency, na kalaunan ay ibinaba sa magnitude 6.8 ng U.S. Geological Survey.






















