Hiling na isailalim sa ECQ ang 3 lugar sa Bicol, pinag-aaralan na – DILG

Robie de Guzman   •   June 16, 2021   •   116

Pumalo sa 2,349 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region sa huling dalawang linggo batay sa ulat ng Department of Health (DOH).

Batay sa tala ng DOH mula Hunyo 15, nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa rehiyon ang mga lalawigan ng Albay (696), Camarines Sur (584), Sorsogon (341), Naga City (297), at Masbate (223).

Sa kasalukuyan, tanging ang Naga City ang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang June 30, 2021.

Samantalang ang malaking bahagi ng Bicol Region ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na quarantine restriction.

Bunsod nito, hiniling ng Bicol Region medical groups sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapasailalim sa pinakamahigpit na community quarantine ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, at Sorsogon pati na ang mga lungsod ng Legazpi, Naga, at Sorsogon.

Anila, nakababahala ang pagtaas ng kaso na iniuugnay sa local transmission bunsod ng maluwag na pagpapatupad ng minimum health standards, hindi pagsunod ng local officials sa Inter-Agency Task Force regulations, mabagal, inaccessible at di sapat na testing at poor contact tracing efforts at iba.

Ayon naman kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, pinag-aaralan na ng DILG ang apela ng mga medical frontliner.

“For Bicol, its under study. We are meeting with DOH this afternoon to hear their recommendations,” ani Malaya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

TAGS   , , ,

Longer curfew hours in NCR amid COVID-19 Delta variant threat — MMDA

Maris Federez   •   July 24, 2021

MANILA, Philippines — The Metro Manila Council shall impose longer curfew hours anew from 10 p.m. to 4 a.m. starting Sunday (July 25) in the National Capital Region (NCR).

This was announced by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) after the capital region was once again placed under general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

As provided for in MMDA Resolution No. 21-13, the 17 Metro Manila mayors have agreed to adjust the curfew hours from the previous 12 midnight to 4 in the morning.

This is due to the increase in the number of COVID 19 cases in Metro Manila and to control the further transmission of the Delta variant, the MMDA said.

“While the Metro Manila Council recognizes the imperative to gradually and cautiously open the economy in order to increase business activities, reduce unemployment and underemployment, and promote economic growth, it is equally mindful of the paramount interests of life and health and the strict implementation of the prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate strategies,” the resolution stated.

MMDA Chairman Benhur Abalos further said that the COVID-19 Delta variant is highly contagious with an R Naught (R0) or reproduction rate of 5 to 8 “that may potentially trigger an exponential surge and local transmission in densely populated areas like the NCR.”

“We need to limit the movement of the public through the imposition of longer curfew hours. Since the Delta variant spreads exponentially, we should not let our guards down and implement necessary restrictions to contain the virus,” Abalos added.

On July 23, Metro Manila was placed under general community quarantine with heightened restrictions until July 31.

DILG hindi pabor sa reproduksyon ng COVID-19 vaccination card

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko kaugnay ng pagpapagawa ng COVID-19 vaccination card na yari sa isang uri ng plastic card na polyvinyl chloride o PVC.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahalaga ang vaccination card at ang mga impormasyong nakapaloob dito.

Kaya’t tanging orihinal na kopya lang nito ang dapat gamitin alinsunod na rin sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Madaming paggagamitan iyong vaccination card sa ating mga kababayan para makagalaw, para makapagtrabaho, para makapagbyahe. So, given this situation, kailangan po ay orihinal ang ipakita natin sa mga entry points or kaya naman sa mga mall kung tayo ay senior citizen,” ayon kay Malaya.

Paliwanag pa ng DILG, hindi na orihinal ang kopya nito kung isasaliam sa reproduksyon gaya ng paglalagay ng impormasyon sa PVC card, pagkuha ng litrato, xerox o photocopy at pagpapa-scan nito.

May banta rin sa data privacy o personal na impormasyon ng isang indibiduwal ang pagbibigay ng kopya ng vaccination card sa ibang tao o kumpanya.

Kaya payo ni Malaya, huwag sayangin ang oras, hirap at pera sa pagpapagawa ng PVC vaccination card.

Maari namang protektahan na lang ang orihinal na bakuna card sa pamamagitan ng ilang paraan upang hindi ito masira o mawala kung ito ay dadalahin.

“Kung tayo ay concerned doon sa ating vaccination card, ayaw natin itong masira o mabasa, eh di ipa-laminate na lang. Marami pong paraan para maprotektahan natin ang ating vaccination card without reproducing it or tampering with the original,” ayon kay Malaya.

Maaari namang manghingi ang isang indibidwal lalo pa ang mga pupunta sa ibang bansa ng vaccination certificate sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaring magsilbing patunay na ang isang tao ay bakunado na.

Metro Manila LGUs, naghahanda na sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – Naglagay na ng dagdag na isolation facilities ang iba’t ibang local government units (LGU) sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases bunsod ng Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, 83 isolation facilities na ang inihahanda sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at maging sa mga hotel.

Ani Abalos, kailangang maihanda ang mas maraming facility beds para maiwasan na ang nangyaring siksikan sa mga ospital nang magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa unang bahagi ng taon.

“We’ve had this experience before eh remember nung South African and UK variant nung tumaas in just two weeks, kumalat kaagad. Yun talaga, nagsiksikan ang mga ospital, nagsiksikan ang isolation, pero in a way kinaya naman. Talagang naghanap tayo ng mga hotels,” ang pahayag ni Abalos.

Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) at ilang eksperto sa mga lokal na pamahalaan na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols at contact tracing upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant lalo na sa Metro Manila.

Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na sundin ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing at iwasan ang mass gathering.

Samantala, inihayag naman ni Department of Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya na pinag-iisipan na ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang home quarantine upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa isang pamilya.

“Home quarantine is no longer recommended especially dun sa mga areas na may Delta variant. Pag kayo ay nakahalubilo, kailangan dalhin kayo sa facility,” ani Malaya.

Pinaiigting na rin ang operasyon ng One Hospital Command Center upang agad matugunan ang mga kababayang mangangailangan ng atensiyong medical sa gitna ng pandemya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.