Hepe ng Bato, Catanduanes police, tinanggal sa pwesto dahil sa comment sa Paniqui killings

Robie de Guzman   •   December 22, 2020   •   2841

Police Capt. Ariel Buraga

MANILA, Philippines – Inalis na sa pwesto ang hepe ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes kasunod ng komento nito sa social media kaugnay ng nangyaring pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

Ayon kay Bato Mayor Juan Rodulfo, hiniling niyang maalis sa posisyon si Police Capt. Ariel Buraga dahil hindi niya maaaring palagpasin ang aniya’y iresponsable nitong mensahe na ipinaskil sa kanyang social media account.

“Para sa isang police na mag-post ka ng ganon at sumagot doon sa comments na ganon po na nagreact, marami po ang nagreact. So nagdecide po ako kaagad na magrequest ng another chief of police para po sa aming bayan,” ang wika ni Rodulfo.

Si Buraga ay pinalitan sa puwesto ni Police Lieutenant Fidel Romero Jr.

Ayon sa Catanduanes Provincial Police Office (CATPPO), iniimbestigahan na si Buraga dahil sa naging komento nito sa social media na tila sinisi pa ang inasal ng mga biktima na aniya’y kawalang-galang sa mga otoridad kaya nangyari ang pamamaril.

Umani ng negatibong reaksyon mula sa internet users ang post ni Buraga.

“Asahan pong pananagutin ng pamunuan ang anomang paglabag mula sa hanay ng kapulisan sa probinsya,” ang pahayag ni Police Major Edgar Clerigo, hepe ng CATPPO Police Community Affairs.

Tumanggi nang magbigay ng reaksyon si Buraga dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kanya ngunit una na nitong sinabi na wala siyang masamang intension sa kanyang post sa social media.

“Pero hindi ko sinasabi o kinakampihan na tama yung ginawa ng pulis. Mali yung ginawa ng pulis doon sa pagpatay. Maling mali talaga doon,” ang wika ni Buraga.

“Ang pino-point out ko lang naman dito is yung sabi ko sana kahit may edad na yung isang tao ay dapat talaga magkaroon pa rin siya ng respeto sa ating mga kapulisan, kasi iyan na ngayon yung parang nawawala  na sa atin ngayon, yung pagrespeto natin sa ating mga kapulisan,” dagdag pa niya. RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dan Gersalia)

Trekking activities sa Mt. Pinatubo, ipinagbawal muna

Robie de Guzman   •   March 4, 2021

Pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac ang lahat ng tourism at trekking activities sa Mt. Pinatubo matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa bulkan.

Inanunsiyo ito ni Capas Mayor Reynaldo Catacutan ngayong Huwebes matapos itaas ng Phivolcs ang alert level 1 sa Mt. Pinatubo kasunod ng mahigit sa 1,000 mahihinang pagyanig sa paligid ng bulkan.

“Bawal muna po lahat ng trekking, bawal muna po lahat ng turista sa Mt. Pinatubo. So wala munang papasok sa crater ng Mt. Pinatubo dahil tayo po ay itinaas sa alert level 1 ng Phivolcs,” ang pahayag ni Catacutan.

Nitong Enero lang bahagyang binuksan ang trekking activities sa bulkan upang kahit papaano ay makabawi ang lokal na ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Sa muling pagsasara ng trekking tourism, apektado ang kabuhayan ng mga tour guide, transient home owners at mga driver ng pinaarkilahang 4×4 vehicles.

Samantala, pinawi naman ng lokal na pamahalaan ang pangamba ng mga nakatira malapit sa bukana ng bulkan.

“Huwag po kayong mag-alala mga kababayan, ito po ay maliit na pagalaw lamang sa ilalim ng crater ng Mt. Pinatubo at halos hindi po ramdam sa kanayunan o sa barangay o mga Aeta village sa taas,” ang pahayag ni Catacutan.

“Huwag lang tayong mag-alala. Ang gawin po natin ay dagdagan po natin ng ating panalangin. Sana ito ay hindi na po lumala at upang hindi na po natin muling maranasan ang klase ng pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991, 29 years ago,” dagdag pa niya.

Taong 1991 nang huling pumutok ang Mt. Pinatubo na itinuturing na pangalawa sa pinakamalakas o pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa nakalipas na 100 taon.

Mahigit sa 800 katao ang napaulat na nasawi sa nasabing pagsabog ng bulkan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Bryan Lacanlale)

Parents advised to properly counsel minors who may have watched the Paniqui shooting video

Marje Pelayo   •   December 23, 2020

MANILA, Philippines — The chilling ten-minute video of a fatal altercation in Paniqui, Tarlac went viral on social media with the speed of a fired bullet just hours after the incident. 

Various memes popped up on social media, further spreading gruesome images of the moment that would change the lives of two feuding families forever.

The video begins with what seems like an ordinary brawl between neighbors until the suspect, Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca suddenly shoots Sonya Gregorio, 52, and her son Frank Anthony, 25, at point-blank range — right in front of her own teen-age daughter who was also at the scene.

Psychologist Dr. Camille Garcia said the incident will inevitably leave a huge impact on the girl who personally witnessed her father kill two persons in cold blood.

Other than Nuezca’s daughter, the video could also cause psychological effects to other minors who have watched it.

“Para sa akin kung ang tatay ko ay pulis, hindi ko maintindihan kung magiging inferior ako sa ibang tao or hindi ako kikibo. Tapos kasi pwedeng sabihin ng mga kalaro ko ‘Uy, hindi ba iyong tatay mo pulis? Ganyan din ba siya doon sa nakita ko?’ Parang magkakaroon ng comparison,” she said.

It could also give a negative connotation to the profession in the minds of other minors.

“Kapag tinatanong mo: ‘Anong gusto mo paglaki mo?’ ‘Maging police.’ Tapos ang sasabihin makakita ng ganyan. Anong iniisip nila? Kailangan mamamaril ang pulis or it’s the other way around na: ‘Ayoko na maging pulis kasi nakakatakot biglang pumapatay ng tao,’” Dr. Garcia explained. 

Another implication, Dr. Garcia said, is that a minor could lose his or her sense of compassion from watching the video if not given proper guidance by his or her parents or guardians.

“It can lead to the possibility na a person might succumb to a sociopathic behavior, meaning to say, nawawala ang konsensya niya. Sa kanya, parang it’s so ordinary na makakita ng violence,” she noted.

“Then eventually pwede rin siyang gumawa ng something na of a violent in nature na act, pag may kakayahan na siyang gumawa noon,” she added.

Dr. Garcia insists that Nuezca’s daughter should be given proper counselling or debriefing witnessing such a traumatic incident.

“Sabihin natin na-traumatize iyong bata dito. She will really need a lot of counselling and therapy for that matter kasi it can really affect iyong possible personality nito. Remember, pagdating ng 17 or 18 years old doon nabubuo ang personalidad ng bata,” she explained.

She advised parents whose children may have watched the video to explain to them very carefully as the child’s concept of what is right or wrong may be compromised.

“It’s about how to be God-fearing na kapag sinabi natin na, ‘O dapat kung may takot ka sa Dios wala kang dahilan para pumatay.’ Kung meron man ikaw na makakaaway, ganito ang dapat nating gawin, iyong mga ganoong bagay,” she said. MNP (with reports from Rey Pelayo)

PNP assures to resolve Tarlac twin slay case within 30 days

Aileen Cerrudo   •   December 22, 2020

MANILA, Philippines — The Philippine National Police-Internal Affairs Services (PNP-IAS) assured that they would finish within 30 days the investigation on the police officer who shot his neighbors in Paniqui, Tarlac.

PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo said there is substantial evidence to hold Senior Master Sergeant Jonel Nuezca accountable for the incident.

Ang substantial evidence po ay sapat na tayo’y maniwala na siya ay may kasalanan. Kitang-kita naman po, kaya sabi ko nga, base diyan [sa video] ay guilty na pero bigyan po natin siya ng due process dahil yan po ay karapatan niya base sa saligang batas, (There is substantial evidence for us to believe he is guilty. It is clearly seen on the video. Based on it, he is guilty. But let us give him due process because that is his right based on the Constitution),” he said during a phone interview.

Once Nuezca is proven guilty of grave misconduct, he can be dismissed from service. His benefits would be removed, and will no longer be allowed to work in any government agency.

Nuezca was seen in a viral video shooting his neighbors, 52-year-old Sonya Gregorio and her 25-year-old son Frank Anthony Gregorio, at point-blank range on Sunday (December 20).

Meanwhile, PNP Spokesperson PBGen. Ilderbrandi Usana said Nuezca misused his firearm. In a phone interview, the PNP official explained that policemen should not immediately employ necessary force, especially when using firearms. He also said police are trained to control their emotions.

“Wala pong sufficient provocation doon po sa pangyayaring iyon. Kahit na po alipustain siya o masasakit na pananalita mayroon siyang training that controls his emotion at hindi siya magpapadala sa ano mang akusasyon sa kaniya dahil pulis po siya, (There is no sufficient provocation during the incident. Even if [Nuezca] was mocked or received hurtful words, he is trained to control his emotions and he should not get provoked by any accusations against him because he is a police officer),” Usana said.

Policemen, he added, also have other means to arrests individuals without resorting to using their firearms. These include negotiations, unarmed self-defense techniques, or the use of non-lethal weapons.

Regular neuro-psychiatric tests are also being conducted by the PNP to determine the capacity and mental well-being of its troops. AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.