Helpline para sa mga katanungan hinggil sa COVID-19 community quarantine, inilunsad ng PNP

Robie de Guzman   •   May 27, 2020   •   218

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules, Mayo 27 ang Helpline 16677, isang public hotline para sa anumang katanungan o isyu hinggil sa ipinatutupad na community quarantine sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Ayon kay PNP chief Police General Francisco Gamboa, layon ng proyekto na matiyak ang agarang pagtugon ng pulisya sa anumang reklamo o katanungan na hinggil sa mga panuntunan sa enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).

“We want a quick response system that will immediately address and respond to the public’s concerns in the midst of the COVID-19 pandemic. The timely release of information and assistance is urgently needed by our people and the PNP’s helpline will provide just that,” ani Gamboa sa isang pahayag sa media.

Ang PNP Directorate for Operations-PNP Command Center ang magsisilbing communication hub para sa lahat ng ECQ at GCQ concerns. Bukod pa ito sa ginagawa nilang monitoring ng police operations at pag-uulat hinggil sa law enforcement activities ng PNP.

Ayon kay Gamboa, inilunsad ang proyekto sa pakikipag-tulungan ng PLDT Inc. na nagbigay ng 52 units ng mobile phones, 30 units ng pocket Wi-Fi, mga prepaid cards at ilang SMS Messaging suite.

Pagtitiyak ng PNP chief, bukas 24/7 ang PNP Helpline 16677 sa publiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Mga lumalabag sa curfew at iba pang ordinansa sa gitna ng pandemya, huhulihin ng PNP

Robie de Guzman   •   July 13, 2020

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na huhulihin ang mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa kasabay ng pagpapaigting ng anti-criminality campaign nito sa gitna ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni PNP chief Police General Archie Gamboa na bukod sa pagsawata sa krimen, babantayan rin nila ang mga sumusuway sa mga ordinansa ng bawat lungsod gaya ng curfew hours, pagbabawal sa paninigarilyo, at pag-iinuman sa labas ng bahay, at paglabas ng walang pang-itaas na damit.

Maging ang mga lumalabag sa minimum health protocols gaya ng hindi pagsusuot ng face mask at kawalan ng physical distancing ay huhulihin din.

“Yes we will apprehend and file appropriate case,” ani Gamboa.

Paliwanag ng hepe ng pambansang pulisya, layunin nito na mabawasan ang lalo pang pagkalat ng novel coronavirus disease sa gitna na rin ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa.

“This is a national concern na dapat tulong-tulong tayo. So, sana huwag na pasaway para wala na kami hulihin,” sabi ni Gamboa.

Umaasa ang PNP chief na paiiralin ng publiko ang disiplina at susundin ang mga ipinatutupad na batas at ordinansa sa bansa sa gitna ng kinakaharap na krisis sa kalusugan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Cops infected with COVID-19 now over 1,000 – PNP

Robie de Guzman   •   July 10, 2020

MANILA, Philippines – The number of police officers who have tested positive for novel coronavirus disease (COVID-19) has climbed to 1,006, figures from the Philippine National Police (PNP) showed.

The PNP Health Service said 25 additional infections have been reported but there were no new deaths so the total fatalities remains at nine.

A total of 455 cops have recovered from the viral respiratory disease.

The PNP Health Service said it is also monitoring 651 probable cases and 1,252 suspected cases of COVID-19.

The Philippines has so far recorded a total of 51,745 COVID-19 infections, with 12,813 recovered patients and 1,314 fatalities. – RRD (with details from Correspondent Lea Ylagan)

50 Chinese nationals arrested for illegal POGO operations

Aileen Cerrudo   •   July 7, 2020

Fifty Chinese nationals were arrested by the Makati City Police on Monday (July 6) for working in an illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm.

The Makati City Police conducted an operation in Barangay Pio del Pilar after receiving complaints from residents about an illegal gambling operation.

NCRPO director Police MGen. Debold Sinas said various electronic devices including laptop computers, cellphones, and wifi routers were seized in the operation.

The arrested Chinese nationals will face various charges, such as violation of the Cybercrime Prevention Act of 2012, violation of RA 10176, and violation of article 515 in relation to RA 11332, as well as the city’s general community quarantine guidelines. AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.