Halaga ng pinsala sa pagguho ng lupa sa Isabela, umabot sa P6M

UNTV News   •   June 11, 2021   •   107

Tintayang nasa mahigit P6 milyon ang halaga ng ari-ariang napinsala sa nangyaring landslide sa Sitio Barikir Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela noong madaling araw ng Miyerkules, June 9.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reducation and Management Office (MDRRMO), wala namang nasawi o nasugatan sa naturang insidente dahil agad na nailikas ang mga residente sa ligtas na lugar.

Sa temporary shelter ng pamahalaan muna maninirahan ang mga apektadong residente at nabigyan na rin sila ng kaunting ayuda tulad ng relief goods at hygiene kits.

Nagsagawa naman ng inspeksyon kaninang umaga ang ilang tauhan ng Mines and Geosciences Bureau sa pinangyarihan ng landslide, kumuha ng sample ng lupa at pinag-aralan ang rock formation sa lugar upang matukoy ang posibleng panganib na maaaring maidulot pa nito.

Ayon kay Benito Soliven Mayor Roberto Lungan, pinagbawalan na ang mga residenteng apektado sa pagguho ng lupa na huwag ng bumalik pa sa nasabing lugar dahil delikado ng puntahan pa ito.

Kung sakaling, hindi maiiwasan at may kailangang kunin na mahahalagang bagay sa kanilang mga bahay, kailangang ipagbigay alam muna ito sa lokal na pamahalaan o sa mga opisyal ng barangay upang sila ay masamahan.

Plano ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng resettlement area ang mga nawalan ng bahay kasama na ang 25 na pamilya na nakatira malapit sa gumuhong lupa.

Sa kabuuan, nasa 95 household o katumbas ng 120 pamilya o 351 na indibidwal ang mga nakatira sa Sitio Barikir. (ulat mula kay Grace Doctolero)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.