Grupong magiging kritiko ng CIDG, binuo

admin   •   March 17, 2014   •   3193

Ang Group Advisory Council na binubuo ng mga taong mula sa academe, media, religious sector, at iba’t iba pang grupo upang punahin ang trabaho ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magiging maingat na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa kanilang mga desisyon at operasyon.

Ito’y kasunod ng kontrobersya ng delisting kay Delfin Lee.

Ayon kay CIDG Director, Chief Supt. Benjamin Magalong, bumuo sila ng Group Advisory Council na binubuo ng academe, media, religious sector, at iba’t iba pang grupo upang punahin ang kanilang trabaho.

“Sila yung titingin don sa aming transformation kung tama ba yung nirereport namin, tama ba yung scorecards namin, accomplishment namin, it takes a third party someone outside the PNP na magsasabi kung tama ba yung ginagawa ng CIDG.”

Sinabi pa ni Magalong na maaari ding magbigay sa kanila ng suhestiyon ang Group Advisory Council.

Handa naman ang bagong tatag na grupo na bantayan ang lahat ng galaw ng CIDG.

“Critics kami, yung mga workings ng CIDG ay maging transparent at maging base din yung aming advice sa kanila,” pahayag ni Ramon Casiple, ang chairman ng Group Advisory Council.

Naniniwala ang CIDG na malaki ang maitutulong ng outsiders sa pagbibigay ng advice para sa maayos nilang pagtatrabaho.

Inaasahan din ni Magalong na ang advisory council ang kauna-unahang nilang kritiko upang maitama kung anoman ang mali sa kanilang ginagawa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

LGU Contact tracing efficiency sa Metro Manila, kailangan pang palakasin – Magalong

Robie de Guzman   •   August 27, 2020

MANILA, Philippines – Naniniwala si Baguio City Mayor at COVID-19 contact tracing czar Benjamin Magalong na kailangan pang palakasin ang contact tracing efficiency ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa gitna ng coronavirus pandemic (COVID-19) pandemic.

Sa committee hearing sa Kamara noong Miyerkules, sinabi ni Magalong na 1 is to 5 na ang ratio ng contact tracing efficiency sa Metro Manila batay sa nakalap na datos mula Agosto 11 hanggang 18.

Ibig sabihin, bawat isang COVID-19 positive ay limang tao na nakasalamuha nito ang natunton ng mga otoridad.

Gayunman, malayo pa ito sa ideal contact tracing ratio na 1:37 ayon kay Magalong.

Upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa, sinabi ni Magalong na kailangan pang paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang ginagawang contact tracing lalo na sa mga komunidad.

“There is a strong, there is a direct correlation between local government performance in contact tracing and the level of involvement of the local chief executive. Nakita po namin yan sa iba’t-ibang mga local government,” ani Magalong.

Aniya, kailangan ding tutukan ng mga lokal na pamahalaan ang contact tracing bukod pa sa pagsasagawa ng testing at relief operations.

“There’s also an urgent need to develop contact tracing champions in each LGUs, especially kung yung mayor is not so much involved. So we would rather look for councilors or probably head of departments to be the contact tracing champion,” ang sabi ni Magalong.

Base sa August 18 data, mayroon nang 15,103 contact tracing teams o 149,043 contact tracers sa iba’t ibang local government units sa bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Vincent Arboleda)

Baguio City, nasa 2nd wave ng infection; pagpapatupad ng checkpoint at lockdown, mas hihigpitan – Magalong

Robie de Guzman   •   July 28, 2020

Magpapatupad ng mas mahigpit na checkpoint at border control ang Baguio City government kasunod ng pagtaas ng kaso ng novel coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod, ayon kay Mayor Benjamin Magalong.

Naniniwala si Magalong na nasa ikalawang bugso na ng COVID-19 infections ang lungsod kasunod ng mga ulat ng panibagong kaso.

Aniya, lumobo ang kaso matapos dumagsa ang mga tao sa mga mall, palengke at iba pang pampublikong lugar sa siyudad at pag-uwi ng maraming locally-stranded individuals kasunod ng pagluluwag sa antas ng quarantine.

“We’re now experiencing the second wave yah were now on the second wave nag-flatten na tayo eh,” ani Magalong.

Upang mapigilan ang muling pagdami ng COVID-19 infections sa lungsod, sinabi ng alkalde na ilalagay sa lockdown ang buong lungsod tuwing araw ng linggo.

Mas hihigpitan rin ang pagbabantay sa mga checkpoint upang masegurong nasusunod ang ipinaiiral na health protocols.

Inatasan na rin ni Magalong ang mga ospital sa lungsod na maghanda sa posibleng muling pagdami ng mga pasyenteng magpapa-konsulta.

“This is a result of opening up the economy so we just have to innovate, continue innovation, very aggressive sa contact tracing and then sa testing,” sabi ng alkalde na nagsisilbi rin bilang national contact tracing czar sa gitna ng pandemiya.

“I issued an executive order requiring barangay officials be more vigilant, and the encourage flu-like symptoms to report to the barangay so that they can be PCR-tested,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo 27, pumalo na sa 98 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod; dalawa sa mga ito ang nasawi, 51 ang gumaling habang nasa 45 naman ang kasalukuyan pang naka-confine sa medical facilities. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Grace Doctolero)

CIDG raids computer shop selling fake COVID-19 test results

Aileen Cerrudo   •   July 24, 2020

The Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) raided a computer shop in Caloocan City on Thursday (July 23) for allegedly selling fake COVID-19 test results.

A video footage showed a woman preparing fake certificates of Rapid Anti-body test results at a computer shop in Barangay 177, Caloocan City. The CIDG said these fake certificates are sold for P500.

After receiving reports, authorities immediately set up an entrapment operation.

“May isang operatiba namin na nagpanggap na kukuha at nangangailangan ng rapid anti-body test. Ayun nga, sa halagang P500 hinintay-hintay niya ang resulta (One of our operatives posed as a customer in need of rapid anti-body test. So after paying P500 he waited for the results),” according to CIDG Deputy Director for Administration PBGen. Rhoderick Armamento.

Armamento reiterated producing fake test results poses great danger especially with the rising COVID-19 cases. He also said that suspects, Angelica Arino Dellola and Jeshel Roldan Mohad will be facing charges for violating Article 171 in relation to Article 17 of The Revised Penal Code and Republic Act 11332. AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.