Currency
    Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

    Grupong Ang Dating Daan, Nahigitan ang Annual Quota sa Ginanap na Mass Blood Drive Sa Toronto, Canada

    by ruthnavales   |   Posted on Tuesday, July 17th, 2012

    Isa sa mga kaanib sa Members, Church of God International sa Canada sa isang blood donation campaign. (UNTV News)

    TORONTO, Canada – Nalagpasan pa ng grupong Ang Dating Daan ang annual quota nito sa pagdo-donate ng dugo matapos isagawa ang second quarter ng Mass Blood Donation noong Sabado, Hulyo 4 sa Toronto, Canada.

    Pasado ala-una ng hapon nang simulan ang nasabing Mass Blood Drive ng Members, Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon.

    Ayon kay Sol Gasilan na isa sa nag-donate ng dugo, nakikiisa siya sa mabuting layunin na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

    “Una project ito ng Iglesia, so nakikiisa ako sa Iglesia namin. Pangalawa, para makatulong sa ibang tao, mapakinabangan ‘yong dugo ko na may pakinabang naman ako. Maybe one of these days, malay mo mangangailangan ka rin ng dugo so there’s one ready for you kasi meron ka ng dinepost, di ba?”

    Ipinagmalaki naman ni MCGI Coordinator Lingap Kapatid Department na si Jennifer Cabahug na bago pa magtapos ang bloodletting, nalagpasan na nila ang ang kanilang annual quota bilang partners ng Canadian Blood Services.

    “Noong first quarter po, sa awa’t tulong po ng Dios umabot po tayo ng 35 units ng blood, so ngayon po 88% ng goal natin, naabot na po natin ‘yon. If ever maabot po ang lahat umabot ng 20 plus, so goal met na po tayo. So this coming November, 3rd quarter po ng ating blood donation, bonus na po sa atin yon.”

    Nagpapasalamat naman ang Canadian Blood Services (CBS) sa mga miyembro at taga-suporta ng MCGI sa matagumpay na Mass Blood Drive.

    “Comparing from last year to now. It was really a great change, there are more people coming outside your community, people also coming in your own community and outside your community. And today we collected 37 and our goal is only 24, see it’s just beautiful how your community response to the need of blood for general population,” pahayag ni Janet Gonzales, ang Team Leader ng CBS.

    Nananawagan rin ang pamunuan ng CBS sa publiko na magdonate ng dugo dahil sa dami ng mga nangangailangan nito.

    Sa ngayon ay marami ang nangangailangan ng type “O‾” na dugo para sa mga may sakit na bata. Kailangan rin ang “AB” type na dugo na kadalasang ginagamit sa mga pasyenteng may sakit na cancer dahil sa dumaraming bilang nito.

    “Platelets are primarily… mostly not primarily as a say not primarily used for cancer patients and our population for cancer patients is growing. So we need platelets, so we would like to request and encourage people to consider donating platelets which are very important.”

    “Congratulations to your leaders who spearheaded this blood donating and it was such a wonderful project and to you, you know best success to you and God’s blessing to all your community and to all your members of your community and we hope to continue on serving you, and you serving your own community and outside community and for the whole country and it’s beautiful what you are doing. Please continue on, continue what you are doing and it’s such a wonderful thing to do,” pahayag pa ni Gonzales.

    Umaasa naman ang grupong Ang Dating Daan na hindi magsasawang tumulong at makiisa ang mga miyembro at supporters nila sa isang mabuting gawain gaya ng pagdo-donate ng dugo. (Ito ang Balita ni Macelle Delgado/Ruth Navales, UNTV News)

    5 Responses

    1. Jay says:

      Salamat sa Dios sa mabuting pagkakataon.

    2. fred says:

      salamat sa Dios sa mga kapatid na handang gampanan ang lahat ng mabubuting tungkulin ayon sa kalooban ng Dios

    3. Noly says:

      Salamat sa Dios at Kanyang kabutihan at kagandahang loob

    4. willy says:

      sa Dios ang lahat ng kapurihan at kaluwalhatian!!!

    5. jennifer cabahug says:

      Salamat po sa Dios, sa ating Panginoong Dios ang kapurihan magpakailankailan
      man.

    Leave a Reply

    Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.